Chapter 20

168 20 7
                                    

Little things

Akala ko, nagbibiro lang si Prince nang sabihin iyon.

Pero nagulat na lang ako nang uwian dumiretso na kami sa bahay. Hindi ko alam ang mararadaman ko ngayon, basta ang alam ko pinaghalong kaba at excitement ang nararamdaman ko. I felt Prince held my hand and put it on his thighs.

"Hey... are you nervous?" He asked me. Huminga ako nang malalim bago napatango. He chuckled before he fix the strands of my hair.

"I should be the one who's nervous here, baby."

Ngumuso lang ako bago tumanaw sa harapan ng gate namin. Padilim na rin pero hindi ko alam kung papasok na ba kami. Tumingin ulit ako kay Prince nang mapansing inaayos niya ang kwelyo ng dress shirt niya na naka-tucked in sa black trousers niya. Yes, after our class he excused himself.

Akala ko kung ano ang gagawin, nagpalit lang pala.

"Avery, do I look okay?" He asked me. He even gave a gaze to himself on his rearview mirror to double-check himself.

"Ayos lang, bakit?" Nagtatakang tanong ko. Humarap siya sa akin.

"Should I remove my earring? Also this three?" Tanong niya sabay turo sa hikaw niya at tatlong singsing na nasa daliri niya. I chuckled and shook my head.

"You don't need to. You look cool on that." Sabi ko. I totally like his black ring earring and three black rings on his three fingers. Magkakasunod ang tatlong singsing sa tatlong daliri niya sa kaliwang kamay niya. The index finger, middle finger and on his ring finger. Idagdag mo pa ang white gold chain necklace niya. Kaso pinaloob niya ito sa loob ng dress shirt niya.

"I don't want them to be disappointed, Avery. You're perfect but I look like a... badass here." He said, still not convince on his looks. Mas natawa ako na ikinalukot ng mukha niya. Tama nga siya, medyo suplado naman kasi ang aura niya kaya ano na lang ang iisipin gayong ganito rin na may singsing at hikaw siya?

"Your outfits and feature isn't connected on your attitude and it doesn't define you as a human, okay? At isa pa, huwag ka ngang kabahan, kilala ka nila Mama at Papa!" Pagpapalakas sa loob ko.

He heaved a sigh before he stroke his hair. "But I'm your suitor now. I should look more presentable and formal."

Hinawakan ko ang kamay niya at pinisil iyon. "Huwag ka nang kabahan. Mababait sila Mama at Papa. Tara na?"

Sa huli napapayag ko na rin siya. Hindi ko alam kung matatawa ba ako dahil nang nasa harap na kami ng gate ay nanlalamig ang mga kamay niya at mas hinihigpitan pa niya ang paghawak sa kamay ko.

"Damn it, do I look like a scared cat baby? It's my first time meeting a girl's parents. Unang beses ko ito para manligaw." Bulong pa niya sa akin.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at pinagmasdan siya. I can't help but smile to his remarks. It's so heart-warming knowing that it's his first time. Dapat ko nang kalimutan ang namagitan sa kanila ni Eliz. Sinabi na sa akin ni Prince ang lahat, ang kailangan ko lang ngayon ay magtiwala sa kaniya.

Ako ang unang babaeng niligawan niya. At ako ang unang babaeng nagustuhan niya.

I just hope there is no next. I hope we'll be the last for each other. He's not my first, but I'll pray to God to make him my last.

Nang pinagbuksan kami ng isang katulong ng double-doors namin. Naging stiff na si Prince. I stifle my chuckles because he looks like brave for one battle knowing he's nervous inside. Hawak niya ang kamay ko nang igaya ko siya at i-tour muna sa unang palapag ng bahay namin.

Narinig kong naghahanda si Mama ng dinner at malapit nang umuwi si Papa kaya inakay ko si Prince sa sala muna.

"I'll just call my Mama." Paalam ko kay Prince. Tumango siya sa akin pero bago ako umalis, pinigilan niya ako. Nagtataka akong lumingon sa kaniya.

Love Between Past and Present [Vesalden Series#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon