YasmineNakabusangot ang mukha ko habang naglalakad papunta sa school. Ilang araw na akong hindi nagpapakita si Martin simula n’ong first monthsary namin.
“O? Anyare sa ’yo? Mukha kang namatayan d’yan,” puna ni Pau ng makita niya akong nakasimangot.
I tsked at hindi siya pinansin. Nakakabuwisit talaga si Martin kahit kailan. Hindi man lang siya umuwi sa bahay.
Lagot talaga siya kapag makita ko ang mukha niya. Parang walang girlfriend, a.
Nagsimula na ang klase namin at tahimik lang akong nakinig dahil malapit na ang finals namin this second semester. Kinakabahan ako pero nanatili lang akong chill sa paningin nila.
I don’t want them to think na na-pe-pressure ako.
After class ay napagpasyahan kung puntahan siya sa company nila na dapat n’ong isang araw ko pa ginawa. Kapag talaga malaman-laman ko lang na hindi siya busy hihiwalayan ko na siya agad, tangina niya!
“Alam mo, feel ko may ibang babae si Kuya!” sambit ni Pauline. I forgot sumama pala ito sa akin. And it’s not a good idea. Kanina pa niya ako inaasar na baka may ibang babae si Martin.
Tinaasan ko siya ng kilay ’tsaka inirapan. “A, talaga, Pauline? Fuck you!” mahinang singhal ko sa kaniya at nauna ng maglakad sa kaniya.
Hindi ko na pinansin ang pagtawag niya sa akin at naunang pumasok sa loob ng opisina ni Martin.
Madilim na silid ang unang bumungad sa akin pagkapasok ko. Nakakapagtaka!
In-on ko na lang ang switch, at nanlaki ang mata ko dahil sa gulat ng biglang may confetti na sumabog sa harap ko.
“What the?” turan ko at bakas pa rin ang gulat sa aking mga mata.
“Happy birthday to you!” they started to sang. Hindi ako naka-reak at nakaawang pq rin ang labi ko.
Nandito lahat ng mga kaibigan ko pati na rin ang ibang mga kakilala ko na nagta-trabaho rito sa kompanya nila Martin.
Nagsimula na ring tumulo dahil hindi ko ini-expect na may surprise sila sa akin, hindi ko rin alam na birthday ko na pala ngayon. Birthday ko nga ba?
Nagpatuloy sila sa pagkanta habang si Martin ay lumakad papalit sa akin while holding a cake.
“Anong araw ngayon?” unang tanong ko sa kanila.
“October 4,” sabay-sabay nilang sagot.
Nasapo ko na lang ang noo ko at umatras lahat ng luha ko. “Gagi, next week pa birthday ko!” singhal ko sa kanila at naiiyak dahil ngayon ko lang narealize iyon. Sayang luha ko!
Napasinghap silang lahat dahil sa gulat at natawa habang ako ay napasimangot na lang.
“Bukas pa pala, sabi kasi ni Pauline ngayon,” sambit ni Martin sa akin harapan at napakamot ng batok.
I rolled my eyes to him. “Ewan ko sa ’yo!”
Tinignan ko naman si Pauline at sinamaan ng tingin. “Sorry, ’te. Pinagti-trip-an ko lang naman si Kuya hindi ko naman alam na totohanin niya, e,” aniya habang tumatawa.
Hindi ko na lang sila pinansin at lumabas na ng opisina. Bahala sila sa buhay nila, nakakainis!
“Hoy, Yasmine! Sorry na, I thought today is your birthday!” pahabol niyang sigaw pero hindi ko ito pinakinggan.
“Girlfriend mo ako tapos hindi mo alam birthday ko?” nagtatampo kong saad.
Ngumuso ito sa akin. “Sorry na!”

YOU ARE READING
Run Into my Arms (TO BE PUBLISHED)
Любовные романыStand Alone Novel | 𝐂𝐨𝐦𝐩𝐥𝐞𝐭𝐞𝐝. --**-- When your parents force you to marry a person you don't love. Then, you need to live in a new environment and find a new comfort zone. Yasmine Hezr, a girl with a good heart who always obeys her parents...