Chapter 26

133 23 14
                                    

Engagement party


Dati, akala ko, sapat na, na mahal ko si Zarm. Akala ko, siya ang tunay na lalakeng magpapatunay sa akin na totoo ang walang hanggang pagmamahal.

Noon.

Noon 'yon.

Ni hindi ko man lang naisip kung totoo bang mahal ko siya, o dahil siya lang ang nakatiis na maghintay sa akin sa tagal niyang nanligaw sa akin. Nabulag ako sa mga nakikita ko. Ang akala ko noon, alam ko na ang salitang 'pagmamahal', pero ngayon, alam kong mali ang pagkakaintindi ko niyon noon.

Love is, when you would still fight without an easy win. Without an assurance you'd be the winner in the end. And that, love is when you know it already hurts but never backed out to fight for it because you know it's worth the battle.

Naramdaman ko iyon nang makilala ko si Prince. I thought, it was just a simple jealousy when I saw him always meeting Eliz behind my back. Sino'ng hindi 'di ba? Umamin siya, tapos mayamaya malalaman mong nagme-meet pala sila ng ex niya.

But that pain, shaped me. My mind, soul, and heart. Kahit pala ang sakit, kahit walang kasiguraduhan, at kahit nakakatakot ang sumugal, ipaglalaban mo pa rin ang nararamdaman mo. Kasi iyan ang tunay na pagmamahal.

Prince is not my first love, yes, I'd admit that and I'm not proud of it. But it's with him, that I felt the real feeling of being in love, and it's with him that I've learned the real definition of so-called 'love'.

Kanina pa ako sipat nang sipat sa diamanteng nasa daliri ko. Pakiramdam ko nananaginip lang ako. Kung panaginip man, mabaliw na ako basta huwag lang akong magising.

I felt Prince hugged me tighter. Napangiti ako at pinagmasdan siyang natutulog sa tabi ko. Tanging makapal na puting kumot ang nakatakip sa aming katawan. Madaling araw na at medyo madilim pa, pero nasa yate pa rin kami. Hindi ko alam kung ano'ng oras kami babalik sa dalampasigan.

Nakaunan ako sa matigas niyang braso habang ang isa'y nakadantay sa tiyan ko at mahigpit ang kapit. Ang init ng palad niya. Idagdag pa ang nakadantay niyang paa sa hita ko. Napahalakhak ako. This is why I love his view when he's asleep. He's like a child, cuddling with his mother.

I hugged him even tighter.

Napahalakhak ako sa sitwasyon. Hindi pa ako tuluyang naka-recover dahil sa ginawa namin sa van noong isang araw, tapos kanina naman, matapos ang proposal, napasabak na naman kami sa giyera. I don't know how many times we did it earlier. All I can remember is we're both in ecstasy while doing it. Nababaliw ako sa ginawa niya.

I didn't know that this is a pleasure. Noon pa man, hindi rin sumagi sa isip ko na ibigay ang sarili kay Zarm. Pero kay Prince, na walang panlaban sa tinagal namin ni Zarm, nagawa ko ng walang pagsisisi.

And it's more than pleasure. Because I am doing it with the man I love. We're not just having casual sex. We are making love.

Kaya walang duda na baka mamaya, baka hindi na ako makalakad. Especially that Prince was insatiable last night.

Nakatulog ulit ako dahil sa muni-muni at dahil sa mahigpit na yakap niya.

Nagising lamang ako nang sumilip na ang araw sa loob ng kwarto. Unti-unti akong nagising dahil doon. Kinapa ko ang tabi ko at wala akong Prince na naramdaman. Kaya mas mabilis pa sa alas-kuwatro akong bumangon. Pero tama ako. Mas masakit ang katawan ko ngayon.

Noong una naming ginawa iyon, sobrang sakit na. Paano pa kaya kagabi na hindi pa ako naka-recover masyado tapos naka-ilang beses kami ulit?

Napatingin ako sa katawan ko. Nakasuot na ako ng bagong oversized tee shirt at maikling cotton shorts. Alam ko na agad na siya ang gumawa niyon. Tatayo pa sana ako nang saktong bumukas ang pintuan. Niluwa niyon si Prince na may bitbit na tray na maraming pagkain. He smiled at me.

Love Between Past and Present [Vesalden Series#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon