Chapter 20 - Miko's birthday

187 7 0
                                    

Sunday, June 14.

Kaarawan ng napakapogi kong kapatid. Five years old na ang baby Miko ko. Papasok na sya ng school. Ang saya saya ko para sa kanya. Syempre, bilang isang ate masaya ako kapag makikita kong nag-aaral na sya.

"Anak, halika na." narinig kong tawag ni Mama mula sa kusina.

Agad naman akong bumaba dahil kailangan ko nang tulungan si mama sa paghahanda para sa kaarawan ni Miko.

"Goodmorning bes!" masayang bati ni bes. Bakit ang aga nya? "Hello? Kaya ako nandito para tumulong. You know, hahaha." napansin nya naman yung tingin kong parang nagtataka.

"Hahaha, okay okay. " sabi ko sabay hila sa upuan para umupo at kumain ng almusal.

"Nga pala bes, anong gusto mong gawin natin para sa birthday party ng little brother mo?" tanong nya habang umiinom ng kape.

"Gusto ko yung mag-eenjoy sya." reply ko saka tumingin sa kapatid kong busy sa pagkaim ng tinapay.

"Aha! Bright idea!" sabi nya ng nakaturo pa ang daliri sa may gilid ng noo nya.

"Jimmy Neutron?" tanong ko naman.

"Whatever." sabi nya with her famous irap. Hahaha

"Oh mama kami na po Andrea ang bibili ng mga lulutuin." prisinta ko.

"Sige anak. Eto yung listahan at yung pera." tsaka naman inabot ni mama yung pocket notebook tsaka yung perang gagamitin namin. Sa tantsa ko mukhang sosobra ito.

"Aalis na po kami tita. Thanks sa foods." paalam naman ni bes.

"Osya, mag-iingat kayo. " tugon ni mama.

Gamit namin ang sasakyan ko. Pero si bes yung nagdrive para di raw ako mapagod. Sus alam ko naman na hilig nya talaga ang pagdadrive.

Pagkatapos naming bilhin lahat ng mga kailangang bilhin ay pumunta na kami sa sasakyan.

"Kumpleto na ba lahat?" tanong sakin ni bes nang makaupo sya sa harap ng manibela.

"Oo, nacheck ko na. Wala namang kulang." sabi ko habang tinitingnan yung pocket notebook na binigay sakin ni mama.

At pinaandar na nga ni bes yung sasakyan. Malayo pa ang byahe namin. Traffic pa. Naisipan kong magtanong.

"Bes.. " panimula ko.

"Oh bakit?" sabi nya habang nakatingin sakin. Nakahinto pa naman yung sasakyan eh.

"Yung kay Jake.. sorry kung wala ako sa tabi mo nung brineak ka nya. Pasensya talaga.." bakit ba kasi hindi nya ako tinext or tinawagan man lang.

"Ah yun ba.." biglang nag-iba yung aura nya. "Naiintindihan ko. Kasama ko pala si Brix nun. Nadatnan nya akong umiiyak. Nakakahiya talaga. Pero kinomfort nya ako." paliwanag nya. Buti na lang andyan si Brix.

"Sorry talaga. Wag mo na masyadong isipin si Jake. He's not worth for your love. Wala syang kwenta. Pero bes, wag kang magtanim ng galit o kahit maging bitter. Hayaan mo lang lilipas din yan. Maybe the both of you are not destined for each other. May darating din dyan. Just wait and be patience." payo ko sa kanya.

"Hugot bes. Haha, salamat sa advice mo. Natauhan ako. Kahit talaga pagdating sa advice expert ka. Pero wala ka pa namang experience." medyo napangiti ko na sya.

"Di man mahalaga kung may karanasan ka man o wala. Nasayo na yun kung paano mo ihandle ang isang bagay." paliwanag ko.

"Yeah. But experience is the best teacher, remember?" sabi naman nya.

"May point ka dun. Pero ang mahalaga, marunong kang magdala." sabi ko. Napapalalim na yung usapan namin.

Maya maya, umandar na ang sasakyan. Natahimik na lang kaming dalawa. Pero may soundtrip kami para hindi kami mabored pareho.

Accidentally fall inlove with the wrong guy (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon