Grave
Lumabas ako mula conference room.
Katatapos lang ng meeting at pakiramdam ko napagod ang utak ko. Dumeretso ako sa opisina ko upang doon ipagpatuloy ang trabaho.
Hindi pa man ako nakapagpapatuloy sa trabaho nang kumatok ang sekretarya ko.
"Ms. Zandoval, the proposal from Mr. Guanchillo is here." Zoe said.
"Come in," matipid na sagot ko. Mayamaya ay pumasok na rin siya at nilapag sa mesa ko ang mga dokumento.
"You have a meeting after 30 minutes, Ms. Zandoval." She said. I just nod and let her leave.
Meeting again.
Bumuntong-hininga ako at nagbasa na ng reports at ng dokumento. Agad ko iyong pinirmahan nang matapos at tinawag si Zoe mula sa intercom upang ibigay.
Wala akong naging pahinga man lang dahil matapos ang maikling pagbabasa ng reports, muli akong tumayo at lumabas sa opisina ko. Awtomatiko namang sumunod si Zoe sa akin at sinabi rin ang magiging purpose ng meeting ngayon. Tango lang ang iginawad ko hanggang makarating sa conference room sa ika-labing-dalawang palapag. Nasa 30th floor naman ang opisina ko.
Pagkapasok ko, nagsitayuan ang mga board members. Sumenyas ako na umupo na sila nang makaupo na ako sa pinakadulo. Nagsimula na ang meeting at mas lalo akong na-stress.
"We'll continue this project. Please proceed on planning on it. Call the engineer and architect of our company and tell them about this matter. This project will begin in one month." Pormal na sabi ko, na ikina-sang-ayon naman nila.
Nagpatuloy pa ang meeting hanggang matapos kami sa pagplano. Agaran din naman akong umalis matapos dahil marami pa akong trabahong itutuloy sa opisina.
"Lunch, Ms. Zandoval?" tanong ni Zoe habang nasa elevator kami. Hinilot ko ang sentido at tumingin sa kaniya.
"Filipino food," tipid na sagot ko. Ngumiti siya bago tumango at tumawag na sa phone niya.
Bella Zoe Gutierrez is my Filipina secretary. She's pretty, petite, and smart. A whole package to be exact. We're on the same age so we both got comfortable to each other. Alam naman niya ang ugali ko kaya kahit halos wala akong emosyong ibato sa kaniya, hindi pa rin siya sumusuko bilang empleyado ko.
Nasa Pilipinas karamihan ang branches ng kompanya namin pero sa isang branch dito sa New York ako namumuno. Ayokong bumalik sa Pilipinas.
Pero wala rin akong choice dahil pagkatapos ng isang buwan, babalik ako roon. Marami na kaming proyekto at nadagdagan na naman ng isa. Balak kong manatili sa main company namin para hindi na ako mahirapan sa pagma-manage.
Si Tita Amanda ang nanguha ng bagong mga empleyado sa kompanya ko. Ang mga pinagkakatiwalaan lamang ang kinukuha namin. Hindi ko na hahayaang maulit ang nangyari noon kay Papa. Kaya kapag napapansin kong may kalokohang ginagawa ang mga nagta-trabaho, kukuha lang ako ng pruweba tapos ay sinisisante ko na kaagad.
I don't care. I hate cheaters. I hate betrayers. Ayoko ng mga taong tinitira ako palikod. Dahil bago pa man nila ako mapatumba, napapatalsik ko na sila.
BINABASA MO ANG
Love Between Past and Present [Vesalden Series#1]
Romance[Vesalden Series#1] Rebound. Both broken hearts met unexpectedly. They are desperate to escape from the pain. They chose to use each other to forget their exes. But will they continue to fool themselves, if their heart is now beating for each other...