Chapter 31

163 25 3
                                    

Trigger Warning: Violence



Cry



Kaagad akong umalis doon.

Hindi pa man ako tuluyang nakalalapit sa elevator ay marahan na niya akong pinigilan. Mahigpit ang yakap na nanggagaling sa aking likod, paniguradong sa isip niya—sa oras na pakawalan niya ako sa yakap niya—hindi na rin ako babalik sa kaniya.


"Let go of me." Matigas na sabi ko, kahit pa parang nawawala na ang boses ko dahil sa labis na pag-iyak ko.


Mas humigpit ang yakap niya. "Ayoko."


Pilit akong pumipiglas sa yakap niya pero hindi siya natinag! "Bitawan sabi ako!"


I felt his body stiffened as he tightened his hug for me, not enough to hurt me and my baby.


"Ayoko. Ayoko Avery... ayoko," nanginig ang boses niya.


"J-Jethro, p-paano ako?" natigil kami pareho nang kumapit si Eliz sa kamay ni Prince. Pero tinabig iyon ni Prince.


"Umalis ka muna Eliz. Mamaya na tayo mag-usap." Sabi ni Prince.


Nagtangis ang bagang ko at dahil masyado siyang nawala sa huwisyo dahil nandito si Eliz, nakawala ako sa yakap niya. Mabilis akong pumasok sa elevator.


"Avery!" paulit-ulit na sigaw ni Prince.


Kita ko ang takot sa mga mata niya habang hinahabol ang pagsara ng elevator. Akala ko, matatakasan ko siya, pero nagulat ako na... sa pagsara, nakapasok pa rin siya at ngayon ay nasa harap ko na.


Kita ko ang galit ni Eliz nang tuluyang masara ang elevator.


"Avery, can we talk first?" marahan na sabi niya sa akin. Pero ni isang tingin, hindi ko na siya binigyan.


Pinipigilan ko nang ituloy ang iyak pero tila kusang may utak ang mga ito at patuloy na umaagos at nagbabadya.


"Wala na tayong dapat pag-usapan pa, Prince." Matigas na sabi ko. Nanghihina sa lahat ng nalaman. Kita ko sa peripheral vision ko na napasabunot siya saglit sa buhok bago lumapit sa akin pero umatras ako. Dahilan para tumigil siya sa kinatatayuan.


"Pakinggan mo muna ako. Please, baby... let me talk to you first." He pleaded.


"Bigyan mo ako ng oras, Prince. Hindi ko pa kaya ang pakinggan ka. Gusto ko ng ispasyo." Sabi ko sa kaniya bago inangat ang tingin sa kaniya.


"I want you to give me space." Patuloy ko. Pero agad siyang umiling—nagbabadya ang luha sa mata niya.


"Ayoko. Natatakot ako na baka kapag binigyan kita, makalimutan mo nang balikan pa ako." Marahan na sabi niya. I chuckled but my tears are continuously streaming down my face.


"Natatakot kang bigyan ako ng space pero ang tapang mong lokohin ako." Sabi ko ng pagak.


Umiling siya sa akin. Halo-halong takot, pangamba, at sakit ang nakikita kong emosyon sa mga mata niya.


Humakbang siya ng isang beses.


"Hindi kita niloko, Avery. Hindi ito katulad ng iniisip mo. Huwag kang maniwala kay Eliz—"


"Sinungaling! Nasa Italy ka pa lang nahuli na kita!" sigaw ko bigla sa kaniya.


One that I hate the most is... when I already knew the answer but they keep lying to me.


Love Between Past and Present [Vesalden Series#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon