Confirmation
"Are you okay?"
Mahinahong tanong sa akin ni Denber. Napakurap ako bago napilitang tumango. Bumuntong-hininga sila bago pinagpatuloy ni Flix ang pagsusuklay sa buhok ko. Nasa lilim kami ng isang puno malapit sa field, nagre-review kami rito, pero kanina pa ako lutang kaya pinapagaan nila ang loob ko.
"Naiinis ako sa ginagawa niya pero, hindi naman kikilos si Jethro ng walang dahilan." Sabi ni Flix bago inipitan ang buhok ko.
"Silly, that's not how you do it." Saad ni Denber habang tinuturo ang pagka-ipit ni Flix.
"Ha? Mali ba?"
"Yeah. I always braid my sister's hair. Let me," he said then braid my hair again. This time, more clear and more prettier.
"Tarantado, nakaka-bakla pala." Rinig kong sabi ni Flix. Denber just mocked him. "Uh-huh? Let us see, surely you'd do this when you'll have a daughter."
Tumawa lang si Flix.
They are joking around me while I'm still lost on my reverie. Yesterday was very painful, paano pa ngayong ganoon ulit ang nangyari? Ni hindi na niya ako nahatid, wala akong nagawa kung hindi ang mag-taxi na lang. I'm spacing out because of him.
"Gusto mong kumain? Ililibre kita," pagpupukaw ni Flix sa atensyon ko. Hindi ko siya pinansin pero nang humarap siya sa akin at nginisihan, napanguso ako. Guilty na rin ako dahil hindi ko sila napapansin nang maayos.
"Once in a blue moon lang ako nagiging mabait," dagdag niya. Natawa na lamang ako bago tumango. Hinila niya ako patayo, si Denber naman ay sumunod sa amin. Nagtungo agad kami sa cafeteria.
Nawala sa isip ko ang dahilan ng pagsakit ng dibdib ko dahil tuluyan na akong pinasaya ng dalawa. Flix regretted that he offered to buy foods for us, kanina pa kasi kami dagdag nang dagdag sa mga pinapabili.
Nang klase, magkakatabi kaming tatlo. Si Prince nasa dulo, binalewala ko na lamang dahil ayokong may kung ano na namang bumabagabag sa akin. Hindi man lang ba siya pormal na hihingi ng patawad sa akin? Hindi niya ako sinipot sa sinasabi niyang date. Kaya dapat asahan ko na ring hindi matutuloy ang panliligaw niya.
He will not pursue me anymore because he has his ex. He finally got her again. I even saw them almost kissing, I should assume what happened next right?
"You're... you're spacing out again,"
Napatingin ako kay Flix nang sabihin niya iyon. Kinagat ko lang ang pang-ibabang labi ko bago nag-iwas ng tingin. I pretended that I'm busy sketching even though I don't know how to sketch. Napapikit ako nang maalalang mahilig siyang mag-sketch. Inis na naibato ko ang lapis na hawak.
"Do you have any problem in my class, Ms. Zandoval?"
Agad akong napatingin sa harapan nang makitang halos nakakita na silang lahat sa akin. Kinuha pa ng professor ang lapis na naibato ko. I bit my lower lip as I felt my cheeks reddened.
"N-Nothing, miss." I answered. Nanatiling nakatingin siya sa akin na parang sinisiyasat ako.
"If you have none, then better come here in front and answer in white board this problem with solutions and interpretation." Masungit na sabi niya. Napapikit na lang ako nang mariin.
"Ako po miss ang bumato ng lapis, I'll answer—"
"Shut up, Mr. Salvador. Kitang-kita ko kaya huwag mo siyang pagtakpan. After your class, Ms. Zandoval, go to my office." Dagdag parusa niya. Tumingin ako kay Flix bago simpleng nginitian siya.
BINABASA MO ANG
Love Between Past and Present [Vesalden Series#1]
Romance[Vesalden Series#1] Rebound. Both broken hearts met unexpectedly. They are desperate to escape from the pain. They chose to use each other to forget their exes. But will they continue to fool themselves, if their heart is now beating for each other...