Traffic
"Wait, talagang no Flix at no other man? Talagang 'yon ang first rule mo?"
Napakunot-noo ako habang sinisipat ang ginagawa naming kontrata. Nandito kami sa condo ko dahil dito namin naisipang gumawa niyon.
"Why? Is that wrong?" he asked as if it's not a big deal. Umismid na lang ako habang nire-review iyon. May mga nakasulat na sa itaas na mga pagkakasunduan namin tapos sa ibaba ang mga rules namin. Simple lang naman ang rule ko, halos 'yong sinabi ko lang kanina sa rooftop. Na bawal alalahanin ang mga past at exes namin.
Siya naman ay 'yong no Flix, no other man except for him ang unang rule. Gusto kong hampasin siya dahil, bakit naman nadamay si Flix dito? Napataas na lang ang kilay ko. Ang pangalawang rule niya na nagsilbing last rule niya, we should be open to each other. Parang 'yong ginagawa namin ngayon. Nakakapasok siya sa condo ko, pwede siyang makialam sa bagay na ginagawa ko, at ganoon din siya.
"I'll sign this, pagkatapos mong pumirma, magpapa-copy pa ba ako? O, ako na lang ang manghahawak nitong kasunduan?" tanong ko sa kaniya habang pinipirmahan iyon. Ibinigay ko sa kaniya pagkatapos ko.
He softly signed it. "I guess you'll just take it, I don't mind."
Tumango naman ako. Nang mapirmihan niya, ibingay niya sa akin. Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko habang pinagmamasdan ang pirma niya. Ang simple pero halatang pang propesyunal. Napangiti na lang ako bago ako tumingin sa kaniya, pinigilan kong suminghap dahil mataman siyang nakatingin sa akin.
"S-Siguro, magkita na lang tayo bukas. Maaga pa ang klase bukas," sabi ko naman. Gabi na rin kasi, kahit naman sabihin naming nasa kontrata, ayoko pa ring masanay siya na palaging nasa tabi ko.
I'm holding myself back on falling for him, but this suddenly happened. To be honest, I don't want this thing, I don't want to have more time to be with him. I know that my feelings is being neglected here, but I don't want something to happen between us, I don't want to love again.
Minsan na akong nasaktan, ayoko nang ulitin iyon.
"Then, better tell your driver you don't need to be fetch. Sumabay ka na lang palagi sa 'kin," aniya bago umalis. Ni hindi man lang tinanong sa akin kung pabor pa ako sa sinabi niya. Nang makaalis, napahinga ako nang malalim.
Ayaw kong sumabay sa kaniya. Hindi naman palagi ay dapat magkasama kami. May mga bagay din naman siyang dapat para sa sarili niya lang, bakit pa niya ako isasabay palagi? Pinalobo ko ang bibig ko. Bahala na nga.
I texted Kuya Klev what Prince has said.
Kinabukasan, ganoon nga ang nangyari. Sabay kami, sa totoo lang hindi ko alam paano gumalaw at umakto, medyo naiilang pa rin ako sa kaniya. Paano pa kaya kapag nalaman na ito ni Denber at Flix?
"Are you... okay?" he asked in the middle of the road. Agad akong napatingin sa kaniya nang sulyapan niya ako.
"Oo naman, bakit mo natanong?"
Umiling siya. "Nothing, I just feel you seem so uneasy. Are you uncomfortable on our arrangement?"
Gusto kong sumagot na oo, na hindi talaga ako komportable, pero hindi ko na kayang umatras pa. Sisimulan ko na lang siguro ang kahibangang ito.
"No, I was just thinking something." I answered. He nodded.
Tumingin na lang ako sa labas. I actually don't know what will be the result of this game. I'm kinda sort know of the possible outcome, pero siguro dahil mismong sarili ko, gusto kong malaman ang kasagutan.
I heaved a sigh. I will let destiny hold my fate then.
Nang makapasok kami sa room, tahimik si Flix at Denber. Parehong nagce-cellphone kaya hindi kami napansin. Nang tingnan ko si Prince, may pinahiwatig siya sa mga tingin niya. And I get it, his first rule. Kaibigan ko naman ang dalawang 'yon ah?
BINABASA MO ANG
Love Between Past and Present [Vesalden Series#1]
Romance[Vesalden Series#1] Rebound. Both broken hearts met unexpectedly. They are desperate to escape from the pain. They chose to use each other to forget their exes. But will they continue to fool themselves, if their heart is now beating for each other...