Chapter 29 - Bipolar Mark

119 5 0
                                    

MIKAELLA'S POV

Bakit kaya ganyan si Mark? Napakabipolar nya. Hindi mo malaman kung ano ba talagang tumatakbo sa isip nya. Ang hirap ma-predict eh. Minsan, kakausapin ka. Kapag kinausap mo naman, sasagutin ka ng pilosopo. Minsan, mang-aasar pa. Lakas mangtrip.

Pero minsan, nacucurious rin ako sa kanya. Parang gusto ko syang kausapin. Yung usapang matino. Kasi parang may iba sa kanya eh. Di ko lang matukoy kung ano yun. Tsk. Hay nako, bakit ko ba sya pinag-aaksayahan ng oras.

Walang masyadong nangyari sa room. Medyo boring. Pero ayos lang. Marami pa rin naman akong natutuhan eh. Eto uwian na at kasukuyan akong nagliligpit ng mga gamit ko.

"Hi Mika." narinig kong sabi ni Janine mula sa likuran ko. Humarap ako sa kanya para naman makausap ko sya ng maayos.

Ang ganda nya. As in maganda talaga sya. Ewan ko ba kung bakit hindi ito mapansin ni Nathan. Kahit naman hindi sabihin o aminin ni Janine, alam ko at nakukutuban kong may pagtingin o paghanga sya kay Nathan. Inililihim lang nya ito.

"Oh hello! Tara, sasabay ka ba sa akin umuwi?" tanong ko.

"Uhm, iyon sana ang sasabihin ko sa'yo Mika." sagot nya.

"Oh? Bakit? May problema ba?" pag-aalala ko.

"Wala naman. May lakad lang kami ni Mom. Pasensya na talaga kung hindi kita masasabayan."bigla namang lumungkot ang mukha nya.

"Nako. Ayos lang iyon, ano ka ba naman. Wala iyon." pagpapanatag ko sa kanya.

"Ang bait mo talaga Mika. Salamat!" sabi nya saka ngumiti.

"Sige na. Baka maiwanan ka pa. Ingat ka!" pamamaalam ko.

"See you!" sabi naman nya.

Uhm. Paano ba iyan wala si Janine. Eh nasaan naman kaya yung bestfriend ko? Hay. Makapunta na nga lang sa room nila.

"Beeeeeeees!" alam ko na kung kaninong sigaw iyon.

"Grabe naman ito. Isang taong hindi nagkita bes? Haha." pagbibiro ko.

"Eh. Kasi naman eh." sabi nya tsaka nagpout. Ang cuteeee!

"Aray! Ang sakit naman." reklamo nya habang hawak iyong pisngi nya na kinurot ko ng mahina. Hahaha. Kasalanan mo iyan.

"Oo nga pala, hindi sasabay si Janine sa pag-uwi. May lakad sila." pag-iiba ko ng usapan.

"Oh? Ganoon ba. Ako rin eh. May gagawin pa kasing research paper. Kailangan ko na matapos iyon para maipasa ko na." paliwanang nya.

"Ah ganoon ba? Ayos lang naman iyon bes." sabi ko.

"Sorry talaga. I'll treat you after this para makabawi ako sa'yo. Labyu bes!" sabi nya tsaka hi-nug ako ng mahigpit. Sobrang higpit.

"Uhm. Oh- ahm. Bes! Di na ako makahinga.'' hindi na kasi ako makahinga sa ginagawa nya. Hahaha

"Ah. I'm sorry. Hehe." sabi nya tsaka inalis ang pagkakayakap. Whoh! Haha. "Sige na. Alis na ako! Bye! Labyu!" dagdag nya tapos ay umalis na.

Haaaay. Wala ang dalawang Girlfriends ko. Maiiwan ako kasama ang mga lokong iyon.

Di bale na nga.

"Oh Mika, bakit nag-iisa ka?" nakakagulat naman itong si Kuya Xander.

"Uhm. Di kasi sasabay sila bes at Janine sa atin sa pag-uwi eh." paliwanag ko sa kanya.

"Kami rin ni Brix. May bibilhin daw sya eh. Only for boys." sabi naman nya.

"Eh bakit dalawa lang kayo?" tanong ko.

"Ah kasi may hindi pa natatapos sagutan na quiz si Joshua. Hindi rin sya makakasabay." pagpapiwanag nya sa akin.

"Ah, okay." tipid na sagot ko. "Eh si Nathan?" dagdag ko.

"Magtatagal pa raw sya sa library eh. Ilang oras rin iyon." sabi nya.

"Lahat pala kayo may gagawin. Ingat na lang kayo sa pag-uwi nyo." sabi ko. "Sige, una na ako." pamamaalam ko.

"Teka lang. Si Mark pala walang gagawin. Mabuti pa sumabay ka na lang sa kanya." sino? Ako? Sasabay doon? Huh. Wag na!

"Ah hindi na. Ayos lang ako." sabi ko. Ayaw ko nga.

"Nako. Wag na matigas ang ulo. Delikado sa babae mag-isa. Sige na, tinext ko na si Mark. Hintayin mo na lang sya dito. Bye." hindi nga. Kaya ko naman.

"Ah teka sand---" hindi ko na sya naabutan. Nako naman.

Makaupo na nga lang sa bench. Ang ganda ng school na ito. Ang payapa. Nakakapang pawala ng stress. Ang presko pa ng hangin. Masarap magmuni muni at mag imagine.

Naalala ko tuloy bigla si papa. Haist. Kamusta na kaya sya? Sobrang miss ko na sya. Miss ko na ang boses nya. Ang kiss nya. Ang yakap nya. Ang pagbibiro nya. Ang amoy nya. Ang mukha nya. Ang lahat lahat sa kanya. Parang kalahati ng buhay ko wala at hindi na mabubuo kailanman. Tsk! Eto na naman ako sa weak side ko.

Teka. Nasaan na ba yung kumag na Mark na iyon? Napakatagal. Parang pagong -_- ilang minutes na akong naghihintay dito. Siguro iniwan na ako ng epal na iyon.

Makapaglakad na nga lang. Bakit ganoon? Parang may sumusunod sa akin? Kinakabahan na ako. Natatakot akong humarap sa likod baka kasi kung sino iyong makita ko. Hala! Okay. Maglalakas loob na ako para mawala na itong kaba at takot na nararamdaman ko.

"MARK?!" nakakagulat lang. Akala ko kasi kung sino na iyong sumusunod sa akin eh.

"Para ka namang nakakita ng multo. Wag ka ngang sumigaw pwede ba?" irita nyang tanong. Eh kasi naman nakakagulat talaga.

"Bakit mo ako sinusundan?" mamaya kung ano na ang balak nito sa akin eh.

"Hindi kita sinusundan, okay?" okay. Okay.

"Eh bakit dito ka dumaan?" tanong ko.

"Eh malamang daan ito. Hindi mo naman siguro pagmamay-ari ito diba?" pilosopo nyang sagot. Psh! Kahit kailan talaga.

"Okay. Okay." nakakaasar talaga -_-

Nanahimik lang kami habang naglalakad. Nakaearphones rin naman sya kaya nakakatamad makipag-usap. Napakasungit pa.

"Bakit dito ka dadaan?" tanong ko.

"Eh kasi nga daanan ito." ayan na naman sya sa napakatinong sagot nya -_-

"Hindi ka naman dati dumadaan dito eh? Mapapalayo ka pa." sabi ko.

"Bawal na ba?" Kaazar talaga. Okay, ayokong makipagtalo sa kanya.

Nagpatuloy na lang kami sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa bahay ko. Nakakapagtaka kasi dumaan sya sa dinadaanan ko kahit na mapapalayo sya. Bakit kaya? Tss bahala na sya buhay nya. Ayoko ng magtanong dahil ayoko ng makipagtalo pa. Nonsense.

Accidentally fall inlove with the wrong guy (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon