Chapter 19 - Breakup

132 9 2
                                    

BRIX POV

Hanggang ngayon hindi pa rin nawawala sa isip ko yung kay Andrea. Bakit ganun? Parang apektado ako? Hindi pa kami ganun ka-close pero nag-aalala na ako sa kanya.

"Sh*t" sambit ko ng biglang may bumatok sa akin.

"Aw pre it hurts." may para drama effect pa tong Joshua na to.

"Bwisit ka. Muntikan na ako mahulog dito." protesta ko. Kasalukuyan kaming nasa rooftop ngayon ng bahay nila Joshua.

"Bakit ba kasi tulala ka?" tanong nya tsaka sumampa sa gilid ng terrace. Tulak ko kaya to? Hahaha.

"May masama ba?" balik-tanong ko sa kanya.

Napikon yata. Bumaba eh. Hahaha, kahit kailan talaga para syang bata. Maya maya umakyat na sya may dalang pagkain. Yan ang gusto ko.

"Uy salamat pare." akmamg kukuha na sana ako ng bigla nyang iiwas yung hawak nyang tortillos.

"Sinabi ko bang kumuha ka?" putek. Haha

"Damot mo." sinamaan ko nga ng tingin sabay hablot dun sa hawak nya. Wala na syang nagawa. Hahaha

Maya maya umuwi na din ako. Naglakad na lang ako kasi hindi naman ganun kalayo ang bahay namin sa kanila.

Bago ako umuwi, naisipan kong pumunta sa park kung saan ko nakita si Andrea dati.

"Bakit ba kasi napakatanga ko at umaasa pa din ako.." narinig kong sabi ng isang babae habang umiiyak. Teka, parang pamilyar yung boses na yun.

"Brix?" at hindi nga ako nagkamali. Shit. Bat umiiyak sya.

"Anong nangyari?" tanong ko agad sa kanya. Pero hindi sya nagsasalita sa halip ay pinupunasan nya yung mukha nya. Shit talaga.

"Magsalita ka." pinilit kong ikalma ang sarili ko.

"Brixx.. si.. si Jake." si Jake na naman.

"Anong nagyari?!" Naiinis na ako. Sinara ko lang ang kamao ko.

"Nakipagbreak na sya." saka tumulo na naman yung luha sa mga mata nya. Ang kapal ng mukha nya.

"Hindi ka dapat umiiyak sa mga katulad nyang walang kwenta." pinipilit kong kumalma. Gusto kong sapakin yung Jake na yun. Napakawala nyang kwenta. Umupo ako sa tabi nya.

Kinwento nya ang lahat ng nangyari. Damang dama ko yung lungkot nya. Kada iiyak sya, damang ko na nasasaktan. Alam kong masakit yun. Parang mas doble yung nararamdaman kong sakit.

Hindi ko alam kung paano sya papakalmahin. Hinayaan ko lang syang umiyak. Para mailabas lahat ng sakit.

Ilang minuto lang ay nakatulog sya sa balikat ko. Pinagmasdan ko ang mukha nya. Maamo sya. Mahahalata mo palang sa mukha nya kung gaano sya kamasiyahing tao.

I wonder kung paano sya sinasaktan ng walang kwenta syang ex-boyfriend. Ang babae dapat nirerespeto. Nakakainis na talaga. Hinayaan ko lang sya makatulog kahit saglit.

"Hmm.. nasa-- Brix?" gulat nyang tanong ng makagising sya.

"Nakatulog ka kasi kaya hinayaan na lang kita." sabi ko saka nginitian sya.

"Ah.. hehe.. pasensya." medyo nagbablush sya. Nahihiya haha.

"Hindi okay lang." sabi ko. "Wag ka na ulit iiyak ha?" dagdag sabay tingin ko sa kanya.

"Uwi na tayo. Alasais na ng hapon. Pasensya talaga ha? Tsaka salamat na din. Kahit papaano, gumaan loob ko." sabi nya. Ramdam ko na naman yung lungkot nya. Pero pinipilit nya yung itago.

Nagprisinta na akong ihatid sya sa bahay nila. Gusto kong masigurado yung safety nya. Pagkauwi ko humiga agad ako sa kama ko.

"Sa libu-libong pagkakataon
Na tayo'y magkasama,
Iilang ulit pa lang
Kitang nakitang masaya
Naiinis akong isipin na
Ginaganyan ka nya
Siguro ay hindi nya lang
Alam ang iyong tunay na
HALAGA..

Yan agad yung narinig ko pagkabukas ko ng radyo. Sakto sa sitwasyon ni Andrea ngayon.

Lalake rin ako pero this time mas kakampi ako kay Andrea. Loko sya. Ang kapal naman ng mukha nyang unang makipagbreak kay Andrea. Pagkatapos nyang mawalan ng oras at panahon sya pa ang may ganang makipaghiwalay?

Wag kang mag-alala Andrea, tutulungan kitang kalimutan sya.."

Accidentally fall inlove with the wrong guy (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon