Chapter 22 - Come back

116 6 0
                                    

MARK'S POV.

Bakit kaya dito na din nag-aaral si Aubrey? Kahit kailangan may pagkabratinela pa din sya. Spoiled eh. Di pa rin sya nagbabago.

Sya yung first crush ko noon. At kumalat yun sa buong school dahil nga sikat kami. Nalaman nya. Simula nun lagi nya akong pinupuntahan saan man ako nandon. Minsan, pakiramdam nya kami. Yung umaasta syang parang girlfriend ko. Malaki ang pinagbago nya. O siguro mali lang talaga ako ng pagkakakilala sa kanya.

Nagiging over acting na sya. Inaaway nya lahat ng mga babaeng napapalapit sakin. At dahil nga sikat at kilala sya bilang "The Campus Freaking Princess" eh lahat takot sa kanya.

Nagsisisi akong nalaman nya ang bagay na yun. Nagbago na sya. Dahil don, hindi ko na sya gusto.

"Hey dude!" sabi ni Xander na tumabi sakin habang kumakain pa ng Clover chips.

"Oh bakit pre?" tanong ko naman. Nakakagulat kasi.

Andito kami ngayon sa Coffee shop malapit sa school.

Yun ang dahilan kung bakit unti-unting nagbago yung nararamdaman ko para sa kanya.

"Pare, dito na pala nag-aaral si Aubrey noh?" tanong nya.

"Oo nga." tipid kong sagot.

"Naaalala ko pa lahat ng mga pangyayari noon." biglang sumeryoso ang mukha nya. Alam nilang apat ang mga kaganapan noon. Naaalala ko naman. Hays.

"Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip nya at dito sya nag-aral." sabi ko. Hindi ko talaga alam eh.

"Obvious naman na ikaw ang habol nya eh. Sana lang wala syang gawing masama ngayon." sabi naman ni Xander. Kilala kasi nila ang ugali ni Aubrey. Lalo na pag hindi nya nakukuha ang gusto nya.

"Sana nga. " sabi ko naman habang nakatanaw sa labas.

Hindi ko alam pero parang nakita ko si Mikaella na dumaan. Pinaliit ko pa ang mga mata ko para masiguradong sya nga ang nakita ko. At hindi naman ako nagkamali. Pero saan naman kaya sya pupunta? Ano kayang gagawin nya? At ano namang pakialam ko. Psh.

"Si Mikaella ba?" tanong naman ni Xander ng nakangisi. Loko -_-

"Hindi ah." iwas na sagot ko. Parang ewan naman kasi to eh.

"Napaghahalataan ka. Wag masyadong obvious pre." isa pa. -_-

"Tara na nga. Uuwi na ako." yaya ko. Nakakaasar kasi. Kung ano ano iniisip nya.

Pero nakita ko talaga si Mikaella eh. Alam kong sya iyon. Hindi ako pwedeng magkamali.

XANDER'S POV.

Naku. Pikuning Mark. Haha, nasa indenial stage pa sya ngayon. Tatanggi pa eh halata na nga. Ako pa niloko nya? Lakas yata ng instinct ko pagdating sa mga ganyang bagay.

Habang naglalakad ako pauwi, nakasalubong ko si Aubrey. Speaking of.

"Hi Xander. Where's Mark?" bati nya sa akin.

"Uhm. Di kami nagkita ngayon eh." di na nya dapat malaman.

"Oh I see. Nga pala may tanong ako." maarteng sabi nya.

"Ano yun?" tanong ko.

"May girlfriend na ba si Mark?" diretsang tanong nya. Expected ko ng tatanungin nya to.

"Wala. At wala syang balak." sagot ko.

"He won't do that. I know, patay na patay pa din sya sakin." ang taas naman ng confidence nya para sabihin yun pagkatapos ng lahat.

"Sige. I'll have to go. Nice to see you again, Aubrey." paalam ko. Wala ako sa mood para makipag-usap sa kanya.

"Okay. I'll hope na makapagbond ulit tayo." sabi nya tsaka umalis.

Feel nya bang mag-eenjoy kaming kasama sya? Di naman sa minamasama ko ang pakikipagkaibigan nya pero kasi hindi na nya maibabalik ulot yung dati. Sa lahat ng mga ginawa nya.

Accidentally fall inlove with the wrong guy (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon