Chapter One - First day

686 17 0
                                    

Bat ganun? Ang labo ng mundo? Hindi mo maintindihan minsan ang nasa isip ng mga tao? Galit ba sila o ayaw ka lang talagang pansinin. Choosy choosy? -_- Ewan! Hahaha

"MIKAELLA!!" sigaw ng bestfriend ko. Sya nga pala si Andrea Gomez. Bestfriend ko since first year high school kami. Only child sya kaya spoiled.

"Argh. Isa pang tawag ng Mikaella!" sabi ng ayaw ko ng tinatawag sa real name ko eh.

"Okay. Mike okay na? Kasi naman, kanina pa ako dakdak ng dakdak di ka man lang sumasagot." Pagmamaktol nya. Para talaga syang bata.

"Sorry na bes" sabi ko sabay ngiti. Sana lang effective. Hoho!

"Ano ba kasi iyang iniisip mo? Parang ang lalim ata eh. Hugotin natin yan!" sabay tawa. Ay? Takas mental lang? Hahaha.

"De, nagugutom lang talaga ako. Hahaha!" maniwala ka please.

"Sus! Gutom eh nakakadalawang burger ka na nga. Yung totoo? Di uso diet bes? Ewan ko ba sayo. Di ka naman tumataba. " niyogyog pa nya ko. Problema nya?

"Ikaw naman eh. Minsan lang to hehehe" totoo naman kaya.

"Okay. Bes, mauna nako ah? Baka malate nako. Ikaw din, babush mwa!" Tapos bineso nya ako at umalis na.

Wait teka, nagpakilala na ba ko? Shunga hindi pa. Ako nga pala si Mikaella Aragones. Mas kilala bilang Mike. Nagtataka ba kayo kung bakit? Wala naman. Masyado kasing girly name ko. Mas komportable ako pag 'Mike' basta! Haha. 16 year old fourth year high school. Simple lang naman ako. Walang arte at di mahilig sa mga borloloy etc. na yan. Sagabal lang yan eh. Mas simple, mas maganda :)

Pagdating ko sa room ko, wala pa si Mrs. Diana Mercado ang magiging adviser ko for the whole year.

First day of class, ang ingay agad. Sabagay, halos magkakakilala na din naman iyong iba dito. Pero ako, wala pa gaano. Lahat kasi ng mga kakilala ko nasa Section B.

Umupo ako second to the last. Maingay kasi sa harap eh. Kanya kanyang trip. Shempre ako, soundtrip Hahaha :) ilang minutes lang dumating na din si Ma'am.

"Hello class, I'm your adviser. I know you already know your classmates so no need to introduce yourself, okay? And besides, fourth year na rin kayo so marunong na kayo kumilala ng bawat isa." sabi nya sabay nagcheck ng mga requirements, attendance at iba pang records.

So ayun, walang gaanong ginawa kaya parang ang bilis lang ng araw.

1 message received.

From Bes Andrea
"Bes, dalian mo. I'll wait for you. Dito ako sa bench na tambayan natin. See yah!"

At naglakad na nga ako papunta sa favorite place naming dalawa. Malapit lang naman sya eh.

"Bes! You're so tagal naman. Ang dyosang katulad ko ay hindi pinaghihintay" sabay pout. Okay okay -_-

"Kaya pala I'll wait for you ha?" pagtataray ko. Hahahaha

Kasalukuyang kumakain kami ng ice cream. Cookies 'n' cream ang flavor. Hahaha, wala e. Facorite ko talaga to since bata pa ako.

"Bes, kailangan na nating umuwi baka hinahanap na tayo pareho." sabi ko. Malapit na rin kasing mag 6 ng hapon. Sumakay kami sa kotse nya. Meron din naman ako kaya lang ayaw ko dalhin. Parang ang yabang kasi ng dating.

"I'm home!" bati ko. Nasa kusina si mama kaya yung little brother ko lang ang dinatnan ko.

"Heyow ate" bulol pa sya. Pero di na gaano, malapit na kasi mag five year old to eh. Kaya sinasanay ko na.

"Hello pogi. Kiss nga kay ate" paglalambing ko. Kiniss nya naman agad ako sa cheeks. Sweet, hahaha.

"Oh anak, bat ngayon ka lang? How's school? Stressful ba masyado? Gutom ka na ba?" sunod-sunod na tanong ni mama. Ganyan sya ka-caring.

"Opo ma, pero ayos lang. Magbibihis lang po ako." sabi ko."Dyan ka lang Miko ah? Bihis lang si ate" dagdag ko pa.

Pagkatapos kong patulugin si Miko, umakyat na ako sa kwarto ko. Hindi ako nakatulog agad dahil di pa nawawala sa isip ko si papa. Malapit na mag five si Miko at malapit na rin syang mag-aral. Naaalala man lang nya kaya kami? Naaawa na rin ako kay mama. Alam kong nasaktan sya ng sobra nang maghiwalay sila. Lalo na ang dahilan ay ibang babae. Hay! Sayang, idol ko pa naman sana sya.

Papa, sana marealize mo kung gaanong kahalaga ang mga taong sinayang at pinakawalan mo.

Accidentally fall inlove with the wrong guy (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon