Chapter 21 - Awkward

145 7 0
                                    

MIKAELLA'S POV.

Ayan, ganap na five years na ang bunso ko. Mag-aaral na sya. Nakakaexcite. Yung pakiramdam na saksi ako sa paglaki nya. Simula nung pinanganak hanggang sa ngayon na mag m-aaral na sya.

May isang tao akong naalala. Si papa. Nangako sya sakin dati na kapag nakapag-aral na si Miko ay may regalo kaming matatanggap sa kanya.

Pero hindi yun natupad. Nanatili na lang itong pangako. Pangako na kailan ma'y hindi na magkakatotoo.

Hindi man lang masisilayan ni Papa si Miko na papasok na sa eskwelahan. Naaawa ako kay Miko. Hindi nya mararanasan magkaroon ng isang ama di tulad ko. Naranasan ko kahit papaano. Kahit sa maikling panahon.

Paano kaya kung andito sya? Kasama namin. Kasamang maghatid sundo kay Miko. Maghanda ng babaunin nya sa pagpasok. Mag-ayos ng mga gagamitin. Gumawa ng mga assignments.

Kawawa naman ang kapatid ko. Mabuti na lang at hindi nya hinahanap si papa.

Nabuhayan ako ng dugo nang biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Agad naman akong tumayo.

"Oh bes ikaw pala?" gulat kong tanong. Bakit ang aga nya? At nakasuot pa sya ng uniform.

"Anong ako pala? Uy! Hello? May pasok kaya tayo -,-?" huh? Meron ba?

"Dinga? Sery --." diko na natapos kasi hinila nya na ako.

"Wag ka nang umangal at kumain ka na. Dalian mo at baka malate tayo." wow! Ang bossy nya yata ngayon?

Bakit ganun? Di ko alam na may pasok pala? Nawala sa isip ko.

Nakasakay na kami ngayon sa sasakyan ni bes. Iniisip ko pa rin kung bakit ko yun nakalimutan? Siguro dahil lutang ang isip ko. Lutang ang isip ko sa kakaisip kay papa.

Pagdating ko sa room, wala pa si ma'am kaya maingay pa. Nandun na din si Mark. Medyo naiilang ako sa kanya. Dahil pa rin siguro dun sa nangyari kahapon.

Nagcheck kami ng test namin. Exchange paper na daw sabi ni ma'am. Inabot ko naman sa kanya yung papel ko.

Hindi sya lumilingon. Kinuha nya lang yung papel saka nagsimulang mag-check.

Parang naninibago ako. Hindi naman kami close pero hindi ganto yung nangyayari. Asaran. Bangayan. Ganyan kami eh. Eh bakit ko ba kasi yan iniisip?

Nung maglunch na, lumabas agad ako. Nakita ko naman agad sila bes kasama nila si Mark. Tss.

"Hey. Why are you sad?" sabi ni bes tsaka nag-sad face.

"Sad? Sino? Ako?" tanong ko.

"Ako siguro." singit naman ni Mark. Kausap ko ba sya? Psh.

"Sige. Ikaw na lang." sabi ko naman. Kaasar.

"Tama na yan. Tara kain na lang tayo." yaya naman ni Brix.

"Mabuti pa nga." sagot ko.

"Takaw." sabi naman ni Mark. Ano?! Ang kapal talaga.

Hinila na ako ni bes para bumaba. Napansin nya siguro na ang sama ng tingin ko dun lokong yun.

Habang nasa canteen. Katabi ni Bes ako tas sa gilid ko si Mark tas sa gilid nya si Nathan. Tae! Bat katabi ko to. Tapos sa harap ni Bes si Brix ako naman si Joshua at si Mark si Xander.

Napakamalas ko naman at katabi ko ang epal na to. Habang kumakain kami, may lumapit samin na limang babae.

"Hey sistah, Mark is here." maarteng sabi nung isang maikli ang buhok sabay turo dun sa magandang babae. Halatang anak mayaman ang mga to.

"Yeah I see." sabi naman nung babaeng tinuro nung isa. "So how are you Mark? I miss you." dagdag pa nya. Teka anong meron? Magkaano-ano sila?

"Oh kayo pala Aubrey? Join with us." cool na sabi ni Brix.

"I'm okay." tipid na sagot naman ni Mark.

"No thanks. I think ayaw kaming makasabay ni Mark." sabi naman nung Aubrey daw ang pangalan.

"Let's go sistah!" tawag naman nung isa pang babae ng straight ang buhok.

"See you again, Mark." paalam naman ni Aubrey. Eh teka? Bakit ang sama ng mga tingin nila sakin? Anong meron?

Accidentally fall inlove with the wrong guy (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon