Chapter 31 - Closeness

105 4 0
                                    

ANDREA'S POV.

Nako! Ang dami ko ng atraso kay Mikaella. Kawawa naman iyong bestfriend ko. Hindi ko na masamahan. Tsk. Sobrang busy kasi eh.

Alam ko na! Ililibre ko na lang sya mamayang uwian. Para naman makabawi ako sa kanya.

Teka, si Brix ba iyong nakikita ko? Uhm, bakit bigla akong kinabahan. May kasama kasi syang tatlong mga babae. Parang pamilyar iyong mga mukha nila.

"Uy! Bakit nag-iisa ka?" bati ni Brix.

"Uhm. ah.. kasi nagmamadali ako. May pinasa lang.." tae! Andrea wag kang mautal ano ba.

"Hi girl! Ayaw yata akong ipakilala nu Brux eh." saka sya tumingin kay Brix. "By the way, I'm Aubrey. Nice meeting you." dagdag pa nya.

"Uhm, nice meeting you too. I'm Andrea." pagpapakilala ko.

"And they are my sistah's pala. Cassey and Nicole." sabay turo doon sa dalawang kasama nya. Tumango na lang ako.

"Girl, you told me a while ago na may gagawin ka kaya maaga ka now?" sabi nung Cassey. Medyo maarte rin.

"Oh, oo nga pala. I forgot. Bye guise! See you. Tell Mark that I missed him already, Brix." sabi nya tsaka umalis kasama nung dalawa nya raw sistah's.

"Don't mind her." sabi ni Brix. Napansin nya siguro na medyo nagtataka.

"Matagal mo na syang kilala?" tanong ko.

"Yes. I'm gonna tell you something." sabi nya tsaka umupo sa gilid ng bench. Umupo na rin ako.

"A.. ano iyon?" tanong ko habang nakatigin sa malayo.

"Aubrey's Mark ex crush." seryosong sabi nya. Napanganga na lang ako sa sinabi nya. Hindi ko lubos maisip na may naging crush na pala si Mark. Ang sungit nya kasi. Kaso hindi naman malabong mangyari iyon. Gwapo at matalino naman sya.

"First crush ni Mark si Aubrey. Nang malaman at kumalat ito sa buong campus dahil sa sa sikat kami, naging stalker nya na si Aubrey. Lagi sya nitong sinusundan. Umaasatang parang girlfriend. Dumating sa puntong pati ang mga babaeng nagkakagusto at umaaligid kay Mark ay inaaway nya. Kinakawawa. Hindi sila lumalaban dahil kinatatakutan sya campus na namin noon. Simula noon hindi na sya nagustuhan ni Mark pero habol sya ng habol. Kaya eto, dito rin sya nag-aral dahil dito lumipat si Mark." pagpapaliwanag nya. Ngayon alam ko na.

"Ganoon pala. Sorry ah, naikwento mo pa tuloy." nahihiyang sabi ko. Baka kasi napagod sya.

"Ah hindi naman. Magkaibigan naman tayo atsaka wala iyon." sabi nya tsaka ngumiti.

"Si Mikaella na yata iyon oh." sabi ko habang tinatanaw sya sa malayo.

"Teka, magkasama sila ni Mark?" nagtatakang tanong ni Brix.

"Hm oo nga eh." sagot na medyo nagtataka pa rin.

"Uy bes! Bakit di ka sumabay sa akin kanina pagpasok?" tanong agad nya ng makalapit sila sa kinaroroonan namin.

"Ah, sorry. May pinasa kasi ako. Yaan mo, babawi ako." sabi ko tsaka ko sya kinindatan. Hahaha! I missed this girl so much.

"Oo nga pala, sinabay ko na sya sa pagpasok. Malapit lang naman sila sa amin eh." singit ni Mark sa usapan.

"Ayos lang. Alam ko namang safe sa'yo ang bestfriend ko." sabi ko. Hinampas naman ako ng mahina ni bes sa braso.

"Tara na sa loob." ay oo nga pala. Nandiyan pa pala si Brix.

Pumasok na kami sa kanya-kanya naming classroom. Nakakapagtaka pa rin talaga kung bakit biglang bumait iyan si Mark kay bes. Dati naman lagi silang nagbabangayan eh. Ano kayang meron?

Naalala ko bigla iyong sinabi sa akin ni Brix about kay Mark at Aubrey. May gusto pa rin kaya si Mark doon sa spoiled brat na iyon?

Accidentally fall inlove with the wrong guy (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon