Chapter 17 - Stay calm

152 7 0
                                    

MIKAELLA'S POV

Andito ako sa kwarto ko ngayon. Pinapakalma ang sarili ko. Hindi ko naman gustong sungitan ng ganun si Mark. Lalo na kanina. Alam ni mama na mababaw ang luha pag si papa ang pinag-uusapan. I don't know pero kapag narinig ang word na yun, automatic na tumutulo ang luha ko mula sa aking mga mata.

Naalala ko na naman si papa. Hawak ko parin ngayon yung litrato na nakita ni Mark sa may sofa.

Bakit ba kasi ganito. Lagi na lang si papa ang dahilan ng pag-iyak ko. Kamusta na kaya sya? Maayos lang kaya ang lagay nya? Nakakakain ba sya tatlong beses sa isang araw? Nakakapaglibang man lang ba sya? Nakalagala? Nakakabili ng mga gusto nya?

May anak ba sya sa ibang babae? Malalaki na kaya sia? Kilala ba nila kami ni Miko?

Andaming tanong na tumatakbo sa isip ko. Andami kong gustong malaman..

"Anak, nakauwi na si Mark. Sorry daw sa abala." sabi ni mama sabay katok. "Di na kita iisrtobohin. Wag mo ng masyadong isipin yun. Kailangan mong magpahinga.ay pasok ka pa bukas." sabi nya tsaka bumaba na.

Isa pa si mama. Alam kong hanggang ngayon mahal nya pa rin si papa. Hindi naman kasi ganun kadaling mag let go eh. Hindi ganun kadaling lumimot. At lalong hindi rin ganun kadaling kalimutan yung sakit na nararamdaman nya sa tuwing maaalala nya si papa. Sya ang gumupit ng mukha ni papa sa litratong iyon. Bitter man pakinggan pero natutulungan naman nito si mama.

"Ate. Pabukash ng pinto." sabi ni Miko. Binuksan ko naman.

"Umiiyak ka po ate?" tanong nya habang nilalaro yung stuff toy na bigay sa kanya ni papa noong one year old pa lang sya.

"Hindi pogi. Napuwing lang si ate. Sleep ka na. Gabi na." sabi ko tsaka ko sya pinahiga. Dito ko na sya pinatulog sa kwarto ko.

Mabilis na nakatulog si Miko. Pagod sa paglalaro ng mga laruan nya eh. Ganun talaga. Bata pa kasi eh.

Pinagmasdan ko ang maamong mukha ni Miko. Napaka-inosente nya. Napakabata pa nya para kaharapin yung mga gantong klaseng problema. Kung minsan, hinahanap nya si papa. Hindi ko na rin alam ang ipapalusot ko sa kanya.

Balang araw malalaman rin ni Miko ang lahat. Ang lahat lahat. Maiintindihan nya. Oo, masakit pero sa umpisa lang iyan. Kapag naman nasanay ka nang wala ang presence ng isang tao, makakapagmove-on ka din.

Pero sa case namin ni mama, di kami makaalis alis sa part ng LETTING GO. Anh hirap maglet go. Lalo na yung taomg yun eh pamilya mo. Ang sakit. Sobrang sakit. Walangay gustong mangyari ang mga lahat ng ito pero ang magagawa lang namin ay tanggapin ang katotohanang may ibang pamilya na si papa.

"Pa, nasaan ka man ngayon hiling ko na ayos mka lang. Hangad ko ang kaligtasan mo. Miss na miss na kita. Sobra papa. I love you..."

Accidentally fall inlove with the wrong guy (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon