Chapter 33 - Protect

62 4 5
                                    

Mark.

"Sorry and.. thank you." naiilang nyang sabi sa akin.

Nandito na kami sa canteen kasama ang tropa. Hanggang ngayon hindi pa rin maalis iyan sa isipan ko. I don't know. I just can't forget. Damn! Whats happening to me?

Si Mikaella? Maganda sya, oo totoo iyon. Lagi nyang dinedeny pero basta maganda sya. Simple lang syang babae. Kapag tinitigan mo, mas lalo mong makikita ang kagandahan ng maamo nyang mukha.

Napakainosente nya rin. Iyong tipong kahit na minsan masungit sya sakin, hindi pa rin maiaalis da kanya iyong pagiging mabait nya. Actually, sa akin lang sya ganyan.

And 'bout Aubrey? She's a freaking bitch. I hate her when she tries to be bad at Mikaella. I don't know why. Pero iyong nangyari kanina, parang may kusang nag-utos sa sakin na ipagtanggol sya sa babaeng iyon.

Ugh! Why am I thinking about her?! Naguguluhan na ako.

"Hey dude?" siko sa akin ni Brix.

"Oh?" nagtatakang tanong ko.

"Kanina ka pa pre-occupied Mark. Anong meron?" nag-aalalang tanong naman ni Andrea na katabi ni Brix sa kanan nya.

"Wala. Gutom lang 'to." palusot ko.

"Kumain ka na pre." seryosong sabi naman ni Xander na nasa harapan ko.

Nagsimula na kaming kumain lahat. Hindi ko maiwasang hindi mapatingin kay Mikaella. Ang dami nyang pagkain. Matakaw pala 'to. Kaso hindi naman tumataba.

Napatingin rin sya sa akin. Napansin nya siguro ako. Sabay kaming nag-iwas ng tingin. Bakit ganun, parang namula sya?

"I have to go. May tatapusin pa akong assignments eh." pamamaalam naman ni Janine.

"I'll go with you. Bye guys! Bye bes." sabi naman ni Mikaella tsaka bineso si Andrea at nagmamadaling umakyat.

"Ah bros, aakyat na rin kami ni Andrea." maya maya nagpaalam na rin si Brix. Anong meron sa kanilang dalawa?

"Sabay na kami ni Nathan. Kayo Xander?" tanong naman ni Joshua na may bitbit pang pagkain. Tsk takaw talaga.

"Mamaya maya na ako." sagot ni Xander tsaka ako tiningnan na parang may pag-uusapan kaming dalawa.

Umakyat na sina Joshua at naiwan kami dito ni Xander. May pag-uusapan talaga kami nitong isang ito.

"Kamusta na kayo?" tanong nya tsaka uminom ng cobra.

"What?" naguguluhan kong tanong.

"Ni Aubrey. I heard classmate mo sya? So, ayos lang ba?" tanong nya.

"Actually, no." diretsa kong sagot. "I think, hindi nya gusto si Mika." dagdag ko.

"Paanong hindi gusto?" tanong ulit nya.

Kinwento ko sa kanya ang lahat. Malaki ang tiwala ko sa kanya kaya alam kong kilalang kilala nya na ako.

"She's just insecured." sabi nya.

"For what?" tanong ko. Bakit naman sya maiinsecure.

"Because of you. Maybe she thinks that you like Mika." sabi nya. "Besides, maganda si Mika. Naiinggit lang yon." pagpapatuloy nya.

Hindi ko pa rin magets eh. Ano bang pumasok sa utak ng Aubrey na iyan. Tss.

"You take care of Mika, bro." seryoso nyang sabi. Take care of her? Why would I?

"Baka pag-initan sya ni Aubrey. Kilala mo sya. Masyadong mabait si Mika para lumaban. You'll do it for her." dagdag pa nya.

Naguguluhan na talaga ako. Pero paano nga kung totoo lahat ng 'yun? What if saktan ni Aubrey si Mika? Hindi pwede. I'll protect her. What? Ano bang pinagsasasabi ko? Ugh. Whatever, I'll protect her.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 06, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Accidentally fall inlove with the wrong guy (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon