Chapter Seven - Jealousy

164 9 0
                                    

JOSHUA'S POV

Umaga na. Ang ganda ng sikat ng araw. Naisipan kong puntahan si Mikaella sa bahay nya para sabay na kaming pumasok. Kay Andrea ko pala nakuha ang address ng bahay nya. Sabi rin ni Andrea, magkalapit lang daw sila ng bahay.

Nandito na ako. Eto na siguro yun. Pareho ang address eh. Hay, paano ako papasok? Anong unang sasabihin ko? Uhm.. teka. Kinakabahan talaga ako. Wait, magpapractice muna ako. Ay hindi, uuwi na lang ako. Pero sayang naman. Andito na e. Ahm, bahala na nga.. biglang bumukas yung pinto. Hala!

"Ah? Sinong hinahanap nila?" tanong ng isang babae na di naman gaanong mukhang matanda. Pero alam kong nanay na sya. Mama siguro to ni Mikaella.

"Uhm. Si.. si ano po.. si Mikaella po. Kayo po ba ang mama nya?" wag kang kabahan Josh.

"Ah oo. Si Mikaella ba? Nandun sya sa kwarto nag-aayos. Halika, pasok ka muna sa loob." sabi ng mama nya. Pareho silang mabait. Nagmana siguro. :)

"Uhm. Sige po, salamat po." at pinapasok na nya ako.

"Oh my pretty, pretty boy I love you like I, never ever love no one before yo--- JOSHUA?!" sa sobrang gulat nya, nalaglag sya hagdan. Buti na lang isang hakbang na lang.

"Oy ayos ka lang ba? May masakit ba?" tanong ko.

"Ah.. eh.. oo naman. Ano ba kasing ginagawa mo dito. Bat dika man lang nagpasabi na darating ka?" sunod sunod nyang tanong. Isa-isa lang.

"Uhm, pumunta ako dito para sana sumabay sayo pagpasok. Kung gusto mo, isabay na din natin si Andrea. Sorry kung di man lang ako nagpasabi. Tsaka kay Andrea ko pala nakuha address mo." Pagpapaliwanag ko.

"Ah, ganun ba? Sige payag ako. Sumabay ka na samin ni bes." sabi nya.

"Oh ijo, anak kumaim na kayo. Mahuhuli na kayo sa klase." sabi ng mama nya.

"Ah hindi na po. Kumain na po ako sa bahay bago umalis. Salamat na lang po Ma'am." magalang na sagot ko.

"Tita na lang ijo." sabi ni tita ng nakangiti.

"Ah sige po Tita." tiningnan ko si Mikaella na kumakain. Para syang bata kumain. :)

Mabilis syang natapos maghanda pagpasok. Ang simple lang nya kasi kaya hindi na sya nahihirapan mag-ayos ng sarili nya. Sabagay, maganda naman na sya eh.

"Ah sa kotse ko na tayo sumakay." yaya ko.

"Sigurado ka?" tanong nya

"Oo naman. Di naman malaking kabawasan sa gasolina yun. Tsaka okay lang." sabi ko.

"Sige, tetext ko na si bes na pumunta na dito." sabi nya at kinuha ang phone nya sa bag nya.

"On the way na raw sya." sabi nya.

Ilang minuto lang at dumating na si Andrea dito sa bahay ni Mikaella.

"Uy bes sorry if natagalan huh? Nalate ng gising eh." bungad ni Andrea ng makarating sya.

"Hindi okay lang." sagot naman ni Mikaella.

"Dapat pala sinundo ka na namin para di ka na napagod." sabi ko.

"Naku ayos lang ako. Wag na kayong mag-alala. Ano tara na?" yaya nya.

Mabilis kaming nakarating ng school. Walang Flag Ceremony ngayon dahil friday kaya dumidiretso na ang mga estudyante sa mga classrooms nila.

"Oh mauna na ako ah? Kita-kita na lang mamayang lunch. Bye!" paalam ni Mikaella samin.

"Sige bes ingat!" sabi naman ni Andrea.

Hindi na ako nagsalita sa halip ay tiningnan ko na lang syang maglakad palayo. Ang hinhin nya talaga.

MARK'S POV

Andito ko sa may court hinihintay si Joshua. May itatanong sana ako aa kanya. Nasira kasi laptop ko at alam kong kayang kaya nyang ayusin yun.

Nung makita ko sya, lalapitan ko na sana kaso may kasama. Kasama nya si Andrea at si Mikaella. Bakit ganun? Lagi na lang silang magkasama? Kailan pa ba sila naging magkaibigan? Sinundan ko na lang sila paakyat. At naririnig ko yung mga tawanan nila. Para bang ang saya saya nila. Pagdating ko sa room andun na si Mikaella. Walang bago, ang tahimik pa rin nya. Nakasalpak ang earphones na para bang iniignore ang lahat ng tao sa paligid nya. Ganyan ba talaga sya? Haaay.. stupid.

Mabilis natapos ang klase kaya nag-ayos na ako ng gamit ko para makapaglunch na.

Paglabas ko, nakita ko agad si Andrea at Joshua. Panigurado hinihintay na naman nila si Mika.

"Uy pre kamusta?" bati ni Joshua.

"Okay lang naman. Ikaw ba?" sabi ko

"Walang nagbago, gwapo pa din." loko talaga to.

Maya maya, dumating na sila Brix.

"Tara pre, sabay na tayo kanila Joshua. Iisa lang naman ang pupuntahan natin eh." yaya sakin ni Xander.

"Sige okay lang sakin." sagot ko.

At nakarating na nga kami sa Canteen. Si Xander at Nathan na lang ang umorder. Kaya na raw nila. Puro knock knock jokes lang ang naririnig ko kala Joshua.

"Ako naman, knock! Knock!" ganti ni Mika.

"Sige who's there?" sagot naman ni Joshua.

"Cashew nut." sabi ni Mika.

"Who?" Ang tamad mo pre.

"Don't tell me your sorry CASHEW NUT. And baby when I know.." boom! Medyo corny pati sila Brix ay natawa. Halatang nahihiya si Mikaella. Pero ang ganda pala ng boses nya?

"Tsk. Corny! Oh ako naman." pang aasar ni Joshua.

"Yabang neto. Hahaha! Sige." sabi naman ni Mika.

"Maganda." sabi ni Joshua

"Maganda who?" tanong nya.

"I believe I can fly, I believe I can touch the sky.." sintunado ka tol.

"Asan yung maganda?" takang tanong nya.

"Eto, kausap ko ngayon." isa pang corny.

"Psh. Luma na kaya yan." pang aasar ni Mikaella.

"Atleast gwapo ako." isa pa talaga Josh. Sabing mas gwapo nga ako sayo.

"Uy tama na nga yan. Kayong dalawa kanina pa kayo ha. Cocorny nyo naman. Hahaha" saway ni Brix sa kanila.

"Hala sorry.." napakamahiyain naman neto ni Mikaella.

"Uy joke lang. Hehe." sabi ni Brix na nagpeace sign pa.

Maya maya dumating na rin sila Nathan. Buti na lang at gutom na ako. Pagkatapos namin kumain, sabay sabay na kaming umakyat.

Accidentally fall inlove with the wrong guy (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon