Chapter Thirteen - Friends?

120 8 0
                                    

MIKAELLA'S POV

Pagdating namin ni bes ng school, nagsisiakyatan na. Wala naman kasing FlagCeremony ngayon dahil Thursday.

"Bes, dito na ako ah. Bye! See yah later" sabay beso. Nasanay na syang ganyan kahit ayaw ko talaga.

Naglakad na akong mag-isa papuntang classroom. Kaso may nakasalubong ako.

"Uhm. Hi." bati ni Mark. Wow! Himala di masungit.

"Hello." tipid kong sagot. Medyo naninibago kasi talaga ako sa kanya. Siguro dahil dun sa ginawa ko.

"Pwedeng sumabay?" at sasabay pa?

Anong meron ngayon?

"Oo naman." at nakarating na nga kami ng classroom. Eh teka, bakit ganyan kung makatingin sa akin ang mga classmates ko. Parang anytime eh kakainin ako ng buhay.

Siguro dahil kay Mark. Tong lalaki naman kasing to eh.

Pagkaupo namin, medyo natahimik ang loob ng classroom. At yung mata nila mas lalong tumatalim. Teka ano bang kasalanan ko? Masama na bang makasabay ang nilalang na yan?

"Wag mo na lang silang pansinin." narinig kong sabi nya.

"Di ko sila maintindihan." sagot ko. Para naman kasing isa akong kriminal sa ginagawa nila.

"Basta magkaibigam na tayo ah?" oo naman. Magkaibigan naman tayo eh. Mag---ANO?! KELAN PA?!

"Huh? Kelan? Bat diko alam?" nakapagtataka.

"Ano bang date ngayon? Tss. Kahit kailan ka talaga." tingnan mo to. Sungit na naman.

"So it means dimo nako susungitan?" nakangiti kong tanong.

"Wala akong sinabing ganyan." ano? Ang daya naman.

"Included na yun. May magkaibigan bang nagsusungitan?" pangungulit ko.

"Meron na ngayon." ano kaya yun.

"Tss. Bahala ka na nga." sagot ko. Ang gulo nya naman kausap.

At dumating na si Ma'am. Hindi ko na ulit kinulit si Mark. Mamaya na lang pag-uwi. Hahaha magkaibigan pala huh? Ganyan ba sya makipagkaibigan? Nakikipagsungitan? Baduy naman nun.

Lunch break.

"Bessss. Tara baba na tayong canteen." yaya nya.

"Bakit ba madaling madali ka?" tanong ko.

"Uhm.. w-wala naman.." saka naman sya nagblush. Aha!

"Si Brix ba?" sabi ko sa tonong pang-aasar.

"Uy! Hindi ah.. h-hindi noh!" obvious ka na. Huli ka :p

"Defensive." sabi ko sabay ngiti.

"Andun na kasi sila sa baba. Antayin na lang daw nila tayo." ayan di na sya nauutal magsalita.

"Ganun ba? Sige tara na." sabi ko. Akmang lalakad na sana kami ng biglang may tumawag saakin.

"Wait Mikaa! Sasabay ako pagbaba!" paglingon ko sa likod si Mark ang nakita ko.

"Oh bakit?" tanong agad ni bes.

"Wala na kasi sila Xander sa room nila. Kaya sasabay sana ako sainyo bumaba." sabi naman ni Mark.

"Ah sige. Sabay ka na samin." sabi namanni bes. At bumaba na kami.

Pagdating namin dun nagtatawanan sila.

"Oh ayan na pala sila Andrea eh." panimula ni Brix. Ehem! Napalingon tuloy ako kay bes.

"Namiss kita Mika." sabi ni Joshua.

"Mukha mo. Joke lang :) ako din naman." sabi ko.

"Sus. Crush mo lang ako eh." pang aasar nya.

"Oy kapal mo ah. Binabawi ko na." kaasar to ah. Assumero.

"Ako na oorder." prisinta ni Mark. Oh bakit biglang nag-iba ang mood nun? Napakabipolar talaga. Hirap intindihin.

"Teka Mark sasama na ako." dagdag pa ni Xander.

At umalis na sila. Laging magkasama tong si Mark at Xander. Si Nathan naman bookworm. Basa ang ng basa. Ang Genius Prince ng campus. Si Brix naman ang Playboy Prince ayun katabi ni bes. Nagbablush na ang bestfriend ko :) si Joshua naman ang Naughty Prince. Alam na kung bakit naughty :D si Xander naman ang Cool Prince. Bukod sa magaling magbasketball, may respeto eh magaling din mag-advice. Si Mark naman ang tinaguriang Ultimate Prince. Lakas makafairytale ng mga ito. Samantalang kami ng bestfriend ko simpleng estudyante lang.

Pagdating nila Xander, kumain na kami.

"Angsh sharap naman nyetorh" sabi ni Joshua habang ngumunguya.

"Nguyain mo muna at lunukin yan." saway ko. Ang bastos kasi eh.

Nagtawanan na lang lahat. Pati si Joshua natawa na din. Ang kulit kasi. Akala mo bata.

MARK'S POV

Ang saya saya ko ngayong araw na to. Ngayong araw nato kami naging magkaibigan ni Mikaella. Kahit na lagi ko syang sinusungiran eh naiinis na ako sa kanya. May pagkastupid at slow lang kasi minsan.

Accidentally fall inlove with the wrong guy (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon