Chapter 38

182 23 12
                                    

Drunk

"Kanina ka pa tulala riyan. Ayos ka lang?"

Napatingin ako kay Miles na nagluluto ng pang-umagahan. Napatango na lamang ako sa kaniya kaya pinagpatuloy niya ang pagluluto.

Kanina pa bumabagabag sa isip ko ang nakasalamuhang bata.

"May pupuntahan ako mamaya, Miles." Sabi ko. Patukoy sa lakad na napag-usapan namin nila Flix. Napatingin siya sa akin.

"Where?" he asked.

"Makikipag-kita lang sa mga kaibigan." Sagot ko. Tumango naman siya. "Okay, call me when there's an emergency. Sa site ako ngayon,"

"Half-day lang ang pasok ko ngayon. Mamayang gabi pa naman kasi ang pagkikita namin." Sabi ko naman.

Parang gusto ko na namang pumunta sa site mamaya. Parang gusto kong... makita ulit 'yong bata. Hindi ko alam kung bakit. Siguro nag-aalala ako. Sinasaktan kasi 'yong bata. Puro sugat siya at pasa.

Hanggang sa pagtrabaho ko hindi ko makalimutan ang mukha ng bata.

"Ms. Charlotte, ito po 'yong last month report." Pumasok si Zoe matapos kumatok. Wala sa sariling napatingin ako sa kaniya. Sinenyas ko lang siya na ilagay sa mesa ko dahil lumilipad pa rin ang isip ko.

"Coffee, Ms. Charlotte?" alok niya sa akin. Agad akong tumango sa kaniya. "Brewed coffee please,"

Ngumiti siya bago tumango at umalis sa opisina. Inikot ko ang swivel chair hanggang maharap ko ang glass wall.

I have the urge to meet that child again. I wanna know everything about her.

Sa gitna ng pag-iisip, nag-ring ang phone ko. Nakita kong private investigator ko iyon kaya sinagot ko.

"I already have some informations, Ms. Zandoval." Sabi niya sa patag na boses.

Nag-tiim bagang ako. "Meet me on the restaurant near my company."

Nagmadali ako kaagad na makarating doon. Napatayo si Klyffton nang makita ako. Nagbatian muna kami bago umupo. We ordered some foods before we started conversing.

"Almost five years ago, she stopped working on their firm." Panimula niya. Tumango lamang ako at hinayaan siyang magsalita.

Naglabas siya ng mga dokumento mula sa brown envelope niya. "Nandito ang ibang mga proofs na nagpapatunay na kusa siyang nag-resign sa firm nila." Nilahad niya sa akin ang dokumento. Agad ko iyong binasa.

"Nandito rin ang ilang pictures noong naganap ang bawat parangal ng pamilya nila pero wala siya sa kahit ano mang litrato." Sabi niya at pinakita sa akin ang mga pictures.

Nagtagpi ang utak ko at pinagpatuloy ang pagbabasa sa impormasyon. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya.

"Ano'ng pinaparating mo rito?" tanong ko sa kaniya. Pormal siyang nag-ayos ng upo, pinagsiklop ang kamay sa ibabaw ng mesa at tinitigan ako.

"Ms. Eliz Buenafe is hiding." He stated.

Napakunot-noo ako. "Nagtatago?"

Tumango siya bago maraming pinakita sa akin na mga pictures.

"Almost five years na wala siyang bakas sa Manila. Nag-imbestiga na rin ako tungkol sa boyfriend niya na si Vaughan Baylon..." sabi niya.

Napatingin ako sa nilahad niyang picture. Isa iyong malaking bahay at sa gate ay naroon si Vaughan. Natatandaan ko siya dahil minsan ko na siyang nakita noon.

"Nawala rin kasi si Vaughan Baylon sa Manila. Nag-resign din siya bilang engineer. I have found out that he disappeared in Manila exactly when Eliz disappeared too. Sabay silang nawala. At ito ang kuha ng isang tauhan namin nang makakalap kami ng impormasyon. Nalaman naming nagta-trabaho si Vaughan bilang engineer sa isang hindi masyadong sikat na firm sa Cavite."

Love Between Past and Present [Vesalden Series#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon