Chapter 14 - Still love me?

131 8 2
                                    

ANDREA'S POV

23 na naman ngayon. 10th monthsarry na naman namin. Dapat masaya ako. Dapat masaya kami. Dapat magkasama kami. Dapat nag-eenjoy kami ngayon. Dapat andito sya sa tabi ko kahit walang regalo. Basta andyan masaya na ako. Pero eto ako, nagmumukmok sa kwarto ko. Magdamag na naghihintay ng text o tawag galing sa kanya. Naaalala kaya nya? Alam kaya nya? Babati man lang kaya sya?

Dati naman bago mag12 midnight, magtetext o tatawag sya para batiin ako. Kakantahan pa nya ako kung minsan. O kaya naman pumupunta sya sa bahay. Tapos gagala kami. Kakain together. Picture picture. Tapos lakad habang magkahawak kamay. Tapos ang alam lang namin, masaya kami ng mga araw na yun.

Bakit ngayon biglang nagbago..

Bigla ka na lang nanlamig..

Bigla ka na lang naglalaho..

Ano bang nangyayari? May nagawa ba akong mali ha Jake? Nasaktan ba kita or may nasabi ba akong hindi maganda para magbago ka ng ganyan?

Ayoko na. Naluluha na ako. Tama na. Kailangan masaya ako ngayon. Smile lang. Everything's gonna be okay.

1 message received.

From : Bes my loves

"Bes happy 10th sa inyo ni Jake. Punta ka sa bahay dali."

Si bes lang pala. Akala ko si Jake na. Buti pa sya naalala nya. Jake magparamdam ka naman oh.

Medyo tinatamad pa akong tumayo sa kama ko. Hindi pa rin talaga mawala sa isip yung boyfriend ko. Pinunasan ko na lang yung mga luha. Nakita ko yung note sa panyong binigay ni Brix. "Smile, you're beautiful."

Medyo napangiti ako dun nung nabasa ko yun. Bumaba na ako ng kwarto ko. Nakita ko si Manang naghahanda ng pagkain.

"Oh gising ka na pala Andrea?" Andrea lang ang pinapatawag ko kay Manang. Dati kasi Ma'am Andrea kaso hindi ako sanay kaya Andrea na lang.

"Opo manang. Medyo tinamad lang tumayo." sabi ko.

"Teka, umiyak ka ba? Oh kamusta si Jake? Monthsarry nyo diba?" buti pa Manang.

"Hindi po. Hindi pa kasi sya nagpaparamdam." sabi ko sabay upo para makakain na.

"Ija, kailangan nyong mag-usap na dalawa. Sige na, kumain ka na." paalam ni manang. Hay!

Ano naman kayang naisip nun ni bes at niyaya ako sa bahay nila?

Pagdating ko sa bahay nila, bukas ang gate kaya dumiretso na ako sa loob. Nakita ko syang kumakain. Eto na naman sya. Payatot naman -_-

"Oh bes bat ngayon ka lang? Tara kain." yaya nya.

"No thanks. Kakakain ko lang." matamlay kong sabi. Ewan ko lang kung napansin nya.

"Okay. Bes may problema ba?" tanong na. Halata mo sa reaksyon nya yung concern.

"Si Jake kasi bes eh." nagsimula ng tumulo ang luha. Niyakap lang ako ni bes para i-comfort. Hinawakan nya ang likod ko para patahanin ako.

"Shhh.. don't worry bes. Everything will be okay. Ano bang nangyari?" kalmado nyang tanong. Ang galing talaga nya magpakalma.

"Lately kasi nagiging cold na sya. Hanggang ngayon wala pang paramdam." tuloy lang ang tulo ng luha sa mga mata ko. Hinayaan ko na lang iyon. Gusto kong ilabas ang lahat ng galit ko.

"Bes wag kang mag-isip mg kung ano agad ha? Hangga't walang confirmation from him, stay calm." sabi nya. Stay calm? Paano?

"Bes.. di.. ko na kaya.." mahinahon kong sabi.

"Are you breaking up with him?" tanong nya.

"No." tipid kong sagot. Nasa kalagitnaan pa kasi ako ng pagkalito.

"Good. Wag kang pabigla-bigla. Hintayin mo munang humupa ang galit dyan sa puso mo bago ka magpasya. Mahirap na." paliwanag nya. "Tandaan mo ang mga pangako nya. Kung sya man ang sumuko, nasa sa kanya na yun. Hindi natin pwedeng ipagpilitan ang mga bagay na dapat tinatapos na. Di ko to sinasabi para makipagbreak ka." dagdag pa nya.

"Thank you talaga bes. Napakaswerte ko at nakilala kita." napayakap na lang ako sa kanya. Para ko na talagang kapatid to.

"My pleasure to help. Basta kung kailangan mo ako, I'm always here." sabi nya. Napakabait pa. Wala na akong mahihiling pa.

Buong araw akong nagstay sa kanila. Umuwi na ako noong mga hapon na. Kailangan ko munang mapag-isa. Para na din makapag-isip isip.

Haay.. Jake. Nasaan ka na ba? Bakit hindi ka na nagpaparamdam? Nakakainis ka. Sani mo kahit gaano tayo kabusy dapat may time parin tayo sa isa't isa. Pero bakit parang di ka tumutupad? Kahit isang text lang mula sa iyo. Malaman lang ang kalagayan mo. Okay na ako.

Accidentally fall inlove with the wrong guy (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon