Chapter Five - Out of the blue

214 10 2
                                    

[Author's note : Andami pong nagrereklamo. Mikaella na lang daw wag na Mike. Baduy daw eh. Hahaha! Oh hayan! Masaya ka na dyern. XD]

-*

MIKAELLA'S POV

Nandito ako ngayon sa Mall. Walang pasok kaya naisipan kong gumaka mag-isa. Wala si bes eh. Ayun! Busy sa boyfriend nya. Ewan ko ba dito. Buti at maluwag si Tita sa kanya.

Naalala ko si Joshua. Bat kaya parang may kakaiba sa taong yun? Napakapalabiro nya. Yung tipong kahit sinusungitan ko sya, nagtyatyaga pa din sya. Masarap syang maging kaibigan sa totoo lang.

"ARAAAY!" sigaw ko nung may bumunggo sakin at napaupo ako.

"Matuto ka kasing tumingin sa dinadaan mo." aba? Ako pa? Alam na nyang di ako nakatingin bat dina lang sya ang tumabi? Teka parang pamilyar ang boses na yun ah. Pag-angat ng mukha ko..

"MARK?!" as in napasigaw ako. Sya na naman? Palagi na lang!

"Do you really need to shout?" nakuha pa nyang magtanong?

"Masama?" irita kong sabi. Titingnan na lang ba nya ako? Di man lang sya magsosorry? Ganyan ba talaga sya ka GENTLEMAN? "Hoy Mister! Di ka ba man lang magsosorry?" tanong ko.

"Wala akong kasalanan." tipid nyang sabi. Sabay lagay ng dalawang kamay sa mga bulsa ng pants nya at nagsimulang maglakad. Bastos nga!

MARK'S POV

Kasalanan ko bang di sya tumitingin sa dinadaanan nya? Bulag ba sya? Di naman ako kasing liit ng langgam para di nya makita. Badtrip talaga tong babaeng to.

Tinext kasi ako ni ate Karylle kaya kasalukuyang nasa Mall ako. Kakain lang daw kami kasama si Kuya Zack. Boyfriend nya. Bat kasi kailangan isama pako sa date nila?

"Mark! Long time no see." bati ni Kuya Zack sakin. Kakauwi nya lang kasi galing States.

"Oo nga kuya Zack eh. Haha" gwapo pa rin sya. Pero mas gwapo ako.

"Oh kumusta Mark? Pasensya na kung naistorbo kita ha?" sabi naman ni ate.

"Wala naman kaming pasok ngayon and besides, bored din ako sa bahay. Kaya okay lang." paliwanag ko.

"Tara kain na tayo. Mukhang mahaba-habang usapan to eh." sabi ni Kuya Zack.

Habang kumakain, ayun ang sweet nila sa harap ko. Lakas maka PDA.

"Mark, wala ka pa bang girlfriend?" tanong ni Kuya Zack. Seroyoso? -_-

"Naku baby, kahit pa madaming nagkakandarapa dyan, may plano yatang tumandang mag-isa." pang aasar ni ate.

"Mahina ka. Mark hahaha" isa pa tong si Kuya Zack.

"Basta kung meron na, just tell me okay? But don't forget your studies." sabi ni ate.

At nakauwi na rin sa wakas. Umuwi na si Kuya Zack. Nadatnan ko si Mommy tsaka yung Step Dad ko na nanonood ng Tv. Oo, diko sya totoong daddy. Nung namatay ang daddy ko dahil sa Car Accident, nag-asawa ulit si Mom. Ayos lang naman samin ni ate basta di sya sasaktan. Sabi ni Mom, may asawa daw si Dad at may dalawang anak. Pero di namin kilala. Kung minsan nga gusto ko silang makita eh para makapagsorry man lang. Di birong maiwanan ng pamilya ah. Alam kong masakit yun para sa kanila.

JOSHUA'S POV

Yipee! Momday na ulit. Makikita ko na ulit si Mikaella. Hahaha! Wag green.

Natanaw ko agad sya sa may gate. Ang ganda nya :)

"Pst! Uy! Bat nakatulala ka dyan?" nabuhayan ako nung marinig ko boses ni Mikaella.

"Ah.. eh.. sorry! Hehe ^_^" nauutal kong sabi. Naaaaay! Bat ganto?

"Goodmorning paka" bati nya. Totoo bato? Kiligmats *^_^*

"Mas maganda ka pa sa umaga" bulong ko.

"Ha? Ano yun?" tanong nya.

"Ah. Huh? Ah wala. Good morning. Tara hatid na kita." nasan nga pala si Andrea?

Nakarating na ako sa room. Shempre, hinatid ko muna sya. Kaklase ko pala si Andrea yung bestfriend nya.

MARK'S POV

Bat kaya hinatid pa nitong Joshua na to si Mikaella? Di naman sya bata para mawala nuh. Ewan ko sa kanila.

Umupo na si Mikaella sa tabi ko. Naka-earphones agad. Nakakaasar talagang katabi to.

Walang gaanong ginawa. Lunch na pala. Ang bilis ng oras. Di ko namalayan.

Paglabas ko ng room, sila Xander, Brix at Nathan lang ang nakita ko. Teka, asan si Joshua? Paglingon ko sa room wala din si Mika. Di kaya magkasama sila? Psh. I don't even really care.

"Pre nauna na si Joshua kasama sila Mikaella at Andrea." sabi mi Xander

"Tara pre, tambay tayo sa bench malapit sa court." yaya ni Brix. Sumama na lang ako. Mahaba pa naman yung time eh.

Pagdating namkn dun si Brix puro mga babae kasama. Napakachicboy talaga neto. Si Nathan naman busy sa kakabasa kaya kami lang ni Xander ngayon dito.

Sa di kalayuan, natanaw ko si Joshua at Mikaella na magkasama. Close agad sila?

"Matunaw yan bro" nagulat na lang ako sa sinabi ni Xander. Sa aming lima, sya ang may pinakamatino mag advice.

"Alam mo bro, kung may gusto ka sa isang babae, sabihin mo agad kesa maunahan ka." ano daw?

"A.. anong ibig mong sabihin" takang tanong ko.

"Basta Mark, wag mong hahayaan na mawala na lang sya ng di mo sinusubukang ipaglaban sya. Baka pagsisihan mo yan sa dulo at yun ang mas masakit" naguguluhan na talaga ako.

"Hahaha, wag mo masyado isipin yung mga sinabi ko. Tara na baka malate na tayo" buti pa nga.

Parang nakapagtataka. Out of the blue, nagbigay sya ng advice? At para saan? Nakakalito. Pero parang may ibig syang sabihin eh. Ang lalalim kasi nung mga sinabi nya.

-*

PS : Yung Update ko po ang ikli po talaga. Hahaha!

Accidentally fall inlove with the wrong guy (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon