Chapter 8

172 39 1
                                    

No other man

"Avery... what the hell are you doing?"

Ngumuso lang ako at hindi pinansin si Prince na patuloy sa pagmamaneho. Ginamit ko ang bag kong pamaypay sa mukha ko. Ang hina naman kasi ng aircon ni Prince, nakakainis!

"Can you please turn the aircon to its maximum? It's hot," ungot ko, bahagyang sinipa ang dashboard. Nakataas kasi ang mga paa ko sa dashboard kaya kanina pa ako pinagsasabihan ni Prince.

"Put down your feet first," he answered.

"Ang arte mo naman akal—aray!" napahawak ako sa panga ko nang maihampas ko roong banda ang bag ko. I immediately put my feet down and caress my jawline.

"It's all your fault!" sigaw ko sa bag ko at ibinalibag sa sahig ng kotse, inapak-apakan ko pa iyon.

"Hey, stop it." kaagad akong pinigilan ni Prince at hinawakan ako sa braso. Inalis ko lang iyon at tinulak ang kamay niya. Mabigat ang paghinga ko habang nakatingin sa aking bag. Naramdaman ko namang pinalakas niya ang aircon.

Pumikit lang ako at sumandal sa backrest.

"Prince, patayin mo 'yong aircon. Nilalamig na pala ako," utos ko sa kaniya at bahagyang hinaplos ang leeg ko. Wala naman akong narinig na reklamo niya at pinatay niya iyon.

Pero mayamaya ay naramdaman ko na naman na tila naiinitan ako. Dumilat ako at lumapit kay Prince, agad naman siyang napatingin sa akin at medyo napaatras, masyado sigurong malapit ang distansya ko, natawa ako dahil sa hitsura niya. Para kasi siyang susunggaban.

"Pakibukas na ulit 'yong aircon, naiinitan ulit ako." utos ko sa kaniya. Napalunok siya bago napapikit nang mariin, pasulyap-sulyap siya sa akin dahil sa pagmamaneho niya.

"Fine, just please sit properly." aniya.

Humagikhik na lang ako bago sinunod ang sinabi niya. "Prince, daan tayo sa drive thru ha? Nagugutom ako," mando ko na naman sa kaniya.

Hindi naman siya nagsalita, nang dumaan kami sa drive thru, nag-order agad siya. Matapos ay nagmaneho na ulit siya habang kumakain ako ng burger at fries.

Habang kumakain, napasulyap ako kay Prince. "Do you want?" I asked him. Umiling lang siya.

Pero hindi ko iyon sinaulo, kinuha ko na lang ang burger at tinapat sa bibig niya. "Kagat," utos ko.

"No, I'm fine. Just eat that."

"I insist," pagpupumilit ko sa kaniya. Medyo nahihilo pa rin ako dahil sa dami ng nainom ko. Wala ulit nagawa si Prince nang ipakagat ko iyon.

Sinusubuan ko siya maya't-maya. Nang tubig na lang ang iniinom ko, tahimik akong tumingin sa labas ng windshield. Para akong matutumba sa hilo at sakit ng ulo ko. Kaya naman nasapo ko na lang ang ulo ko nang mauntog ako sa tabing bintana ko.

"Tangina talaga," para akong maiiyak. Kanina, iyong bag ko ang tumama sa panga ko, ngayon naman ay ulo ko ang napuruhan.

"Ang galaw kasi," rinig kong sabi ni Prince. I felt he maneuvered his car near pavement where you can freely park temporarily.

Nakanguso ako habang nakapikit ang mga matang hinahaplos ang ulo ko. Gustong-gusto ko nang matulog. Natulos ako sa kinauupuan ko nang maramdaman ang kamay ni Prince sa mukha ko, pinaharap niya ako sa kaniya. Wala akong nagawa kung hindi ang harapin siya at pagmasdan ang mukha niya.

He's really an epitome of perfection. Madilim man ang gabi pero nangingibabaw ang kaguwapuhan at kakisigan niya.

Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko nang maramdamang marahan niyang hinaplos ang ulo ko, bahagya siyang nakatukod malapit sa akin at seryosong sinisipat ang ulo ko kung napa'no.

Love Between Past and Present [Vesalden Series#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon