Chapter 49

220 10 32
                                    

Nakaraan

"T-They did what?" Prince questioned.


Natulos ako sa kinatatayuan. Napaawang ang labi ko dahil hindi ko inaasahan na makikita nila ako. I was livid, crying and still mad.


"Tell me, Avery. What they did to you?! They did to you what?! Y-You gave birth... You gave birth to our daughter with that fucking situation?!" Prince now surpassed my lividness. His jaw clenched, fist clenched, and his breathing went rugged.


Kaagad siyang pumasok kaya hindi ako nakagalaw. Muling umigting ang panga niya bago nilingon si Eliz na tumayo na rin. Kita ko ang dilim kay Prince habang galit na galit na nakatingin kay Eliz.


"P-Prince—" hindi na natuloy ni Eliz ang sasabihin nang hablutin ni Prince ang mesa at ibinalibag sa pader. Napatili ako sa gulat at napaatras.


"How dare you do that to her?!" Prince voice's thundered. Agad siyang pinigilan ng mga butler niya ng akmang lalapitan niya pa si Eliz. Ang pulis naman ay umaligid na rin sa amin.


"S-Sorry... Tita sorry..." Sabi ni Eliz kay Prince at kay Tita Nathalia na pumasok na rin. Si Aviorre naman na natutulog sa bisig ng isang katulong ay binuhat ni Jallerim at nilayo muna. Si Tito ay pumasok na rin at kinausap ang ilang pulis na sumilip dito sa loob.


"I didn't mean—" bago pa man ulit matuloy ni Eliz ang sasabihin ay nalapitan na siya ni Tita Nathalia at sinabunutan na.


"You manipulated everything! You are the head of these lies! How dare you!" galit na sigaw ni Tita habang walang awang sinasabunutan si Eliz. Halos kalmutin na niya ito sa sobrang galit na mababasa sa mukha niya.


"How dare you did that to her?! You will never be forgiven! You inflicted her pain and take note that she was carrying a Venerialde baby before! I would never let you out this freaking cell, I'd make sure you rot in here!" Tita was so furious. She was mad, and crying.


Agad pumigil ang mga pulis at butler dahil kawawa na si Eliz na umiiyak. Si Prince naman ay iba pa rin ang aura habang madilim ang tingin kay Eliz. Si Tito ay agad na pinigilan si Tita at niyakap dahil sa paghagulhol.


Inutos ni Tito na ipasok na sa sariling cell si Eliz dahil baka hindi niya mapigilan si Prince at Tita Nathalia na atakehin ito. Agad namang sinunod ng mga pulis ito at hinila kaagad paalis si Eliz dito sa silid. Narinig ko pa ang galit na tinig ni Prince habang hinahabol ng tingin si Eliz. Pero natulala lang ako roon. Hindi pa rin makapaniwala sa nangyari.


Nagising lamang ang diwa ko nang may biglang yumakap sa akin.


"I'm sorry... I'm sorry hija..." Tita cried on my arms. Nanlaki pa ang mata ko. Nang lingunin ko si Tito ay may pakiusap na rin sa mga mata at lumapit sa amin. Nagulat ako nang yakapin niya ako.


I was unable to move. I just can't believe Prince's parents just hugged me. So warm, with full of emotions.


"We were sorry for blaming you, for not listening to you before. It must have been hard so for you... We were sorry..." Tita murmured. Still voice is shaking.


"I'm sorry hija..." Tito whispered.


Namasa ang mga mata ko. I missed this. Their hugs. Hindi ko na napigilan ang sarili at ginantihan sila ng yakap. Naramdaman kong mas hinigpitan pa nila ito at niyakap ako na para bang isa akong anak nila na nawala sa matagal na panahon.


They caress my back and whispering things that could calm me. After a while, I searched for Prince's presence and saw him leaning at the wall. He's in a deep thinking. Nang maramdamang nakatingin ako, unti-unting kumalma ang madilim at galit niyang mukha. Bahagyang kumalma ang paghinga at napapikit nang mariin bago ako muling sulyapan.


Love Between Past and Present [Vesalden Series#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon