I didn't cheat
Warmth, and comfort.
That's what I'm feeling right now. Sa ilang taon na nakalipas, ngayon lang ako nagising na parang kompleto ang araw ko kahit hindi pa tapos.
The warmth of his hug. Unti-unti kong minulat ang mga mata ko nang maramdamang medyo natatamaan na ako ng sinag ng araw. Hindi masakit, nakakasilaw nga lang. May mabigat sa bandang tiyan at mga hita ko. Alam ko na kaagad na nakapulupot siya sa akin.
His dark, and soft expressive eyes were the first thing I saw. He's intently watching me while his arms were around me, enveloping me. Nakadantay ang isang paa niya sa hita ko, at nakaunan ako sa matigas na braso niya, samantalang ang isa nama'y yakap ang tiyan at baywang ko.
"Good morning," his bedroom voice tickled my ears in a good way. Tila nanindig ang balahibo ko dahil sa boses niya. Kumurap lamang ako bago unti-unting sumagot.
"'Morning," I replied.
Agad akong nag-iwas ng tingin sa kaniya nang mapagtantong, mahigpit na nakayakap din ako sa kaniya. Unti-unti ko iyong binaklas at umatras. Sandaling natigilan si Prince ngunit hinayaan niya akong bahagyang dumistansya sa kaniya.
When I lift my gaze to him, I saw pain across in his eyes but immediately covered it with his little smile. "I already cooked breakfast earlier, do you want to eat?" he gently asked.
Napakagat ako sa labi nang may maramdaman akong guilt. Hindi ko alam kung dahil ba sa paglayo ko sa kaniya.
Tumango ako at unti-unting tumayo. "Susunod ako," maikling sabi ko bago dumeretso sa bathroom.
Hindi dahil sa tinanggap ko na ulit siya para sa pangalawang pagkakataon, ibig sabihin ay napatawad ko na siya kaagad. Ayoko namang magtagal pa ang lahat ng alitan namin dahil marami pa akong uunahin sa ngayon. Ayokong dumagdag pa si Prince.
Habang naliligo, napahilot ako sa sentido ko. I still have a lot of things to do. At ilang weeks na lang, death anniversary na rin ni Papa. Marami pa akong aasikasuhin, kailangan ko munang makausap ang private investigator ko para makahingi ng update at mapakuhanan ng DNA sample ang buhok ko at buhok ni Av.
I also want to visit Sofia and her children. Kakausapin ko rin si Miles na siya muna ang mag-manage ng kompanya lalo na't balak kong pumunta sa New York sa week bago ang death anniversary ni Papa.
I was wearing my maxi dress when I went out from my room. Nakita ko kaagad si Miles at Prince na nagkakape sa kusina, tila may pinag-uusapan. Hindi ko maiwasang matanong sa loob ng isip ko, sa kabilang condo na ba ulit naninirahan si Prince?
Agad nilang nakuha ang atensyon ko nang lumapit na ako roon para mag-almusal. "Uminom ka ng gamot pagkatapos mong kumain," bilin sa akin ni Miles.
Tumango lamang ako bago umupo. I was about to prepare my breakfast when Prince normally made it for me. Seryoso siya habang nilalapag ang mga pagkain sa harap ko at hot choco.
"Ang dami nito," matipid kong reklamo.
"Hindi ka kumain no'ng gabi," napapaos na sabi ni Prince. Bumuga na lang ako ng malalim na hininga bago nagsimulang kumain. Pilitin ko mang ubusin, hindi ko kaya. Nawawalan ako ng gana. Kaya hindi ko rin maiwasang mapaiwas ng tingin nang ayusin ni Prince ang pinagkainan ko.
He cooked for me. He made an effort but I didn't ate it all.
Pero ano naman ngayon?
Nasa kaniya na kung umalis siya. Hindi ko naman siya pinipilit na gumawa ng bagay para sa akin. He should gain my trust again. Kung gusto niyang tanggapin ko na talaga siya, magtiyaga at maghirap siya.
BINABASA MO ANG
Love Between Past and Present [Vesalden Series#1]
Romantizm[Vesalden Series#1] Rebound. Both broken hearts met unexpectedly. They are desperate to escape from the pain. They chose to use each other to forget their exes. But will they continue to fool themselves, if their heart is now beating for each other...