YasmineWeeks had passed, pero hanngang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na graduated na ako.
I sighs, ilang araw na rin ako nandito sa davao, and I badly want to go back in Manila. Namiss ko na rin sila Pauline at ang iba ko pang kaibigan, they're all busy with their families, but I understand them.
At ng ilang araw na pananatili ko rito napag-usapan na rin namin nila Daddy na after ng birthday ko this year at saka gaganapin ang kasal namin ni Martin .
Napa buntong hininga naman ako ulit. I wish I can go back the time and be a baby again. Habang tumatanda ang kasi isang mas lalo mo pang napapatunayan na kahit kailan ay hindi pwedeng ibalik pa ang oras, kaya hanngang kaya mo pang gawin ang mga nakakapagpasaya sa'yo, gawin muna ito. Time is gold, hannga't kaya mo pang maging masaya sa sarili mo at sa ibang tao, gawin mo na dahil habang tumatakbo ang oras nang wala kang ginagawa, masasayang lang ang mga magandang opportunity na maging masaya ka. You can't be happy without pain, be happy as long as you want, pero kahit anong saya mo, lungkot naman ang katumbas nito.
Yes life is unfair, but that's reality. We can't do anything but accept the facts.
"Ang lalim yata ng iniisip mo? Are you okay?" sulpot ni Martin sa aking harapan, I look at his worriedly eyes, ito na naman ang pagiging concern niya, kaya mas lalo akong nahuhulog, eh. Masyadong pa fall.
I shook my head then I smiled a bit. "Don't worry, okay lang ako." pagkumbinsi ko rito, but he looks not satisfied in my answer. Aba, alangan namang sabihin kong hindi ako okay kahit okay naman talaga ako, luh, parang baliw naman ako no'n.
Napailing na lang ako at kung ano ano na naman ang iniisip ko.
"You sure?" isang tipid na tango lang ang sinagot ko rito. Ang kulit naman kasi ng lalaking 'to kung hindi ko lang mahal baka nasapak ko na.
He sighs, "Okay, then let's go to the mall," anyaya nito, hi-hindi na sana ako kaso hinila na lang nito bigla ang kamay ko ng walang permisyo. Aba, gago 'to, ah.
Pumasok na ito sasakiyan niya pagkarating namin sa parking lot ng aming bahay, so hindi niya ako pagbubuksan? Ginagago ba ako ng lalaking 'to.
"Hindi ka ba papasok? Or gusto mong buhatin pa kita?" tanong nito sa akin habang malaki ang ngisi sa kaniya labi.
I don't have choice kundi sumakay na lang at padabog na sinara ang pintuan ng sasakiyan.
"Attitude!" bulong nito pero narinig ko naman, napairap na lang ako sa hangin at hindi na lang siya pinansin.
Dumating kami sa mall ng hindi ko pinansin 'tong kasama ko. I want to buy books again. But nevermind hindi ko pa pala tapos basahin lahat ng libro na pinamili namin no'ng huli.
Napa buntong hininga naman 'tong kasama ko saka ako inakbayan. "Nagtatampo ang baby ko!" umiiling nitong sambit.
I know he's smirking right now, tangina nitong lalaki na 'to.
"I'm not your baby, matanda na ako, noh. Ano ba!"
Pilit kong tinatanggal ang kamay nitong nakaakbay sa akin ngunit binabalik pa rin nito.
I rolled my eyes. Pinabayaan ko na lang ito ng ayaw talaga nitong tanggalin ang kamay niya.
"Where do you want to eat?" he asked.
I shrugged, "Hindi ako nagugutom!"
"Okay, okay! So, saan mo gustong pumunta?"
Tinignan ko naman ito ng masama, "Aba, ewan ko sa'yo. Ikaw ang nagdala sa akin dito tapos ako tatanungin mo kung saan ko gusto magpunta? Wala, gusto kong umuwi at matulog lang buong araw." inis kong singhal sa kaniya tsaka padabog na nauna sa kaniya. Siya nga itong nag-aya hindi naman pala alam kung anong gagawin dito.
Pumasok ako sa loob ng ice cream parlor at naupo sa bakanteng upuan. Alam kong sumunod ito sa akin kaya hinintay ko na lang na umupo ito sa tabi ko. Ngumuso naman ako, "Bilhan mo na lang ako ng chocolate ice cream," sambit ko rito.
Hindi na niya hinintay na sumagot pa ako, at umorder na ito.
I felt bad for him, nagiging moody na naman ako lalo na't kapag may dalaw ako.
"Here!" nakanguso ito habang nilalapag ang ice cream na binili nitonsa akin.
Ngumiti ako ng tipid sa kaniya, tsaka nagpasalamat.
Inubos na namin ni Martin ang kinakain namin ng ayain ako nitong umuwi na. Bilis naman magbago ng mood nito, may dalaw ka rin 'te?
Umirap na lang ako, mamaya na lang ako mag-so-sorry kapag hindi na siya nagtatampo.
Tahimik lang kami sa byahe at pagkauwi namin ay deretso lang ito pumasok sa mansion at hindi man lang ako hinintay. Attitude talaga, eh.
Maghapon lang akong tumambay sa kwarto at hindi nakaramdam ng gutom, kung hindi pa nila ako tinawag na kakain na raw ng dinner ay hindi ako bababa.
"Good evening everyone!" bati ko sa kanilang lahat.
Umupo na ako sa tabi ni Martin na tahimik lang akong pinapanood umupo, hindi ko na ito pinansin at nagsimula na kaming kumain.
We just talked some not important things with my parents habang si Martin ay tahimik pa rin sa tabi ko.
Tampo 'yan? Parang babae naman, eh.
Ng matapos kami kumain ay nagpaalam na akong aakyat na at magpapahinga.
Papasok na sana ako sa aking silid nang may humila sa akin kaya napasubsub ako sa dibdib nito.
He hugged me tight, I can hear his heart beating so fast.
Niyakap ko naman ito pabalik, "I'm sorry, Martin!"
Kumalas na ito sa yakap tsaka ako hinalikan sa noo. "No, I'm sorry. I'm being childish, ang akala ko susuyuin mo 'ko pero ito ako, ako 'yong sumusuyo sa'yo ngayon!" nakanguso ito ngayon.
Tumawa naman ako ng mahina, "Sorry rin, may dalaw ako kaya moody,"
Niyakap na lang ako nito pabalik pagkatapos ay nagpaalam na siya sa akin na matutulog na, bago ito umalis ay hinalikan na muna niya ako at patakbong pumasok sa loob ng kwarto niya rito sa bahay. Tyansing amputa!
ILANG ARAW na ang lumipas at puro away at kulitan lang ang naganap sa amin ni Martin. Walang araw 'ata na hindi ako nito iniinis, kung wala akong dalaw ay baka tinadyakan ko na siya at ipatalsik sa mansion namin, pero syempre I'm just joking hindi ko naman kayang gawin iyon sa kaniya!
"Ang ganda mo!" biglang sambit nito.
We're here in our rooftop at pinagmamasdan ang kalangitan na puno ng mga bituin.
"Alam ko," I said saka umirap sa hangin.
Tinawanan naman ako nito. "Ang mga mata mo, I love yours eyes, I always want to see it!"
Umirap na naman ulit ako sa hangin at tinignan ito, "Sige sa'yo na itong mata ko!"
He laugh, "No, thanks. I love my eyes and your eyes. But I love you more!" banat pa nito.
Kanina pa ito bumabanat ang co-corny naman, kulang na lang siguro ay magtanim na kami rito ng mais. At kulang na kang ay babanatan ko na ito.
"But to be honest, I really love everything's about you. I know I'm being corny, pero kahit saan ko tignan o kahit saang parte ng katawan mo mahal ko, your not a perfect woman, you have a lot of flaws that's why I love you the most. In my eyes you're already perfect!" nagulat naman ako sa pagiging seryoso nito, at kitang kita sa kaniyang mga mata ang pagmamahal.
Hindi ko alam ano ang magiging reaksyon ko matatawa ba ako, o matutuwa, o maiiyak. I don't know, I think nahulog na ako ng sobra sobra kay Martin. Sa lalim ng pagkakahulog ko sa kaniya ay hindi mo na ito kayang sisirin.

YOU ARE READING
Run Into my Arms (TO BE PUBLISHED)
RomanceStand Alone Novel | 𝐂𝐨𝐦𝐩𝐥𝐞𝐭𝐞𝐝. --**-- When your parents force you to marry a person you don't love. Then, you need to live in a new environment and find a new comfort zone. Yasmine Hezr, a girl with a good heart who always obeys her parents...