Chapter 32

150 23 13
                                    

Rest



The inevitable thing in this cruel world is the unexpected situations.

The unexpected situation that breaks you. Breaks you in too much pieces. Buong buhay ko, ngayon lang ako nakaramdam ng sobrang takot. Hindi para sa sarili ko kung hindi sa anak ko. Ito na yata ang pinakamasakit na natamo ko sa buong buhay ko.

Unti-unti akong nagising sa sigawan na ingay. Tila nag-aaway. Tunog ng teknolohiya, amoy kemikal, malambot na higaan, at puting kisame. Alam ko na kaagad kung nasaan ako.

Unti-unti kong pinagmasdan ang paligid at natantong nasa isang private room na ako. Sa mas disente, hindi ko alam kung ilang araw na ba ako rito, pero pakiramdam ko kasi ay masyadong mahaba ang tulog ko. Masakit pa rin ang katawan ko, pero nang maalala ang huling mga nangyari bago ako mawalan ng malay, namilog ang mata ko at pinagmasdan ang mga taong nag-aaway dito sa loob ng silid ko.

"Hindi ko na ito matatanggap pa, Chrisanna! Isang kriminal ang anak mo!"

"Don't talk like that Nathalia! Hindi pa natin alam ang totoong nangyari!"

"No! I'll file a case against your daughter!"

Nagalit si Mama at nagpatuloy pa sa pagsagutan, kaunti na lang ay magsabunutan na sila, kaya agad silang pinaghiwalay ng mukhang galit din nilang mga asawa.

"How dare she break everything?! At pinatay pa talaga ang sariling anak?! Matino pa ba iyan Chrisanna?! Nag-iisang apo ko, pinatay niya mismo!"

"Hindi lang ikaw ang nawalan ng apo! At hindi mamamatay tao ang anak ko!"

Nagsampalan na sila. Ni hindi ako makapagsalita. Pakiramdam ko kahit nagkakasakitan na sila ay nawawala ako sa huwisyo. Para akong nawawalan ng isip at walang ibang nagawa kung hindi iproseso ang sinabi nila.

Pinatay... Pinatay ko ang anak ko?

Nangilid ang luha ko. N-Napatay? Hindi ko pinatay ang anak ko! Narinig ko pa iyong umiyak!

Napatingin ako sa piligid. Pansamantala akong nabingi habang pinapanood si Mama at Tita Nathalia na mag-away. Nagkakasagutan na rin si Tito Jaydrien at Papa. Halos magsapakan na sila habang dinuduro ako ng pamilya ng Venerialde. Si Jall ay nag-aawat at umiiyak na.

Pero agad bumalik ang pandinig ko nang makita ang lalakeng nakaupo sa sulok ng pader. Nakatulala sa kawalan. Magulo ang buhok at gusot ang dress shirt. Namumula ang mata at tila tinuyuan pa ng luha sa mata. Tumitig siya sa akin pero pakiramdam ko hindi niya ako tinitingnan. Katulad ko ay siguro nawawala rin siya sa huwisyo.

"And you! Gumising ka pa! Sana ikaw na lang ang nawala hindi ang apo ko! Ano'ng klase kang ina?!" hindi ko namalayan na napansin na pala nila akong gising. Nagulat ako nang halos liparin ni Tita Nathalia ang distansya namin at kaagad akong sinampal.

Napaigik ako. Ngayon ko lang naramdaman ang mga sugat na ginawa ni Eliz sa mukha ko. Namanhid ito kasabay ng sampal ni Tita.

"Pinatay mo ang anak mo!" umiiyak na sabi ni Tita.

"Huwag mong pagsalitaan ng ganiyan ang anak ko!" sabi naman ni Mama at biglang hinila si Tita. Nakisawsaw na rin sila Papa at Tito sa away. Nagkanda-gulo na.

Natulala ako.

May kumurot sa puso ko.

Before, Venerialdes and Zandovals are great friends. Full of happiness and excitement whenever our families meets. Masigabong pagbabati at masayang pagsasama.

Love Between Past and Present [Vesalden Series#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon