Chapter four - Crush on you

236 12 2
                                    

MIKAELLA'S POV (MIKE)

Hindi ko pa rin makalimutan yung nangyari kanina. Sobrang nahihiya ako promise :( Paepal na Mark yun! Andito pala kami ni bes sa canteen ngayon. Lunch break kaya eto, kumakain kami. Well, hilig ko talagang kumain maliban sa pagsusulat ng story sa wattpad. Gusto ko lang isulat yung mga bagay na tumatakbo sa isip ko. Lalo na pag alone ako. Ewan, astig ko daw magbigay ng advice. Hahaha

"Bes, order lang ako ng makakain ah?" sabi ni bes atsaka tumayo.

Nauuhaw na din ako eh at diko expected na makikita ko si Mark. At marami syang kasama. Teka, parang kilala ko yung isa sa kanila ah? Sino nga ba yun? Ahh... si Joshua isa sa mgaVarsity ng Basketball. Pero bat magkakilala sila nung kumag na Mark na yun? Ewan, bahala sila sa buhay nila.

"Uy bes sorry kung natagalan ah? Haba ng pila eh." sabi ni Andrea "Alam mo ba bes? Andaming pogi dun. Gosh! Lima na sila!" dagdag pa nya. Ang harot talaga neto -_-

"Alam mo, kumain na lang tayo." sabi ko.

"Basta bes, bet ko si Brix." aba naman? Unang kita pa lang yun na agad? Love at first sight uso pa ba?

"Fine. Gutom na talaga ko" sabi ko sa kanya. Baka di pa tumigil to sa kakapantasya kay Brix.

Pagkatapos nun ay umakyat na kami baka malate pa eh.

JOSHUA'S POV

Ang ganda talaga ni Mikaella. Ewan ko kung bakit pero first time kong maramdaman to sa isang babae. Oo nagka-girlfriend nako pero ito iba

Simple lang naman si Mikaella pero kung tititigang mabuti, ang amo ng mukha nya.

Pagdating ko sa room, section B din pala kami nila Brix, Nathan at Xander. Si Mark lang ang nahiwalay. Ewan ko ba dun. Papogi na naman. Hahaha

Buong klase lutang isip ko. Ewan ko ba, blangko eh. Yes! Uwian na hahaha! Dumaan ako sa room ni Mark. Syempre, di para sa kanya. Para kay Mikaella. Pagdating ko sa room nila, nasa labas ng room si Mikaella. Bat kaya nag-iisa to?

"Uy Mikaella!" bati ko sa kanya.

"Mike na lang." tipid nya naman :(

"Okay sige Mike." sabi ko ng nakangiti pa din sa kanya.

"Paano mo nalaman pangalan ko?" tanong nya.

"Hm, nagtanong ako sa classmates mo. Hehe" sabi ko.

"Ikaw sino ka?" tanong nya.

"Imposibleng di mo ko kilala? Sa gwapo kong to?" pambihira naman oh. Iba ka talaga! Hahahaha "Joshua Mendoza" dagdag ko.

"Ah okay. Sige mauna na ako. Baka hinahanap na ako ni bes." sabi nya ng di man lang nakatingin sa kin. Aww

"Pwede bang makisabay? Wala kasi akong kasabay eh. Please?" pagmamakaawa ko.

"Osige." tipid pa din eh :(

Tahimik lang kaming naglalakad ng biglang nag-ring phone nya. Bes nya daw yun. Di raw makakasabay sa kanyang umuwi kasi may project pang tatapusin. So it means kaming dalawa lang. Heaven! Hahaha. Naglakad sya papunta sa isang bench.

"Wow! Ang peaceful naman dito." basag ko sa katahimikan. Di ako sanay ng ganto eh.

"Bat andito ka pa?" di pa rin lumilingon sa kin. :(

"Wala lang." sabi ko. "Wait lang ah? Bibili lang ako ng mamakain." dagdag ko pa.

Pagbalik ko inabot ko agad sa kanya yung Fries. Eto lang ang nakita ko eh.

"Salamat." akala ko susungitan pa rin nya ako eh.

"Basta ikaw." sabi ko.

"Sorry pala sa kasungitan ko ah? Di lang talaga ako sanay makisama sa mga lalake eh. Wag kang mag-alala, di naman ako nangangain eh." sabi nya ng nakangiti. Tae! Ang ganda nya lalo.

"Hehe, ayos lang. Naiintindihan kita. Pero sana, itry mo ding mkipagkaibigan sa amin." sabi ko hahaha.

"Oo naman. Hahaha." natatawa nyang sabi.

"Friends na tayo ha?" sabi ko.

"Osige. Friends." yun naman pala eh. Mabait naman pala :)

Umuwi na si Mikaella. Nagpaiwan pa ako dito. Parang ang sarap kasing tumambay dito eh. Ang peaceful lang. Habang naglalakad sya pauwi, pinagmasdan ko lang sya. May pagka mahinhin din pala to. Parang ang sarap nyang kausap. Yung tipong mapapangiti ka na lang bigla. :)

MIKAELLA'S POV (MIKE)

Naglalakad ako ngayon pauwi sa bahay. Sabi ni Joshua mamaya pa daw sya uuwi kaya naiwan sya don. Ang weird.

Pagkadating ko sa bahay, naglalaro sa kwarto nya si Miko. Di ko na pinakealaman para maagang makatulog. Si mama naman ayun! Nanonood ng paborito nyang drama sa hapon. Tumeteen ager tong si mama eh hahaha.

Pagkaakyat ko sa kwarto ko, di agad ako nakatulog kaya nagsoundtrip muna ako. Pampatulog ko to. Napalingon ako sa Family Picture namin sa gilid ng higaan ko. Namimiss na kita papa. Madami pa tayong pangarap na tutuparin diba?

Naalala ko pa non.

FLASHBACK

"Oh baby girl, tama ng kakatingin dyan sa stuff toy na yan"sabi ni papa habang nakatingin sakin.

"Eh papa, pangarap ko po yan eh" sabi ko with sad face.

"Haha sige anak, paglaki mo bibilhin natin yan. Para magkasing laki na kayo. Okay ba yun?" sabi ni papa

"Yehey! I love you papa." Sabi ko sabay hug.

"Mas love ka ni papa baby girl." Sabi nya sabay kiss sa noo ko.

END OF FLASHBACK

Haaaay papa. Kailan ka ba babalik? Paano na yung human size na teddy bear na pangako mo? Nasaan ka na kasi? Miss na miss na kita. :'(

Nabuhay ako ng diwa nung biglang nagvibrate phone ko.

1 message received

From : Unknown

"Hi Mikaella! Nakauwi ka na ba? Pasensya na sa abala. Pasave nalang thanks :) - Poging Joshua"

Joshua? At saang lupalop ng mundo nya nakuha ang number ko?

**

PS : Ang ikli po talaga ng Update ko ngayon. Hahaha sorry poooooo!

Accidentally fall inlove with the wrong guy (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon