Chapter 47

217 14 9
                                    

Nightmare

"Alright, what do you want for dinner?"

Hindi ako sumagot nang tanungin kami ni Prince. Sa totoo lang, nahihiya akong harapin siya. Hindi ko alam kung may maihaharap pa ba ako sa kaniya. He saved me and our daughter yet I planted rage to him without knowing the truth.

"I want a kare-kare, daddy." Aviorre answered her father.

Hindi pa rin ako lumilingon sa kaniya. Nasa kusina kami ngayon at tila welcome na welcome at home siya. Kapag umuwi mamaya si Mama, lagot siya.

"Okay, I'll cook it baby. But, may I also know what does my baby-momma want for dinner?" napaangat ang tingin ko kay Prince nang sabihin niya iyon. Bahagya pa akong nagulat nang deretso ang mga mata sa akin.

Pumeke ako ng ubo at napaiwas ng tingin. "K-Kare-kare na rin," mahinang sagot ko.

I heard his small chuckle. Then I saw from my peripheral vision that he lifted our daughter to a high chair.

"You want to watch me baby?" Prince asked.

Sa pag-aakalang ako ang kausap, napatingin ako sa kaniya.

"Yes, daddy..."

Pero nag-init ang pisngi ko ng anak pala namin ang kausap niya. Iiwas pa sana ulit ako ng tingin nang mahuli ni Prince ang tingin ko. Ngumisi siya sa akin.

But then he started cooking while having conversation with our daughter. Nothing else, he would ask what did Aviorre do in the mall with me aside from buying toys and clothes.

Hindi ko maiwasang panoorin sila. Si Prince na humahalakhak habang pinapakinggan ang sinasabi ni Aviorre. Busy siya sa paghahalo ng niluluto sa kawali. Bakat na bakat sa kaniyang fitted black tee shirt ang magandang pangangatawan niya. At kahit likod ang nakikita ko, kita pa rin ang malaking pangangatawan niya na mas nagpainit sa panahon kahit malamig naman.

Pero hindi ko maiwasang magtampo. I was sitting here, meters away from them. I felt like an invisible. Masaya silang nagku-kuwentuhan at halos hindi na ako pinapansin. Looking them this happy, I can't help but ask myself. Ganito kaya sila noong natutulog ako sa ospital?

No, I am not saying that I envy Prince for being close with our daughter since it's just normal. Pero ang sa akin lang, sana pansinin nila ako.

Damn it. Hindi ko namalayang naluluha na pala ako. Why am I so emotional? Gusto kong maiyak dahil hindi nila ako pinapansin. At kailan pa ako naging mababaw?

Habang busy sila sa pagku-kuwentuhan, umalis ako sa kinauupuan ko. I was silent when I went out. Malambing na hampas ng hangin ang sumalubong sa katawan ko. Hinigpitan ko ang kapit sa cardigan ako. Isang white dress lang kasi ang ipinaloob ko roon kaya nilalamig pa rin ako.

Naglakad ako sa puting buhangin hanggang makarating ako sa isang duyan na nakasabit sa magkabilang puno ng niyog. Unti-unti akong sumampa at humiga roon. Naiiyak pa rin ako. At hindi ko alam bakit these past few days nagiging madrama ako lately.

I stared at the dark sky. A plain sky to be exact. There are no stars, and moon.  But I like this more. Calm. Hindi ko alam bakit gustong-gusto ko ang ganitong senaryo. Katulad nga ng sinabi ko dati, ayokong masanay sa liwanag. Dahil hindi sa lahat ng oras maliwanag. Kailangang masanay din tayo sa dilim dahil bali-baliktarin mo man ang mundo, makakarating ka pa rin sa punto ng buhay mo na walang ibang sasalubong sa 'yo kung hindi ang kadiliman.

I hugged myself as the hammock swing gently. And then, as minutes passes by, I sang 'You are my sunshine'.

"And now, I know why I really love that song,"

Love Between Past and Present [Vesalden Series#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon