Chapter 25 - Secret crush

138 7 0
                                    

JANINE'S POV.

Hi, ako si Janine Dominguez. Simpleng babae. Matagal nakong may crush kay Nathan Santiago simula pa nung first year kami. Nilihim ko yun. Wala akong pinagsasabihan na kahit na sino.

Nahihiya kasi akong malaman nya. Natatakot din akong mapahiya at i-reject nya. Kaya minabuti kong sarilinin na lang ang nararamdaman ko. Alam ko namang malabong mapansin nya ako. Lagi kasing libro ang hawak nya. Nerdy na nga ang tawag sa kanya ng ilang estudyante but still, gwapo pa rin sya. Maraming babae pa rin ang nagkakandarapa sa kanya.

Di na ako nangangarap ng mapansin pa nya. Kuntento na ako sa mga pasulyap-sulyap na tingin sa kanya.

"Hi Janine." bati ni Mikaella. Simula nung tinulungan nya ako, lagi na kaming magkasama. Pag break time, kasama namin sila Andrea.

"Hello, naintindihan mo ba yung lesson kanina?" tanong ko sa kanya habang nililigpit ang gamit ko.

"Ah, oo naman. Ikaw ba?" tanong naman nya. Ang talino talaga nya. Beauty and brain. Kaso masyadong humble at mahiyain.

"Hindi masyado eh .." sabi ko naman. "Magpapaturo sana ako. " dagdag ko pa.

"Yun lang ba? Sige, mamaya punta ka sa bahay." yaya nya. Sobrang bait pa. Nakakainggit.

"Salamat Mika." sabi ko tsaka nilagay sa likod ko yung shoulder bag ko.

"Tara na, naghihintay na sila sa atin." yaya nya.

"Paano si Mark? Hindi ba natin sya isasabay?" tanong ko. Kaklase kasi namin sya.

"Hindi naman sasabay yun kahit yayain mo. Kaya, tayo na lang." sabi nya tsaka ngumiti. Ganun ba? Hm.

"Ah, sige." sabi ko naman.

Pagbaba namin, nakita ko agad si Nathan. Automatic na bumilis ang tibok ng puso ko. May hawak syang libro. As usual, anong bago? Pero isa yan sa mga bagay na nagustuhan ko sa kanya.

"Hi girl! How are you?" bati sakin ni Andrea. Isa pa tong maganda matalino rin.

"Okay lang.." naiilang kong sagot. Katabi kasi ni Andrea si Nathan eh.

"Hi Janine! Uy Mikaella namiss kita ng sobra." sabi naman ni Joshua.

"Baduy mo naman. Hahaha, biro lang." sagot naman ni Mikaella.

"Pareho lang kayo." singit naman ni Mark. Di ko napansin na andyan na pala sya. Eh bakit ang sungit nya?

"Mukamo. Kakatok din pag may time." pagtataray naman ni Mika.

"Baka may pinto." pamimilosopo naman ni Mark.

"Common sense." dagdag pa ni Mikaella. Nangangamoy WWIII ah?

"Tama na bangayan, magkatuluyan pa kayo nyan." pagbibiro ni Brix.

"Hindi yun mangyayari no." singit naman ni Joshua. Oh? Anong meron?

"Bakit? Crush mo si bes?" tanong ni Andrea na halatang gulat na gulat.

"Haa? Ww..wala ah!" pagtatanggi naman ni Joshua. Suuuuus!

"Denial." pang-aasar ni Xander.

"Tama na nga. Para kayong ewan." saway ni Mikaella na halatang naguguluhan na.

Nakakatuwa silang tingnan. Napadpad ang tinginmo kay Nathan na hindi man lang nagsasalita. Napakatahimik naman nito. Hindi man lang nagbibigay ng opinion.

"May problema ba?" tanong ni Nathan. Shems! Napatagal yata ang titig ko sa kanya. Baka mahalata nya!

"Ah.. ha?" tanong ko. Bat ganun? Nauutal ako. Enebeeee!

"Ah wala, nevermind." sabi nya tsaka ibinaling ang tingin sa librong kanina pa nya binabasa.

Letche plan naman oh! Muntik nako dun ah! Tsk, haaaay! Ano ka ba namang mata ka! Napalapit lang sayo si Nathan tinitigan mo na.

Nang matapos kaming kumain, umakyat na kami. Ibang room sila Nathan kaya si Mikaella lang ang kasabay ko hanggang makarating kami sa room.

Mabilis na natapos ang klase at uwian na. Lutang pa rin ang isip ko sa nangyari kanina. Totoo ba yun? Kinausap nya talaga ako? Hay.

Hindi muna ako sumabay umuwi sa kanila. Nahihiya kasi ako. Nagdahilan na lang ako. Kahit na mapilit si Andrea. Sinabi ko din na sa susunod na araw na lang ako magpapaturo may Mikaella ng lessons namin.

Pagkauwi ko, nagpahinga agad ako. Wala sila mama. Nasa ibang bansa. Pinsan ko lang ang kasama ko.

Bago ako matulog, naisip ko na naman si Nathan. Ang tanging lalaking patago kong minamahal.

Lalaking hanggang pangarap ko na lang na makakasama.

Accidentally fall inlove with the wrong guy (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon