Chapter 28 - What's this?

165 5 0
                                    

"Tara na mga bro. Akyat na tayo baka malate pa tayo." yaya ni Xander tsaka tumayo. Hindi ko namalayan na tapos na pala silang lahat kaumain.

"Sige, aakyat na rin kami ni Janine." nakangiting sabi ni Mikaella habang kinabit sa balikat nya ang bag pack nya. Yung ngiti nya. Bakit parang may iba sa mga ngiti nya. I can't figure it out.

"Huy! Tulala ka na dyan. Wala ka bang balak umakyat?" nakakagulat naman tong si Brix.

"Ha? Ah. Oo, mauna na kayo. Susunod na lang ako." di ko alam pero parang ayaw ko munang sumabay sa kanila.

"Sigurado ka? Baka naman may idedate ka pa dito?" nakangising sabi ni Joshua.

"Loko!" sabi ko tsaka ko binatukan. Date nya mukha nya. Tss

"Walang idedate yan. Torpe eh." seryosong sabi ni Xander saka tumingin kay Mikaella. Bakit parang ang lalim naman yata ng pagkakasabi nyang yun? Napalingon ako kay Mikaella pero umiwas lang sya.

"Magsiakyat na nga lang kayo." pagpapaalis ko sa kanila. Buti naman at umalis na.

Naisip ko yung kanina. Bakit kapag tumitingin ako sa kay Mika, umiiwas sya? Tsaka kapag nakikita ko syang nakangiti o tumatawa parang gumagaan yung pakiramdam ko. Kapag kinakausap nya ako, umuurong ang dila ko at wala na akomg magawa kundi sungitan sya.

Bakit ganun? Nalilito na ako. Ano bang mayroon? Ngayon ko lang naramdaman ito.

Mga ilang minuto lang ang nakalipas ay umakyat na rin ako. Baka mahuli pa ako sa next class ko.

Pagdating ko, wala pa si Sir. Maingay pa rin ang mga kaklase ko. Napadpad ang tingin ko kay Mika na nagbabasa ng isang libro sa wattpad. Umupo na ako sa tabi nya. Napansin kong ngumiti sya. Dahil siguro yun sa binabasa nya.

"Ay. Ang shunga naman.." mahina nyang sabi habang nakatitig doon sa librong binabasa nya.

"Affected?" pagbibiro ko na ikinagulat nya naman. Ang cute nya kapag ganyan.

"Ay palaka! Kanina ka pa dyan?" tanong nya. Palaka? Sinong palaka? Ako?

"Hindi. Ngayon lang." sabi ko at tumango lang sya. "Anong title?" tanong ko.

"Ng binabasa ko?" inosenteng tanong nya. Ang slow -_-

"Hindi. Yung binabasa ko. Syempre, ano pa ba?" Hay naku.

Sinamaan nya lang ako ng tingin. Hindi ko na lang sya pinansin. Nilagay ko sa tainga ko ang earphones ko at nakinig ng mga kanta ng mga paborito kong kanta.

MIKKAELLA.

"Affected?" tanong nya na labis kong ikinagulat.

"Ay! Palaka! Kanina ka pa dyan?" nakakaloko kasi itong isang ito eh. Bigla bigla na lang nagsasalita. Magugulatin pa naman eh.

"Hindi. Ngayon lang." sabi nya. "Anomg title?" dagdag pa nya.

"Ng binabasa ko?" malay ko bang may iba syang tinutukoy doon diba?

"Hindi. Yung binabasa ko. Syempre, ano pa ba?" pamimilosopo nya. Napakayabang talaga neto.

Hindi nya na ako pinansin. Mukhang nabadtrip yata. Bahala sya.

Accidentally fall inlove with the wrong guy (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon