Chapter 30 - Start

104 5 0
                                    

MARK'S POV

1 message received.

"Pare, walang makakasabay si Mika umuwi. Lahat kami may gagawin. Sabayan mo ha? Alam mo na, delikado na. Sige na. I'll be busy now. See her at the bench"

Text lang pala ni Xander. Bakit? Saan ba sila pupunta? Ni isa man lang wala talaga syang kasama at kailangan ako pa? Tsk.

Makababa na nga lang sa bench. No.choice ako kung hindi samahan sya. Baka kung ano mangyari sa kanya. Konsensya ko pa. Teka nasaan na ba iyong babaeng iyon?

Habang naglalakad ako papalapit sa bench kung nasaan si Mika, natatanaw ko na sya. Ayun, nakaupo doon mag-isa. Tinitingnan ang lahat ng mga taong dumadaan.

Malungkot ang expression ng mukha nya. Tinitigan ko na lang sya. Hindi na ako nagpakita. Bakit ganoon? Parang gusto ko syang lapitan, kausapin o tanungin. Parang kailangan nya ng kasama.

Pero pinili kong tingnan na lang sya sa malayo. Baka mas makakabuti iyon. Sa mga sandaling iyon, nawala ang asar ko sa kanya. I don't know why. Basta, ang alam ko lang kailangan ko syang bantayan. Sa paraang hindi nya alam.

Maya-maya lang ay tumayo na sya. Siguro naiinip na sya kakahintay sa akin. Mas okay na ito. Susundan ko na lang sya.

Naglalakad ako medyo malayo ng konti sa kanya. Andito ako sa likod nya. Kahit naman lagi kaming magkaaway at hindi kami magkasundo, babae pa rin sya at ayaw ko syang mapahamak.

Napansin nya yata ako. Parang biglang syang kinabahan eh. Natatawa ako sa mga reaksyon nya. Pero hindi ko iyon pinapahalata. Maya maya lumingon sya.

"MARK?!" gulat na gulat nyang tanong. Nakakatawa talaga.

"Para ka namang nakakita ng multo. Wag ka ngang sumigaw pwede ba?" pagmamasungit ko.

"Bakit mo ako sinusundan?" tanong nya. Wow naman! Oo na. Sinusundan na. Para naman ito sa safety nya eh

-_-

"Hindi kita sinusundan, okay?" syempre ayokong malaman nya. Baka kung ano pang isipin nito eh.

"Eh bakit dito ka dumadaan?" ang dami namang tanong nito.

"Eh malamang daan ito. Hindi mo naman siguro pagmamay-ari ito diba?" balik-tanong ko. Akala mo ah.

"Okay. Okay." hahaha! Eh susuko ka rin naman pala eh.

Hindi ko na sya pinamsin. Basta hindi ako aalis dito. Sasamahan ko sya sa pag-uwi. Para makasiguro akong ligtas sya.

Nagsalpak na lang ako ng earphones sa tainga ko. Nanahimik lang kami. Napatingin ako sa mukha ni Mika. Bakit ganoon? Parang laging malalim ang iniisip nya. Palagay ko may problema ito. Kahit hindi nya sabihin nahuhulaan ko.

Bago kami makarating sa bahay nila, ang dami nya pang tinanong. Ang kulit kulit talaga.

Kunyare na lang may dadaanan ako kaya doon ako dumaan sa street nila pero sinadya ko talaga iyon. Mas mapapanatag ang loob ko alam kung naihatid ko sya mismo sa bahay nila.

Pag-uwi ko, wala si Kuya Zack. Siguro may date iyon. Si mama naman tulog. Si papa nasa trabaho. In short, ako lang mag-isa. Nagpahinga ako saglit sa sofa bago ako nag meryenda.

Naisipan kong mag open ng facebook. Naalala ko si Mika. May facebook naman siguro sya.

Wait, ma-search ko nga lang. Pagkatingin ko wall nya, puro games lang nakikita ko. Mahilig pala syang maglaro. Kaso yung mga laro ay puro mga pambata. Ewan ko pero para sa akin pang bata ito. Nakakatuwa.

Napako ang tingin ko sa profile picture nya. Ang ganda. Ang simple lang ng pagkakakuha nito. Pero kapag zi-noom at tinitigan mong mabuti, maganda sya. Ugh! Bakit ko ba tinitingnan iyon >.

Naalala ko bigla iyong expression ng mukha ni Mika kanina. Malungkot siya. Kung titingnan mo parang napakamasayahin nyang babae. Iyong walang pinoproblema. Pero noong mga sandaling iyon, iba. Iba ang nakita ko. Palagay ko may pinagdadaanan sya.

Parang ang lalim ng iniisip nya. Naalala ko iyong nangyari dati. Nakita ko syang umiiyak sa isa sa mga bench sa school. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko para lapitan at tabihan sya noon dahil galit ako sa kanya noong mga oras na iyon.

Alam ko, umiyak sya. Pero noong makita nya ako, agad nya itong pinunasan. Siguro dahil ayaw nyang makita ko sya sa ganoong kalagayan. Pinilit nyang kumilos na parang walang nangyari. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. Pinili ko na lang na sungitan sya.

Haist. Hindi ko na alam kung paano ko sya pakikitunguhan. Gusto ko syang sungitan dahil natutuwa ako kapag nakikita iyong mukha nyang pikon na pikon. Natatawa ako sa mga reaksyon nya kada maaasar sya.

Pero alam kong mabait sya. Sobrang bait. Kaya minsan nakokonsensya na rin ako. Pero hindi ko talaga maiwasang hindi sya pikunin kahit isang araw lang eh. Haist.

"Mikaella, kahit na mahihirapan ako magiging mabuti na ako sa'yo."

Accidentally fall inlove with the wrong guy (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon