Insecure
Prince was always jealous. Lalo na kapag si Miles na ang usapan.
Nararamdaman ko iyon pero nananahimik ako. Nase-sense ko ring pinipigilan lang ni Prince ang sarili niya. Siguro dahil ayaw niyang masakal ako. Kahit naman sa loob-loob ko, natutuwa ako kapag nakikitang busangot ang mukha nito kapag coincidence na nakikita namin si Miles.
Si Jall naman na kasi palagi ang nagpa-plano minsan. Pero tumigil siya sa pag-ship sa amin ni Miles nang matantong seryoso talaga sa akin si Prince. I am actually happy that Prince wasn't dominant always when it comes to me. Seloso siya pero ayaw naman niya akong palaging pagbawalan. He was always thoughtful when it comes to his moves.
Takot sigurong makagawa ng galaw na ikaayaw ko. Ilang weeks na nang magsimula siyang manligaw sa akin. Kahit busy na kami sa pagreview ay patuloy pa rin siya sa panliligaw at pag-aasikaso sa akin. This week na kasi ang examinations kaya medyo busy kami sa tuwing may pasok.
"Don't frown, it's cute actually." Prince said beside me. Pero hindi pa rin mawala ang pagsimamgot ko. Nakatanaw ako ngayon sa boutique na sinasabi ni Mama. Akala ko simple lang ngunit malawak ang space nito sa mall!
Transparent glass wall kaya kita ang sa loob, marami nang naka-display na tila bagong release na damit. Ang iba ay galing sa sikat na brands, at ang iba ay mula sa designer na kinuha ni Mama. Nang pumasok kami, kompleto ang lahat. May parte sa paglilinis ng kuko, sa pag-ayos ng buhok, pagme-makeup, fitting room, basta malawak, kasama na rin sa boutique ang pagmamasahe. May pasilyo ito na ginawa para sa pagmamasahe, tila cabin ito pero maliliit na parang room na rin para sa pagmamasahe.
"Gumastos lang si Mama, hindi naman ako gaanong interesado sa mga ganito." Sabi ko nang matapos nang mag-ikot. May mga tauhan na rin na sa tingin ko ay kuha ni Mama.
Nagkaayaan kaming kumain sa fast food court.
Maraming napapatingin sa kaniya dahil siguro sa hitsura niya. He's just wearing a white v-neck shirt and a maong pants but he's looking handsome gorgeous now. Sa totoo lang naiinis ako at gustong takpan ang mukha niya dahil may kumpulan pa ng mga kababaihan na nagsisitilian kapag nakikita nila si Prince.
"What's happening? You're frowning again." Prince seriously stared at me. Ngumuso lang ako bago umiling. Nang makarinig ng tilian, agad kong hinanap iyon at sinamaan ng tingin ang mga babaeng nagnanakaw ng litrato kay Prince. Awtomatikong tinaas ko ang kamay ko upang ipantakip sa mukha ni Prince.
Nagsimangutan ang mga babae at nagsi-irapan pa kami bago sila umalis. May mga nakatingin pa rin pero sinamaan ko lang ito ng tingin. Nakakainis kasi, may kasama na nga 'yong tao parang nakakati pa sila. Hindi ba nila kayang pigilan ang kapal ng mukha nila at ipagmalaki ba namang natitipuhan nila ang kasama ko?
Prince chuckled. Naramdaman kong hinawakan niya ang dalawang kamay ko at ibinaba kaya napatingin ako sa kaniya. May ngisi sa kaniyang labi bago niya ito basain at kagatin. Damn it.
"Are you frustrated?" He asked, still smirk is very evident on his lips. Pinanliitan ko lang siya ng mga mata.
"Yes, I am." Pag-amin ko sa kaniya. Sinubukan kong tanggalin ang hawak niya sa kamay ko, ngunit pinirmi niya iyon.
"Don't be," he huskily said. Napaiwas lang ako ng tingin.
"Hindi naman nila ako makukuha mula sa 'yo." Pagpapatuloy pa niya. Binalik ko ang tingin ko sa kaniya. He smiled before he lift up my both hands and kissed both the back of my palms.
BINABASA MO ANG
Love Between Past and Present [Vesalden Series#1]
Romance[Vesalden Series#1] Rebound. Both broken hearts met unexpectedly. They are desperate to escape from the pain. They chose to use each other to forget their exes. But will they continue to fool themselves, if their heart is now beating for each other...