Chapter 32 - Hatemate

84 5 0
                                    

Mikaella.

"Welcome, Aubrey." bati ng lahat ng kaklase namin sa kanya.

Kalilipat lang nya dito sa section A, sa section ko. Nakakagulat pero alam ko namang hindi na 'yon imposible kasi mayaman sya at hindi sya matanggihan ng mga namumuno sa paaralang ito.

"It's nice to be here. I hope we can be friends?" sabi nya kasama ng isang napakatamis na ngiti.

Oo, maganda si Aubrey. Sopistikadang babae dahil na rin siguro sa mayaman sya. Maputi at makinis ang balat nito na alam mong ingat na ingat. Maganda at makintab ang buhok nyang hanggang balikat. She's so really pretty.

"Sit at the back of Ms. Aragones. The girl beside Mark." turo ng aming teacher sa likod ko.

"Than you." sabi nya tsaka tumingin sakin. Isang matalim na tingin. Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan. Parang may masamang aura na pumalibot sa buong classroom.

"You okay?" tanong ni Mark habang nakatingin sa'kin.

Tumango na lang ako bilang sagot.

"So, you're Mikaella right?" hindi ko napansin na nakaupo na pala sya sa likod ko.

"Uhm, oo." ewan ko ba pero parang may mali yata.

"Okay." sabi nya tsaka ibinaling ang tingin sa seryosong mukha ni Mark.

"Hey! I'm happy that you're here." sabi nya kay Mark.

"You already knew it." pagsusungit ni Mark. Teka, bakit parang may pagitan sa kanilang dalawa? Tsaka magkakilala na sila? Paano? Ugh. Ano bang pake ko.

"Since, students day is coming we'll going to have a program. Each room will going to choose their female represantitives." deklara ng aming guro.

Wala namang bago. Taon taon nagkakaroon ng ganyan kada students day. Pipili sa isang classroon kung sino ang magrerepresent sa kanila at ang lahat ng mapipili ay silang maglalaban laban.

"And our representative is Ms. Aragones." halos malaglag ang panga ko sa narinig ko? Is it real? Nananaginip ba ako? Hindi ko pinangarap mapasali sa ganitong contest kahit kailan.

"Per--." naputol ang sasabihin ko ng biglang tumayo si Aubrey mula sa likod ko. Natahimik ang buong klase.

"I'm the one who is going to represent this class!" sigaw nya. Tila natigilan ang aming adviser.

"But Aubrey, I chose he---."

"No. I said no." pagpipilit ni Aubrey.

"Stop it, Aubrey." mahinahong saway ni Mark na nakaupo pa rin. Bigla naman akong nagtaka. Parang may iba talaga sa kanilang dalawa.

"M-mark?" naguhuluhang sabi ko. Lumingon sa sakin saglit tsaka ibinaling ang tingin kay Aubrey na nakatayo pa rin.

"Don't make a mess, Aubrey." nagulat naman ako sa sinabi ng isang 'to.

"But why? She's nothing compared to me." sigaw ni Aubrey. Pero anong problema nya? Bakit nya sinabi iyon?

"I said, stop." seryoso nyang sabi. Kinakabahan na ako. Ano ba talagang big deal dyan sa contest na iyan. Ayaw ko at gusto ni Aubrey bakit hindi na lang sya?

Pagkasabi ni Mark 'nun ay agad na lumabas ng classroom si Aubrey. Nagmamadali. Pero bago iyon, tiningnan nya muna ako ng masama. Ano ba talagang meron?

"I'm sorry." mahinahong tanong ni Mark sakin.

Hindi ako nakasagot. Hindi ko alam ang irereact.

"She's a brat. I'm really sorry." pagpapatuloy nya. Brat?

"A-anong problema nya? G-galit ba sya.. sa akin?" naguguluhang tanong ko.

"Don't mind her." sabi nya tsaka umiwas ng tingin.

"S-sir, pwede naman pong si Aubrey na lang 'yung---." hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil kay Mark.

"No. You'll going to represent our class."

Napanganga ako sa sinabi nya. Anong ibig nyang sabihin. Natapos na ang klase pero hindi pa rin nakakapagdesisyon ang adviser namin kung sino ba sa amin ni Aubrey ang magrerepresent ng class.

Pero wala namang kaso sa akin kung hindi ako ang mapipili. Sa totoo lang, ayoko naman talagang ako ang mapili dahil hindi naman ako mahilig sa mga ganyan.

"Let's go." narinig kong sabi ni Mark pero hindi ako sigurado kung ako ba iyong kinakausap neto. Lumingon ako pero kaming dalawa na lang 'yung nandito.

"Wala ka bang balak umuwi?" dagdag pa nya. Ako pala talaga ang kausap nya.

"Uhm. Ah s-sorry." sabi ko tsaka inayos ang gamit ko at tumayo.

"Tara na. Baka naghihintay na sila sa atin." sabi nya habang sinusuot 'yung bag nya.

Nilibot ko ng tingin ang classroom.

"Teka, si Janine?" sabi ko ng hindi ko sya makita.

"Nauna na. Nagmamadali. Hihintayin naang raw nya tayo sa bench." paliwanag nya.

Naglakad na kami palabas ng classroom. Baka mainip na iyong mga iyon doon eh.

"Uhm mark.." hindi ko alam pero parang dapat akong humingi ng tawad at magpasalamat doon sa nangyari kanina.

"Yes?" sabi nya tsaka ako nilingon.

"Sorry and.. thank you." iyon na lang ang nasabi ko sa kanya.

Accidentally fall inlove with the wrong guy (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon