Chapter 24 - New friend

167 6 0
                                    

MIKAELLA'S POV.

Ang tagal dumating na first teacher namin. Ilang minuto pa naman bago ang time nya. Naisipan ko munang pumunta sa comfort room. Naiihi na kasi ako. Di naman siguro ako malelate.

Nakalimutan ko yung earphones ko which is lagi ko namang dinadala. Dahil ba rin siguro sa pagmamadali ko kaya yun nakalimutan sa bag. Di bale na nga.

Habang naglalakad ako, may naririnig akong boses ng isang babae. Parang umiiyak.

"Tama na.." mahinang sabi nito at patuloy pa rin sa pag-iyak.

"Akala mo ba mapapansin ka nun? Eh ang pangit pangit mo kaya!" narinig kong sabi ng isang babae na sa tingin ko ay parang pamilyar ang boses sakin.

"Hindi ko naman hinahangad ang bagay na yan.." sagot namang nya habang umiiyak parin.

Teka, di ako mapakali. Hindi pwedeng wala akong gawin. Tingin ko kailangan nya ang tulong ko.

"Huhuhu.. tama na.." umiiyak pa din sya. Saan ba kasi yun? Hindi ko sya makita. Tsk.

"Next, I don't see you talking to him. Or else.." pananakot sa kanya nung pamilyar na boses.

"Lets go na sis. Don't waste our time." sabi naman nung isa. Para talagang narinig ko na ang mga boses na yun somewhere.

Natanaw ko sa pinaka dulong room na may lumabas na mga babae. Nagtago ako dahil baka makita nila ako. Hindi ko na nakita ang mga mukha nila dahil masyado silang malayo. Hindi ko na din nabilang kung ilan ba sila.

Dali-dali akong tumakbo para puntahan ang room na iyon. Naririnig ko pa din ang mahinang iyak nya.

Hindi na ako nakatiis. Pumasok ako para makita kung sino ang babaeng iyon.

"A.. anong problema?" agad na tanong ko.

"B.. bakit ka n.. nandito?" tanong nya saka humarap sakin. Teka kaklase ko to ah? Pero di ko alam ang pangalan nya dahil hindi naman kami gaanong nag-uusap. Pareho pa kaming tahimik sa klase.

"Okay ka lang ba?" tanong ko ulit sa kanya saka ko sya tinabihan. Hindi pa rin sya nagsasalita.

"Kung ano man yan, malalampasan mo rin yan. Wag mong intindihin yung mga taong nanakit sayo. Maging matatag ka. Hayaan mo lang sila. Hindi sila dapat pinag-aaksayahan ng oras." sabi ko sa kanya. Hindi pa rin sya nagsasalita. Alam kong ayaw nyang ikwento yung nangyari kaya nirespeto ko sya.

"S.. salamat.." sabi nya na medyo naiiyak pa din.

"Wala yun. Sana nakatulong ako kahit papaano." sabi ko saka nginitian sya. "Mikaella." sabi ko tsaka ko nilahad ang kamay ko bilang pakikipagkaibigan.

"Janine. Janine Dominguez." sabi nya tsaka nakipagshake hands. Nakita ko din syang ngumiti.

Tumayo na kami para makapunta sa classroom. Wala pa din si Ma'am. Absent daw sabi ni Lianne. Classmate ko.

Pumunta ako sa kinauupuan ni Janine. Group 2 sya ako naman ay Group 1.

"Alam mo, ngayon ko lang kaya nalaman ang pangalan mo." simulang sabi ko.

"Ako din eh. Hindi kasi tayo nag-uusap. Nahihiya kasi ako sayo.." nabigla naman ako dun. Bakit naman sya mahihiya sakin.

"Talaga? Pero bakit?" takang tanong ko.

"Hindi naman sa ayaw ko sayo. Alam ko namang mabait ka eh. Halata sa mukha mo. Kaya lang, lagi ka kasing may kasama tuwing break time kaya di na kita nalalapitan." ah. So yun pala. Dahil pala dun.

"Ah yun ba? Pwede mo naman akong kausapin eh. Wala namang bayad." pagbibiro ko. "Hayaan mo, ipapakilala kita sa kanila." dagdag ko pa.

"Wag na.. nakakahiya." sabi nya.

"Pareho pala tayong mahiyain. Basta, ako bahala. Mababait naman sila eh. Lalo na si Andrea, yung bestfriend ko." sabi ko naman para makampante naman yung loob nya.

"Pero.." sabi nya.

"No buts. Lagi na kitang isasama samin kapag break time. Kung gusto mo pati sa uwian na din." masayang sabi ko.

"Talaga? Salamat Mika. Napakabait mo. Buti na lang at nakilala kita." bakas sa mukha nya ang sobrang saya. Siguro dahil wala syang kaibigan dito. Ako pa lang ang unang lumapit para kausapin sya.

Nung tumunog na ang bell, senyales na para sa break time. Agad kong inayos ang mga gamit ko tsaka ko nilapitan si Janine.

"Tara na?". tanong ko sa kanya. Nagpupulbo pa sya.

"Parang kinakabahan ako.." naku. Wag namang ganyan.

"Hindi naman sila kumakain ng tao eh. Nangangagat lang." pagbibiro ko. Natawa naman sya.

Tinext ko si Bes na mauuna na kami sa canteen. Sunod na lang sila. Teka si Mark nga pala nasaan? Hay nako. Wala akong pake.

Ilang minuto lang dumating na sila. Kasama nila si Mark. Siguro naghintay to sa labas ng room nila bes.

"Hi bes." tsaka ako bineso. "Who is she?" sabi nya tsaka tinuro si Janine.

"Uy may chixx." pagbibiro ni Brix. Loko talaga to.

"Uhm. Si Janine. Janine Dominguez. Classmate at new friend ko." panimula ko. "Janine, sila ang mga kaibigan ko." sabi ko tsaka isa-isa silang nagpakilala.

"Hi. I'm Andrea. You can call me Drea if you want. Nice to meet you. Sana maging magkaibigan tayo." sabi naman ni bes. Nakipagshake hands naman si Janine na medyo nahihiya pa.

"Hi. I'm Joshua. Ang pinakapogi samin." sabi naman ni Josh. Binatukan tuloy sya ni Brix.

"Xander. Pwede mo kong maging kuya." masayang sabi ni Xander tsaka ngintian si Janine.

"Hi Janine. I'm Brix. The most handsome guy in the universe." tsaka ngumisi at lumingon kay Joshua. Nakasimangot naman tong isa.

"Mark. Mark Villaruel." tipid nyang pakilala tsaka ibinalik ang earphones sa tenga nya. Kahit kailang talaga sya. Kaasar!

"Uy Nathan. It's your turn na." singit naman ni bes. Oo nga pala, si Nathan pa.

"I'm Nate. Short for Nathan." tsaka ngumiti ng bahagya at binalik ang tingin sa librong binabasa nya. Napatingin ako kay Janine at napansin kong namumula sya. Nagblushed. Hala, anong meron?

Siguro may gusto sya kay Nathan. Hm, hindi naman malabong mangyari yun. Good looking naman si Nathan. Matalino at mabait pa. Napakatahimik nga lang. Bookworm pa. Tingin ko mahihirapan si Janine kay Nathan. Goodluck girl :)

Accidentally fall inlove with the wrong guy (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon