Make it real
Hindi katulad kagabi, medyo magaan na ang nararamdaman ko ngayon.
Hindi na masakit ang balat ko at medyo humupa na ang lagnat ko. Sinusubukan kong gisingin ang sarili ko mula sa malalim at mahabang tulog nang makaramdam ako ng kakaiba. Wala ako sa sahig ng sala!
It was clear on my head that I unconsciously slept in there! But why does I feel something comfy and smooth cushion in my back? At sa pagkakaalam ko halos underwear na lang ang suot ko kagabi dahil masyadong mahapdi ang balat ko para dumikit sa ano mang bagay! Pero nararamdaman kong may suot na akong damit. May nararamdaman din ako na parang may malagkit na malamig sa balat ko, at mas lalo akong nagtaka nang mayroong naramdamang maliit na towel sa noo ko.
I forced myself to wake up. The first thing I saw was my room's plain white ceiling. My eyes widened because of it. Why the hell I am in my room? I swear I don't walk while sleeping but why the hell I am here?!
Kinapa ko ang noo ko at tinanggal ang medyo basang bimpo. Nangunot-noo ako nang makitang may plangganang maliit sa bedside table ko na may tubig. Medyo may sinat pa ako pero nagawa kong umupo bahagya, ngunit muli akong nagulat nang makitang nakasuot na ako ng oversized gray tee shirt at cotton shorts.
Ang mga pasa ko at pamumula ng allergy ay mayroong ointment. Halos nagamot na ulit lahat ng sugat ko. Mabigat akong huminga at napatingin sa orasan ng bedside table. I stiffened when I saw it's already 2 PM in the afternoon. Hindi ako nakapasok sa school?!
Masyadong magulo ang utak ko ngayon. Paanong nakarating ako rito sa kwarto ko? Sigurado naman akong napalitan ko na ang passcode ko roon sa pinto! Hindi basta-bastang makakapasok ang kung sino rito!
I was about to force myself to stand up when I saw a familiar built, sleeping messily in the sofa. Magulo ang buhok, bahagyang nakaawang ang mapupulang labi, magulo ang buhok, at pinagkasya ang sarili roon. Nakasuot siya ng plain white tee shirt at gray cargo shorts.
What is he doing here?! Paano siya nakapasok?! Parang sasakit ang ulo ko sa mismong tanong ko. Galit ako sa kaniya, pero nang makita ang tila pagod niyang mukha na natutulog, hindi ko maiwasang mapahinga nang malalim at pagmasdan siya.
Tumayo ako at lumapit sa makapal na kurtinang tumatakip sa bintana. Nasilaw ako dahil sikat na sikat na talaga ang araw. Medyo nakaramdam din ako ng gutom dahil siguro hindi ako kumain ng pang-umagahan at pananghalian. Nagpunta ako sa kusina para magmumog at maghilamos, mayamaya ay bumalik ako sa kwarto. Dahan-dahan akong naglakad para makarating sa bedside table. Kukuhanin ko na sana ang planggana nang marinig ko ang baritonong boses niya.
"Avery..."
Hindi ko siya nilingon at kinuha pa rin ang planggana. Aalis pa sana ako ng kwarto nang mabilis siyang tumayo at inagaw sa akin ang hawak kong planggana.
"Let me. You're still sick." Aniya.
Hindi ko pa rin siya pinansin. Lumabas pa rin ako para makaluto ng pagkain at makakain.
"Rest still, Avery. Ihahatid ko na lang sa kwarto mo ang pananghalian mo. Nagluto ako," sabi niya habang nakasunod sa akin. Awtomatikong umurong ang gutom ko sa narinig.
BINABASA MO ANG
Love Between Past and Present [Vesalden Series#1]
Romance[Vesalden Series#1] Rebound. Both broken hearts met unexpectedly. They are desperate to escape from the pain. They chose to use each other to forget their exes. But will they continue to fool themselves, if their heart is now beating for each other...