YasmineI never thought that falling for Martin will be really hard.
Parang ang hirap paniwalaan kahit na ilang buwan na kaming magkarelasyon. May mga araw na nagdududa ako sa kaniya.
Hindi dapat ako magduda pero hindi ko maiwasan.
Ginulo ko ang buhok ko at napabuntong hininga dahil sa frustration.
Bakit naman kailangan ko pang malunod ng gan’to kalalim kay Martin? Sa sobrang lalim ay wala ng simumang makakasisid nito.
He’s corny sometimes, but his words is kinda sweet for me, being gentleman of him, and even he’s attitude makes me fall harder to him. But I sometimes, I also can’t help but to doubt him. I feel bad.
“Hoy, tanga ka ba?” singhal sa akin ni Pau at inaagaw ang iniinom kong alak.
Tinignan ko ito ng masama at pilit na inaabot ang alak na kinuha nito.
“Bakit ka ba naglalasing? And ’tsaka bawal sa akin ang alak kaya itatapon ko na lang ito,”
Inirapan ko na lang ito at uminom ulit ng alak, bumalik na muna ako rito sa manila for the mean time, babalik lang ako sa davao kapag malapit na ang pasukan namin.
Ayaw ko munang makita si Martin, lalo na’t sa Davao ang main company nito. Tsaka busy rin ang isang ’yon kaya lumayo na muna ako sa kaniya. Marami pa akong rason kaso nakakatamad isa-isahin.
I sighs, at nilagok ulit ang iniinom kong alam. Nakaka-limang bote na ’ata ako, tsaka hindi naman ito hard drinks, soju lang naman itong iniinom ko. Naubusan ako ng stock ng ibang alak, e, kaya no choice ito na lang ininom ko.
“Bakit ka nga ba naglalasing, bes?” tanong nito ulit ngunit wala ’tong nakuhang sagot mula sa akin. Bahala siya riyan, baka sabihin pa niya sa kuya niya kung bakit ako naglalasing dito.
“Dahil ba kay, Kuya?”
Tahimik lang akong umiinom at hindi na pinansin ang mga tanong nito. Napabuntong hininga naman ito.
“Don’t worry, I know him at lot, if he say something, he mean it!” umiling naman ako agad.
“So, tell me? What’s your problem, bukod sa kay Kuya, ano pa?”
Tinignan ko naman ito, hindi ko mapigilang kumawala ang mga luha na kanina ko pang pinipigilan. “Pau, I’m afraid.” tanging sagot ko at patuloy pa rin sa paghikbi.
Niyakap naman ako nito, kaya mas lalo akong napahikbi. “Tell me, why?”
“I have so many question in my head Pauline. Pa’no kung kailan hulog na hulog na ako sa kapatid mo saka naman siya sumuko? Paano kung kailan mahal na mahal ko siya saka ko na lang malalaman na hindi naman talaga niya ako mahal? Natatakot ako Pauline, natatakot ako na baka.. baka umaasa lang ako sa wala. Natatakot ako na kapag sabihin ko kung gaano ko siya kamahal ay baka ro’n niya marealize na hindi pala niya ako mahal. I mean, we both know na, kaya siya magpapakasal sa akin dahil gusto niyang siya ang mamahala sa company niyo!” mahabang paliwanag ko sa kaniya habang umiiyak pa rin.
Tangina, bakit ang sakit sakit? Hindi naman ako gan’to rati, ah? Hindi naman ako basta basta umiiyak lang sa mga lalaki, I mean hindi naman basta bastang lalaki lang si Martin, pero bakit gan’to? Bakit ako nasasaktan sa tuwing ipinapakita nito kung gaano niya ako kamahal, o mahal ba talaga niya ako?
Ang gulo! Karma ko na ba ’to dahil pagiging pasaway ko? Hinagod lang ni Pau ang aking likod at pilit na pinapatahan ako.
“Hush, it’s okay. I know my Kuya, Yas. Hindi ka no’n sasaktan. Kahit na sabihin natin kaya ka niya papakasalan kasi para sa mana niya, pero hindi naman ’yon magpapakita ng motibo kung hindi ka talaga niya mahal. Kaya h’wag ka ng umiyak diyan, ang panget mo naman umiyak!” pagpapatahan naman nito sa akin ngunit may halong pang-aasar.
“’Tsaka malapit na kasal niyo, ngayon ka pa magkakaganiyan? Ilang buwan rin kayo, and sa ilang buwan niyong in relationship, siguro napatunayan naman siya siguro na mahal ka niya, no’?”
Sana nga, sana nga totoo na mahal niya talaga ako.
KINABUKASAN ay nagising na lang ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha.
Mahina akong napamura at napahawak na lang ako sa ulo ko nang maramdaman ko ang sakit. Bwisit na hangover!
Dumeretso na ako sa banyo para maghilamos at magtoothbrush.
“What are you doing here?” takang tanong ko kay Martin ng madatnan ko itong nagluluto sa kusina ng condo namin. Bigla na lang nawala ang sakit ng ulo ko ng makita ko ang pagmumukha nito.
“I thought you’re busy?” mahinang tanong ko pero sapat na para marinig niya.
Humarap ito sa akin gamit ang seryoso nitong mukha at nilapag ang mga pagkaing niluto niya.
“Tumawag sa akin si Pau kaya ako nandito, and yes I’m busy. . .” sagot nito.
“Ayon naman pala, busy ka. So, bakit ka nandito?”
“Because I cared for you and to my sister!”
Umirap naman ako at sarkastikong tumawa. “You care for me? ’Yong totoo Martin, mahal mo ba talaga ako? O ginagawa mo lang ang lahat ng ito dahil sa mana mo?” natahimik naman ito at hindi sumagot.
“Kumain ka na!” tanging sagot nito kaya mas lalo akong nainis. I knew it!
“B-bakit hindi mo kayang sagutin ang tanong ko? Martin ang simple simple lang ng tanong ko. Mahal mo ba talaga ako o ginagawa mo lang ito dahil gusto mo ng makuha ang mana mo?” hindi ko mapigilang sigawan ito dahil sa inis. “O, baka naman dahil may iba kang babae?”
Naiinis ako sa kaniya, pero mas naiinis ako sa sarili ko dahil umaasa akong sasabihin niyang mahal talaga niya ako.
Of course, he didn’t love at all.
“Ang selfish selfish mo! Pinaasa mo lang ako sa wala, Martin. Bakit nga ba ako nagpapatanga sa’yo kahit na una pa lang ay hindi mo talaga ako mahal? Tangina naman, sana hindi na lang kita minahal!”
“Hindi mo ako naiintindihan, Yasmine!” iling nitong sambit pero seryoso pa rin ang kaniyang mukha, wala kang makikitang kahit na anong emosyon sa mata nito.
Bakit nga ba ako umaasa?
Umiling naman at at pinigilan ito sa paglapit sa akin.
“H’wag kang lumapit sa akin, please lang!” pagmamakaawa ko tsaka umiling sa kaniya.
Tila hindi ako nito narinig, at pilit pa ring lumalapit sa akin.
“Please, let me love you without doubting me. . .” mahinang sambit nito ng makalapit sa akin tsaka ako niyakap ng mahigpit.
Wala akong nagawa kun’di hayaang yakapin ako nito. Walang salitang lumabas sa bibig ko—hindi alam kung ano ang sasabihin. Hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba ’to or hindi.
“Don’t ever question my love for you. God knows how much, I love you, Yasmine. . .” seryosong sambit nito tsaka ako hinalikan sa noo.
“Sa bawat araw na kasama kita mas lalo kong napapatunayan na mahal kita, Yasmine. No’ng tumawag si Pauline, and said you’re crying because of me, it feels me bad. Thinking that you’re doubting me, makes me feel I’m not enough for you. You’re too high to reach, my love,” halos pabulong lang niyang sambit habang magkadikit ang noo naming dalawa. “I love you so much, love. Please believe me, stop doubting my love for you.”
Nanlambot ang mga tuhod ko sa bawat mga salitang binibigkas nito. “I love you, Yasmine. And I’m willing to do everything just to prove how much my love for you!”

YOU ARE READING
Run Into my Arms (TO BE PUBLISHED)
RomanceStand Alone Novel | 𝐂𝐨𝐦𝐩𝐥𝐞𝐭𝐞𝐝. --**-- When your parents force you to marry a person you don't love. Then, you need to live in a new environment and find a new comfort zone. Yasmine Hezr, a girl with a good heart who always obeys her parents...