Chapter Eight - I care for you

168 7 0
                                    

ANDREA'S POV

Tinawagan ko kanina si Jake. As usual, busy na naman. Palagi naman eh. Kailan ba sya nagkaroon ng oras sa akin? Kahit mga limang minuto lang naman ang hinihingi ko sa kanya hindi nya pa maibigay. I wonder kung paano nya natatagalan matapos ang isang araw ng hindi man lang ako nakakamusta. Naiintindihan ko naman sya. Kailangan naming mag-aral ng mabuti pero nasa satin naman yun kung paano i-manage yung oras natin eh. Isa pa, alam kong challenge lang to sa trust namin sa isa't isa. At buong buo ang tiwala ko sa kanya. Di ko lang matanggap kung bakiy bigla na lang sya nagbago. Di naman sya ganyan noon eh.

Haaay, pinunasan ko na lang ang mga nangingilid na luha sa mga mata ko.

"AY PALAKA!!" sabi kong gulat na gulat. May humawak kasi sa balikat ko.

"Ang gwapo ko masyado para sa palaka. Pero sige, ayos na din." sabi nya.

"BRIX?! A--anong ginagawa mo dito?!" naguguluhang tanong ko.

"Wala lang namamasyal. Ikaw?" andito pala ako ngayon sa isang park at eto kasama ko si Brix.

"W--wala.." ilang kong tanong.

"Asuuus. Eh halatang kagagaling mo lang sa pag-iyak. Boyfriend mo ba?" tanong nya ng nakatingin sa akin.

"Ah.. hindi.." iwas ko. Gosh! Anong ipapalusot ko.

"Kahit di mo sabihin, alam kong dahil yan sa boyfriend mo." sabi nya sabay tingin sa langit.

"B--brix.. wala ba akong kwentang girlfriend?" tanong ko. Hindi ko na kayang itago. Kailangan ko lang ng mapagsasabihan ng sama ng loob.

"Di pa tayo ganun ka-close pero sa tingin ko naman hindi. Mas wala pa nga sigurong kwenta yang boyfriend mo eh." sabi nya.

"Pero.. bakit ganun.." hindi ko alam ang sasabihin ko.

"Kung di mo kayang sabihin sa akin, naiintindihan kita. Basta, kapag nasasaktan ka na ng sobra itigil mo na. Di na kasi pagmamahal yan Andrea, kamartiran na yan." sabi nya. Bat parang tagos na tagos yung mga salitang binibitawan nya?

"Pero.. pero mahal ko sya Brix eh." sabi ko. Oo totoo, mahal ko si Jake.

"Alam ko Andrea, nag-aalala lang ako sayo bilang kaibigan. Alam kong mahirap ang pinagdaraanan mo kaya andito lang ako. I can be your crying shoulder and bestfriend as well." sabi nya ng nakangiti.

"Brix.." bakit ba ganyan ka magsalita.

"All girls should not be an option. They should always be the choice." sabi nya. "Kahit gaano pa ka-busy ang lalaki, gagawa at gagawa ng paraan yan just to talk with his girl." dagdag pa nya.

"Salamat.. salamat sa pagdamay. Kahit na di pa tayo magkakilala alam kong mapagkakatiwalaan kita." sabi ko na lang sa kanya.

"Haha wala yun. Ayoko lang ng nakakakita ng babaeng nasasaktan ng dahil lang sa lalaki." sabi nya.

"Sige, mauna na ako. Kailangan ko ng umuwi. Salamat ulit." sabi ko. Pero may inabot syang panyo atsaka umalis na. Para saan naman kaya tong panyo na to? Teka may nakasulat sa gilid.

"Smile. You're beautiful. - Brix"

Automatic akong napangiti noong mabasa ko yun. Di ko alam pero parang ang lakas ng dating nun sa akin. Bakit kaya ganyan sya? Bakit parang alalang alala sya sakin? Di naman kami magkaano-ano. Kakakilala ko pa nga lang sa kanya eh. Pero salamat na din at nandyan sya.

Pagdating ko sa bahay, nadatnan ko si bes. Ano namang ginagawa nya dito? Namiss siguro agad ako.

"Bes saan ka galing? Kanina pa ako tumatawag pero nakapatay ang phone mo. Ano bang nangyari? May problema ba?" isa pa tong babae na to. Grabe mag-alala eh.

"Ayos lang ako bes. Nagpahangin lang sa labas." sagot ko.

"Bakit? Naputulan na ba kayo ng kuryente?" ay shunga. Loko ka bes ah. Ang yaman yaman ko kaya like duuhh.

"Ano ka ba? Hindi noh! I mean, para maiba naman ang view." eh bat parang di sya naniniwala?

"Kay Jake na naman ba?! seriously? Ganun ba ako ka-obvious?

"Bes.." sabi ko.

"Bes, di ka naman lumalabas ng hindi ako kasama kung wala kayong problema ni Jake eh. Kasi ayaw mong makita ko na nasasaktan ka. Kilala na kita so tell me, anong problema?" sabi nya. So ayun, wala akong ligtas kundi magkwento. Kahit kailan talaga talo ako dito kay bes eh.

At yun, kinuwento ko nga lahat ng nangyari. Kahit pati yung kay Brix kinwento ko na. #Rule1 kasi naming mag-bestfriend ang 'No secrets' kaya nagkwento ako. Ayokong maging unfair sa kanya noh.

"Bes sorry kung di kita nasundan kanina. Wala ako sa tabi mo. Im sorry." sabi nya.

"Walayun bes ano ka ba? Okay naman na ako. Naiintindihan kita." sabi ko.

"Kailangan ko palang magpasalamat kay Brix nyan." sabi nya.

"No need. Nagawa ko na bes." sabi ko.

"Pero iba parin pag sakin nanggaling diba? Para mas malaman nya kung gaano ka nya napasaya." sabi nya. Oo sige, ikaw na mapilit bes :)

"Pero anong gagawin ko sa panyong ito bes?" tanong ko.

"Itago mo. Binigay nya yan sayo kaya dapat lang na ingatan mo." oo nga naman.

"Sige, iingatan ko to." Sabi ko.

Accidentally fall inlove with the wrong guy (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon