Chapter Twelve - Thank you

125 8 0
                                    

MARK'S POV

Andito ako ngayon sa park na malapit sa school. Tambay lang mag-isa. Mapayapa kasi dito.

Natanaw ko si Andrea at Mikaella. Oo nga pala, favorite place nila to. Sabagay di na rin ako magtataka.

Wait. Teka. Parang kinabahan ako bigla? Naaalala ko bigla yung nangyari kahapon. Halos di yata ako makatulog sa kakaisip kung bakit nya yun ginawa.

"Oh hi Mark." bati ni Andrea sa akin. Nandito na sila sa harapan ko.

"Uhm. Hello." tipid kong sagot.

"Oy bakit nyo.. kami.. iniwan?" sabi ni Brix habang hinihingal pa. Ay oo nga pala. Sorry pre. Lutang isip ko.

"Pasensya na Brix. Akala kasi namin hindi ka sasabay eh." sa wakas nagsalita na din si Mikaella.

"S..sorry.." dagdag naman ni Andrea na nahihiya pa.

"Oo..okay..lang. Nauna na pala sila Xander may.. bibilihin daw." sabi ni Brix.

"Wait guise, bibili lang ako ng makakain." paalam ni Andrea.

"Tara, sasamahan na kita." sabi naman ni Brix. Pa-gentleman effect ang loko.

At umalis na nga sila. Naiwan kaming dalawa ni Mika dito. Katahimikan lamang ang nagyari.

"Uhm.. Mika yung.. yung kahapon?" nahiya ako bigla.

"Ah yun ba? Wag mo ng isipin yun. Ginawa ko lang yun kasi ayoko lang mangyari yung dati." sabi nya. Anong dati? "Tsaka ayokong nakakakita ng mga nahihirapan." sabi nya ng nakatingin pa rin sa malayo.

Bakit parang sumeryoso sya bigla? Kapag titingnan mo sya parang napakasaya nyang tao. Yung walang pinoproblema.

"Uhm.. thank you." sabi ko.

"Ano? Pakiulit nga?" Tss. -_-

"Thank you." nakakaasar.

"Ano? Isa pa di ko narinig." sabay lapit ng tenga nya sa akin. Nakakarami ka ng babae ka ah.

"Ayoko. Binabawi ko na." Kaasar naman kasi.

"Okay. Madali akong kausap." hala. Wrong move Mark!

"THANK YOU WITH ALL MY HEART." sabi ko.

"Hahahaha." at nakuha pa akong pagtawanan? Pasalamat sya. Hay!

Maya maya dumating na sila Brix. Daming dala ha?

"Oh bes para talaga sayo lahat yan." abot ni Andrea ng fries, burger, Pillows at Coke Mismo. Seryoso kakainin nya ang lahat ng yan?

"Salamat bes." tuwang tuwa pa tong isa? Ibang klase.

Tinitigan ko lang si Mika habang kumakain. Di naman sya makalat kumain. Oo, madami yung kinakain nya pero dahan dahan naman. Mahinhin kumbaga.

Pero ang astig kasi first time kong makakita ng ganong babae. Nakakatuwa.

ANDREA'S POV

"Tara. Sasamahan na kita." yaya sakin ni Brix. Bakit ganun ang hirap tumanggi.

Pagdating namin sa tindahan, medyo natagalan kasi nagpaluto pa kami. Alam ko namang gutom na gutom na si bes kaya dinamihan ko yung sa kanya.

"Andrea." tawag ni Brix pero mahina lang.

"Ugh. Bakit?" nagtataka kasi ako.

"Lagi mong tatandaan yung nakasulat dun sa panyo na binigay ko sa yo ha?" sabi nya sabay ngumiti. Omo! Para kang anghel O_O

"Ah.. yuuun ba? S-sige. Hehe ^_^" oo naman.

Maya maya lang naluto na yung order namin. Kinuha namin yun at bumalik na sa bench.

Naabutan naming nag-aasaran sila at sa tantsa ko, si Mark ang talo. Nakasimangot eh. Hahaha nakakamiss tuloy bigla si Josh. Ganyan din sila kakulit ni bes eh.

Accidentally fall inlove with the wrong guy (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon