Chapter 1

449 59 17
                                    

Gaze

"Maghiwalay na tayo."


Mga katagang hindi ko inasahan pagsapit ng aming closing remarks. Sa harap pa mismo ng maraming tao. Hindi ako makapaniwala noon, kahit alam ko naman na may kakaiba na talaga sa kanila ni Zelaira sa likod ko.


"Zarm," may pagbabanta sa tinig ko. I know that he already fell out of love. But can't we talk in private? Kailangan pa ba talagang ipahiya ako sa maraming tao?


Habang pinapanood ang break up namin ni Zarm sa cellphone ko, napaismid ako. People are really cruel. Ginawa ba namang viral sa social media.


Hindi ko na pinatapos ang clip ng video dahil ibinalibag ko na ito sa study table ko.


Ilang buwan na iyon. Limot ko na si Zarm. Bakit pa pinapaalala sa akin ang taong iyon? I can't help but wince my lips. Nasayang ang pagmamahal ko sa lalakeng iyon.


Hiling ko lang na sana, maging masaya sila ni Zelaira sa kasal nila.


Nakakahiya ako sa kuha ng video. I chased the man who can't even fight for me. He blew away my love for him. Sayang ang dalawang taon. And Zelaira was my... long time best friend. Hindi ko alam kung paano nangyari. Ang alam ko lang ay engaged na ang mga ito.


At hindi ko rin itatanggi na ilang beses ko silang natatagpuan sa likod ko na magkasama. They do dates like what normal couples do. And surely they always make out even in public places.


Limang buwan nila akong niloloko. Kahit alam ko ang patutunguhan ay umasa pa rin ako. Umasa pa rin ako na baka magbago siya. But he didn't.


Zarm Luke Villareal isn't worth it.


At mas nasayangan ako sa pagkakaibigan namin ni Zelaira Puermo.


It's a fact. Sometimes those who we trust the most were the ones who can break us into pieces. Iyong hindi ko pa inaasahang tao ang makakasira sa akin.


Best friend is not eternal. Bali-baliktarin mo man ang mundo, kahit kaibigan, may dulo.


"Who says I'm still into him?" I asked myself suddenly. Nakatanaw sa life-sized mirror at tinutunghayan ang sarili.


I laughed.


"Naka-move on na 'ko. Mga tao lang sa paligid ang hindi." matabang na sabi ko bago hinila ang handbag na nakapatong sa kama ko. I went down stairs sporting my light gray maxi dress and white stilettos. My black wavy hair is dancing as the wind blew in my skin.


Nakabukas ang aming double-doors kaya malayang pumapasok ang mabining hangin. Nasa labas na sila Mama at Papa.


"Let's go darling?" Mama asked. Pinanliitan ko sila ng mga mata. This is why I don't like to always bond with them. Kung ituring nila ako ay parang bata, bakit kasi hindi ako nagkaroon ng kapatid? Huling taon ko na nga ng kolehiyo tapos bine-baby pa nila ako.



Tahimik akong sumakay sa kotse namin. Si Papa ang nag-drive, dalawa sila ni Mama sa harap habang ako ay nasa likuran, nakatanaw sa padilim na paligid. May party kaming dadaluhan ngayon. Hindi ko alam kung anong klase, pero para makahinga naman, sumama na lang ako sa kanila.



Ang dinadaanan namin habang papaalis ay naging marka para sa akin bilang nakaraan, madaraanan mo ito at matatanaw na lang kapag nalampasan mo na. Dahil kailangan mong ipagpatuloy ang buhay mo.



Ako ang patunay na kaya kong mabuhay nang hindi umiikot ang mundo ko para lang sa lalake.



Ayoko nang mag-boyfriend ulit! Hinding-hindi!



Love Between Past and Present [Vesalden Series#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon