Chapter 26 - Mama

93 6 0
                                    

MIKAELLA'S POV.

Umaga na naman. Nagising ako dahil sa alarm clock ko. Haist, katamad pang bumangon eh. Anong oras na ba? 5:00 Am pa lang? Eh 7:30 Am pa ang pasok ko eh.

Makahiga na nga lang ulit sa kama ko. Pagulong-gulong na ako dito pero di pa rin ako makatulog. Nalala ko bigla si Janine. Bakit kaya hindi sya sumabay sa amin sa pag-uwi kahapon? Ano kayang problema nya? Magpapaturo pa sya tungkol sa pinag-aralan namin sa math kahapon eh.

Tiningnan ko ang orasan malapit sa kama ko. 5:30 na. Ang aga pa rin masyado. Makapagluto na nga lang. Ano bang meron sa refrigerator? Tulog pa sila mama kaya napagdesisyunan kong ako na lang ang magluto. Ayoko na silang istorbohin pa. Besides, marunong naman ako magluto. Isa ito sa mga paborito kong gawin.

May bacon, pancit canton, egg, at noodles pa na angkop kainin sa umaga. Niluto ko yung noodles. Nakakaenergize kasi pag may mainit na sabaw sa umaga. Tsaka paborito ito ni Miko. Niluto ko rin yung bacon at pancit canton dagdag ulam.

Pagkatapos ko sa ulam, nagsaing na ako. Gumamit ako ng rice cooker para mapabilis. Pero marunong din naman ako magsaing kahit sa ibang kalan lang.

Mabilis akong natapos. Mga 6:10 naligo na ako. Ang lamig ng tubig pero tiniis ko. Refreshing kasi kapag malamig. Parang ang linis linis mo kapag ganun. Tsaka masarap sa pakiramdam.

"Anak? Ikaw ba yang nasa cr?" narinig kong sabi ni mama sa labas ng cr namin. Gising na pala sya.

"Opo ma." sagot ko naman.

Hindi na sya sumagot. Binilisan ko na ang pagligo ko. Medyo lumalamig na yung tubig eh.

Paglabas ko ng cr nakita ko si mama sa kusina.

"Oh anak, nakapagluto ka na pala." sabi nya ng nakangiti habang inaayos ang hapag-kainan.

"Ah opo ma. Maaga kasi akong nagising kanina kaya nagkusa na po akong magluto." pagpapaliwanag ko naman sa kanya na kasalukuyang inaayos ang lamesa.

"Napakabait mo talagang bata ka. Manang mana ka sa nanay mo." pagkasabi nya nun ay bahgya syang natawa.

"Naku mama. Sadyang masipag lang talaga ang anak mo." pagbibiro ko.

"Eh mana sa akin eh." si mama talaga di papatalo.

"I love you ma." sabi tsaka ko sya nuyakap.

"I love you and Miko forever, anak." sani nya tsaka ako ki-niss sa noo.

"Ang aga-aga, nilalanggam ang kusina." nagulat kaming pareho ni mama ng biglang may nagsalita.

"Oh bes, napaaga ka yata?" bungad ko sa kanya.

"Actually, dalawa kami. Kasama ko si Brix nahihiya lang pumasok." sagot naman nya. Teka, si Brix? Kasama nya? Paano? Talaga?

"Nandito sya? Eh nasaan?" nalilitong tanong ko.

"I'm here." singit naman ni Brix na kanina pa pala nagtatago sa likod ng pimtuan.

"Oh ijo, pumasok ka. Kumain muna kayo." sabi naman ni mama.

"Uhm sige po, kumain na po ako kanina sa bahay. Hihintayin na lang po namin si Mika." medyo nahihiyang sabi ni Brix. Haha, di bagay sa kanya swear.

Pinaupo muna sila ni mama sa sofa habang hinihintay akong matapos. Nanood muna sila ng mga movies. Pinayagan sila ni mama baka daw kasi mainip.

Pagkatapos ko ay umakyat na ako ng kwarto ko para magbihis ng school uniform ko. Binilisan ko na ang kilos ko dahil may naghihintay sakin. Nakakahiya naman kung magtatagal pa ako.

Pagbaba ko, naabutan ko si Miko na naglalakad papunta sa pwesto nila bes. Gising na pala tong batang to ah.

"Bulaga!" Gulat ko kay sa kanya.

"Ateeee!" pasigaw nyang sabi tsaka nya ako niyakap. Napalingon naman sila Brix na kasalukuyang nanood ng Mr. Bean's Holiday.

"May kapatid ka pala." baggit ni Brix na nakatingin kay Miko.

"Ah oo, si Miko." paliwanag ko naman sa kanya.

"Miko, come to your beautiful and sexy ate." singit naman ni bes. "Here, baby!" dag dag pa nya. Bakas naman sa mukha nya ang pagtataka.

Natawa na lang kami ni Brix. Napansin naman kami ni bes kaya sinamaan nya kami ng tingin. Haha, ang kulit nya kasi.

Nang matapos akong maghanda para pumasok ay umalis na kami. Si mama na rin ang nagpakain kay Miko. Kiniss ko muna si mama sa cheeks bago ako umalis. Nagpaalam rin sina Brix kay mama tsaka sabay sabay na kaming pumasok.

Hindi ko mauwasang hindi maisip si mama. Talaga nga kayang naka move on na sya kay papa? Malakas amg kutob kong hindi pa. Pero hindi nya iyon pinapahalata iyon sa iba lalo na sa amin ni Miko dahil ayaw nyang mag-alala pa kami.

Pagdating namin sa school, maaga-aga pa naman kaya di kami na-late. Umakyat na ako ng room. Si bes at Brix lang ang magkasabay hanggang dulo kasi magkaklase sila.

Pagpasok ko ng room, naabutan kong nakatitig sa akin si Mark habang nakasalpak na naman ang earphones sa tainga nya. Teka ako ba talaga ang tinitingnan nya o yung mga babaeng nasa likod ko?

Accidentally fall inlove with the wrong guy (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon