Ex
"You didn't tell us about this,"
Nagtatampong saad ni Mama sa akin. Kagagaling ko lang kanina sa unit, umalis din ako kaagad baka magkita pa kami agad ni Prince. Nagdi-dinner na rin kami sa bahay kaya naisipan kong ngayon i-open ang nais kong mangyari.
"I'm sorry, Ma. Bibisita naman ako palagi rito." sabi ko naman habang ngumunguya ng steak na niluto naming dalawa. My mother is fond of cooking, and so do I.
"Let her, Chrisanna. Let her live alone so she can feel of being independent. We'll still support her though," sabat naman ni Papa. Ngumuso lang si Mama, halatang nagtatampo pa rin.
"Sinong makakasama ko rito sa bahay? Busy ka sa trabaho, Alexander." reklamo ni Mama. Napabuntong-hininga naman si Papa bago tiningnan si Mama na nakayuko lang sa pagkain.
"Fine, I'll adjust my schedule. We'll have a short vacation every weekend. Is that okay to you?" my father warmly asked. My mother immediately lift her face up.
Tumingin naman kaagad sa akin si Mama, huminga siya nang malalim. "Fine, but can we visit you when we're free?" may bahid talaga ng lungkot si Mama. But I have no choice, I need to live alone. I don't want them to treat me like a baby.
Nilambing ko pa si Mama ng gabing iyon para payagan na niya akong lumipat na rin bukas. Nag-umpisa na nga kanina ang mga tauhan ni Papa na ilipat ang mga importanteng gamit ko para ilan na lang ang ilipat bukas. Tumabi ako sa kanila ni Papa sa pagtulog ng gabi.
Kinabukasan, maaga akong nagising. Nag-ayos ako ng sarili dahil titingnan ko na ang gamit sa condo ko. Hindi pa ako nakakabili ng mga furnitures, siguro magpapa-ship na lang ako at o-order na lang sa online. Hectic pa kasi ang schedule ko, lalo na't ngayon pa ang araw ng pag-interview namin.
"We'll visit you there," Mama smiled but never reached her eyes. My lips formed in line. Hindi ko ring magawang ngumiti. Pero niyakap ko lang nang mahigpit si Mama. Ganoon din si Papa.
"Bibisita rin ako, Ma. Hindi naman ako mawawala." humalakhak ako para itago ang lungkot sa dibdib ko.
Nagpahatid na rin ako kay Kuya Klev matapos, hindi pa nga sumisikat ang araw. Ang usapan namin ay alas nuebe, may oras pa para ayusin ko ang mga gamit sa condo ko. Huminga pa ako nang malalim nang nasa floor na ako. I don't know why I'm so nervous, is it because I know that the door in front of my unit is his?
Bahala na. Kapitbahay e 'di kapitbahay.
Pumasok agad ako sa unit ko. I never got the chance to roam and appreciate my unit yesterday, knowing that Prince is also in this floor, my brains were permanently out. My heart is even in ruckus yesterday, incapable to find out why.
My unit is cream-colored and white color scheme. The architect of this unit is simple yet eye-catcher. May mga furniture naman na, pero hindi lahat kompleto kaya kailangan ko pa ring kumuha. Unang bumungad sa akin ay ang malawak na sala, at terrace sa gilid nito. Sa kaliwang bahagi ay L-shaped kitchen, may mga gamit na rin doon pero para sa akin, kulang. Mahilig pa naman akong magluto.
Everything inside is neat, yet it has a home vibe. Dalawa lang ang kuwarto sa isang pasilyo, parang pang-guestroom lang 'yong isa. Nang pumasok ako sa magiging kuwarto ko, napangiti ako. Malawak ito, may malawak na kama, may study space na rin ako, maraming shelves, may walk-in-closet, at may sariling bathroom ang kuwarto.
Nagsimula na akong ayusin ang mga gamit na nakakalat sa sala, ito ay ang mga pangunahing gagamitin ko. May mga nadala na rin akong appliances na madalas ako lang ang gumamit sa bahay. Inabot yata ako ng ilang oras kaaayos, inayos ko na rin kasi ang mga gamit ko sa kuwarto.
BINABASA MO ANG
Love Between Past and Present [Vesalden Series#1]
Romance[Vesalden Series#1] Rebound. Both broken hearts met unexpectedly. They are desperate to escape from the pain. They chose to use each other to forget their exes. But will they continue to fool themselves, if their heart is now beating for each other...