Warning: R-18
Be a responsible reader.Missed
Naiiyak na tinapik ko ang kamay niya.
"Huwag ka ngang magsalita ng ganiyan, nasa puntod pa rin tayo ni Papa..." mahinang sabi ko sa kaniya, pero may parte sa aking unti-unting namumukadkad na parang bulaklak. Lalo na't narinig ko ang side ni Prince. At ramdam ko kaagad na totoo ang mga sinabi niya.
Bahagya rin siyang natawa at saglit na ginulo ang buhok. "Na-bad shot na ba ako? Sorry Tito, nanggigigil po kasi ako sa anak niyo," mapaglarong sabi niya kaya mas nainis ako at hinampas siya. He just chuckled.
Saglit pa kaming nag-stay doon sa puntod ni Papa hanggang sa magpaalam na kaming pareho. Nasa kotse na kami nang pisilin niya ang kamay ko.
Napatingin ako sa kaniya dahil ang seryoso niyang tingnan. Wala na iyong kaninang magaan ang aura.
"Let's eat? It's already evening."
Tumango ako. "May malapit na restaurant," sagot ko naman.
Kaagad kaming nagpunta roon. We ordered foods. At dahil siguro sa ilang beses na nagpalipas ako ng gutom, marami akong kinain ngayon. Prince is just silent, he's eating while watching me intently.
"Why are you so serious?" I asked him. He just sighed and stared his plate.
"I saw on Tito's grave that he died weeks after our baby died." Mabigat na sabi niya.
"It must've been hard for you." Saad niya sa mababang tono. Natahimik ako at pasimpleng sinubo ang pagkain.
"I know I'm still gaining your trust again, but will you tell me what happened in the last five years?" he asked. Napaangat ang tingin ko sa kaniya nang maramdamang nakatingin siya sa akin.
Napaiwas kaagad ako dahil pakiramdam ko matutunaw ako sa paraan ng tingin niya. Ayos naman ang pinag-uusapan namin kanina habang nasa puntod ni Papa ah? Bakit ngayon naaalala niya pang tanungin ito? Dahil sa totoo lang, ito ang ayokong pag-usapan namin.
Hindi sa ayokong sabihin. Ayoko lang na kaawaan niya ako.
"Walang nakarating sa aming balita noon na... nakulong si Tito. Nalaman na lang namin nang makalaya siya at lumipad patungong New York." Wika niya.
"Someone in our company want him failed before. He was betrayed by his business partners." Sagot ko. Napatingin ako sa kaniya na tila naghihintay pa ng sasabihin ko kaya muli akong napayuko.
"Not until everyone found out my rumored issue, that I attempted suicide and I planned to kill our daughter. They used that issue to stole our company from my father. They said he don't deserve that company because his daughter —me, is a killer." I clenched my fist while holding my spoon.
"Pinabagsak nila si Papa at ang kompanya. Gumawa sila ng mga paratang at dahil sa koneksyon, nakulong si Papa. Pero mabuti na lang din at dumating ang Tita ko. Si Tita Amanda. She took care of everything. Binawi ang branches ng kompanya namin, at pinalaya si Papa. Nasa New York na kami noon dahil... nawala ako sa sarili."
"What do you mean by that?" he asked seriously. Hinuli niya ang isang kamay ko. Napatingin ako sa kaniya ngunit kaagad ding nag-iwas ng tingin.
"I... I was in my trauma. I couldn't talk, nor eat. I was like in my deep reverie. Ni hindi ko nga napansin noon na kinakausap ako nila Mama. Tulala lang ako noon at nakakulong sa kwarto ko."
He pinched my hands gently. Bahagya akong natawa. "Because if I wasn't locked on my room, I'll escape on our house and will thought every children outside is my daughter." Pahina nang pahina na sabi ko.
BINABASA MO ANG
Love Between Past and Present [Vesalden Series#1]
Romance[Vesalden Series#1] Rebound. Both broken hearts met unexpectedly. They are desperate to escape from the pain. They chose to use each other to forget their exes. But will they continue to fool themselves, if their heart is now beating for each other...