Sa unang pagkikita pa lamang nila ni Hans ay nakadama na siya ng matinding atraksiyon. Nakapanghina ng kanyang tuhod ang presensiya ng binata. Paano kung malaman niyang ang kalahati ng puso niya ay ang lalaking kaharap ang nagmamay-ari? Ang lalaking may mamula-mulang labi at kung makatitig ay nakapagpapatunaw ng puso kahit na sa sinong babae. At paano kung malaman niyang ang binata ay isang bampira..?