Pissed
"So this is your condo," Miles stated.
Hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy ang pagbuhat ng ilang bagahe namin. Napatingin siya sa akin, kaya kahit may hawak siyang maleta, kinuha niya pa rin ang ibang gamit ko.
"Let me," he said.
Binuksan niya ang condo ko, I told him my password. Napatingin ako sa harapan ng condo ko. I hissed silently.
If he's mad at me, I don't fucking care. As if I still love that asshole.
Pumasok na kami ni Miles sa condo ko. Darkness filled our sight. Hindi ko ito pinalinis kaya inaasahan ko na ang maarteng reaksyon ng pinsan ko.
"What the heck, Charlotte? Papakainin mo ba ako ng alikabok?" umuubong sabi niya. Inirapan ko lang siya kahit hindi niya kita.
Kinapa ko ang switch ng ilaw. "Feel free to eat it then," pabalang na sagot ko. Narinig ko ang muli niyang pagmumura at pag-ubo ng malakas.
Nang sa wakas ay nabuksan na ang ilaw, napangiwi rin ako. Maayos ang condo ngunit puno ito ng alikabok. Napalunok ako habang nakatingin sa condo ko.
It's been years. Hindi ko aakalaing tatapak akong muli rito. Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko nang dumapo ang tingin ko sa banda kung saan ako napahiga noong nag-away kami ni Eliz. Kumuyom ang kamao ko at nagsimulang manginig.
"M-Miles, 'yong g-gamot ko!" naghihisteryang sabi ko. Nagmadali naman niyang kinalkal ang gamit ko at kinuha roon ang maliit na botelya kung saan doon ko nilalagay ang mga gamot ko.
Nagsimula akong kapusin ng hininga, pero mayamaya ay agad niya akong pinainom ng gamot. Inalalayan niya ako ng akmang matutumba ako matapos. Pinaupo niya ako sa sahig dahil marumi ang sofa. Pinasandal niya ako sa kaniyang balikat dahil umupo na rin siya sa tabi ko.
"It's okay, it's okay... You will surpass this soon," Miles comforted me. Kapos pa rin ako ng hininga kaya hinaplos niya ang likod ko. Nilingon ko siya habang pumupungay ang mga mata. Hinawakan ko ang braso niya.
"W-Will I make i-it?" naluluhang tanong ko. Napapikit siya bahagya bago tumango.
"Yes, so calm now okay? I'm always here. Palagi akong kasama mo rito para hindi ka matakot. Will that be okay?" he asked gently. Agad akong napatango. He kissed my head.
"Calm down now, everything's gonna be okay," he sweetly said.
Sana. Sana nga. I hope everything will be fine. Gusto kong tulungan din ang sarili ko, pero minsan, hindi ko na talaga napipigilan. My trauma is too strong. I can't even handle it sometimes. Lalo na kapag nati-trigger ako. Kung tutuusin, kapag nagpa-panic attack ako noon, nagwawala ako at talagang wala sa sarili, kaya ang reaksyon ko kanina ay masasabing nasa mababang stage pa.
Kumpara noon, hindi na ako nagwawala ngayon. Mas bumaba naman ang reaksyon ng sarili ko kapag nagpa-panic attack ako. Sana nga lang huwag nang bumalik sa dati na halos masiraan na ako ng bait.
Miles cleaned my condo. Sa halip na tutulong ako, siya na ang gumawa dahil ayaw niya akong pakilusin. Nang masyado pang marami ang lilinisin niya, tumawag na siya sa tauhan niya para tulungan siya. It takes many hours to finish that.
BINABASA MO ANG
Love Between Past and Present [Vesalden Series#1]
Romance[Vesalden Series#1] Rebound. Both broken hearts met unexpectedly. They are desperate to escape from the pain. They chose to use each other to forget their exes. But will they continue to fool themselves, if their heart is now beating for each other...