Chapter Six - Only friends?

229 12 0
                                    

JOSHUA'S POV

Andito ako sa corridor tapat ng room nila Mikaella. Inaantay ko lang sya dumating. Gusto ko sana syang yayaing kumain sa canteen. Masarap kasing mag foodtrip kasama sila ni Andrea. New experience na din.

"Uy Josh! Anong ginagawa mo dito?" bungad ni Mikaella na kaaakyat lang.

"Uhm. Wala, hinihintay ka." ano kayang isasagot nya?

"Talaga? Bakit?" tanong nya.

"Yayayain ko sana kayo ni Andrea na sumabay sakin magluch. Kung okay lang sana." sabi ko.

"Ah ganun ba? Oo naman, kaibigan ka naman namin kaya ayos lang yun." Wow! Bat ang bait bait mo :)

"Sige salamat. Una na ako ha? Puntahan ka na lang namin ni Andrea dito mamaya. Bye!" sabi ko sabay wave na hands at umalis na.

Pagdating ko sa room wala namang bago. Basta masaya lang ako dahil okay lang kay Mikaella na maging magkaibigan kami. Akala ko talaga susungitan nya pa rin ako.

Madaling natapos ang oras at lunch na. Sabay kami ni Andrea na pumunta sa room ni Mikaella.

"Hi bes!" bati ni Andrea kay Mikaella.

"Hello, ano? Tara na?" sabi naman ni Mikaella nang nakangiti.

"Tara!" singit ko.

Nang makarating kami ng canteen, humanap agad ako ng mauupuan.

"Anong gusto nyong kainin?" tanong ko.

"Kahit kanin at pansit canton lang. Busog pa naman ako e." sabi ni Mikaella

"Uhm, spaghetti sakin." sabi naman ni Andrea.

"Sige, dyan lang kayo ah. Ako na oorder." sabi ko

"Ah teka! Yung bayad ko pala." sabi ni Mikaella

"Di. Treat ko na." sabi ko.

"Wag. Nakakahiya. Oh eto na. Tanggapin mo na." pamimilit nya

"Nonononono." sabi ko

"Hala hindi pede. Mawawalan ka ng pera. Sige na, kunin mo na to." pangungulit nya.

"Ay nako bes, wag ng maarte ha? Thankyou Josh. Sige order ka na. Don't mind her. Shy type ang bruha e." sabay tingin ni Andrea kay Mikaella at inirapan sya. Ibang klase!

At umalis nako. Di ko na pinakinggan ang pamimilit ni Mikaella. Nakakatuwa silang pagmasdan. Napakamahiyain pala talaga nitong si Mikaella eh.

Pagkatapos kong umorder, pumunta agad ako sa kanila.

"Uy thanks Josh. Oh bes yung iyo." At inabot naman nya kay Mikaella yung para sa kanya.

"Salamat talaga Josh ah? Gusto talaga kitang bayaran eh. Nakakahiya kasi sayo." sabi ni Mika.

"Hindi okay lang naman. Magkaibigan naman na tayong tatlo kaya ayos lang. Ang mahalaga, busog kayo." paliwanag ko. At nginitian nya ako.

ANDREA'S POV

Ano kayang nakain neto ni Joshua at biglang nakipag kaibigan samin? May nasesense talaga akong iba e. I have to find it out. At eto namang si bes ayaw pa tanggapin. Masyado kasing mahiyain eh. Hello? Masama kayang tumanggi sa biyaya no.

"Sige bes una na ako. Josh ingatan mo si bes ah? Bye." paalam ni bes. Baka daw kasi malate sya kaya nauna na.

Naiwan kami ni Joshua.

"Uy Joshua, may itatanong ako. Kung ayos lang." sana pumayag sya.

"Ha? Ah oo naman. Ano ba yun?" tanong nya.

Accidentally fall inlove with the wrong guy (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon