KABANATA 8: Vanilla vs Kape

7 2 7
                                    


Sa Coffee Shop..

"Ano na kaya ang ganap sa dalawang BFF natin sa Music Lab ngayon? Noh?!"tanong ni Rebecca habang nasa kalagitnaan sila ng pag-iinum ng order nila. Sa coffee shop kung saan sila naroon ngayon.

"Ewan ko lang? At saka magtitext naman yung si beshie Ren pag may nangyari dun eh? For sure they were fine. Sa ngayon, *sigh* ayaw ko munang isipin ang magkakapatid na yun! Lalo na si Scott! Nakakasakit ng bangs eh! Tsk tsk!"inis na tugon ni Rona kay Rebecca.

"Hindi ko talaga akalain na ang sama pala ng ugali ng panganay ng Moffatts Brothers na yun! Talagang pumapatol sa babae? In short walang sinasanto! Ika nga!"di makapaniwalang tugon ni Rebecca kay Rona.

"Di kaya? Bakla yun Rona?!"si Rebecca na umiinum ng vanilla. Na siyang ikinatawa ni Rona ng bahagya

At...

"Naku! Naku! Naku! Rebecca.. Baklang Payatot ba ang tawag dun?"napatawa ulit si Rona sa tinuran niya.

"Kulang na lang mag damit babae!"sabay na tugon ni Rona at Rebecca sa isa't isa. At nagsitawanan sila. Sila lang naman ang customer ng coffee shop.

Biglang tumunog ang cellphone ni Rebecca at binuksan at tiningnan niya ito at..

FROM: Bes_Racquel
"Huwag kayong magtagal jan. Ten minutes na lang Mathematics class natin! Naku! Masasabon na naman tayo kay Mr. Doyle sige kayo!"

Namilog ang mga mata ni Rebecca. Kaya inilagay na ni Rebecca ang phone niya sa bag niya at..

"Rona, tayo na! Baka ma late na naman tayo sa Mathematics class natin!"natatarantang pahayag ni Rebecca kay Rona. Tumayo na ito ay pumunta sa counter para magbayad kasunod si Rona. Lumabas na sila ng coffee shop. Habang papasok na sila sa loob ng campus. Pinagtitinginan sila ng mga estudyante.

"Anong meron? Bakit pinagtitinginan tayo ng mga estudyante dito?"takang
Tanong ni Rona kay Rebecca.

"Pasensya sis Rona hindi ko rin knows?! Magkasabay lang tayong pumasok dito eh?!"naguguluhan na tugon ni Rebecca kay Rona. Ipinagkibit balikat lang ito Rona at Rebecca. Tuloy-tuloy silang pumasok at naglakad sa hallway.

"Rebecca, mauna ka muna sa classroom natin at may kukunin lang ako sa locker ko. Susunod na lang ako."paalam ni Rona kay Rebecca at nauna na ito sa classroom nila. Si Rona naman pumunta sa locker niya.Pero bago pa man niya mabuksan ang locker niya. May napansin siyang Red Card na nakadikit sa locker niya at ito ang nakasulat.

'To: Ms. Bruhang Panda,
YOU'RE DEAD!!!"

Biglang na gising yung galit ni Rona. Dahil alam niya kung sino ang nagdikit nito.

"SCOTT PAYATOT! Magpakita ka sa akin ngayon! Susunugin kita!"sigaw ni Rona at hinahanap si Scott sa paligid. Pero ni anino ni Scott wala siyang makita.

"Beshie! I also have a blue card! And it says, 'YOU WILL PAY FOR WHAT YOU'VE DONE Ms. Panda!"gulat na tugon ni Ren kay Rona ng patakbo siyang lumapit kay Rona.

"So, I know who's the person who did this! Ipagdasal lang nila na hindi ako ang makakita sa kanila lalo na sa payatot na yun! Tayo na beshie! I will get rid of that Scott Payatot pagnakita ko siya!"si Rona na pumasok na sa classroom nila kasunod si Ren na patingin-tingin sa paligid bago pumasok sa classroom nila.

Samantala....

Nandito lang pala si Clint at Scott na nakatago sa may garden ng eskwelahan. Pareho silang nagsitawanan nung marinig nila ang sinasabi ni Rona at maging ang reaksyon nito.

"Sa wakas! Gumana ang Plan A ko! Nakaganti na din ako sa bruhang panda na yun! Ngayon alam ko na ang kahinaan niya! If Plan A works *evil grin* for sure Plan B will really, truly and madly successful!"si Scott na bahagyang nag evil grin sa sinabi niya.

"Mukhang ganun din yung isang bruhang pandang kasama niya! *grin* tayo na Elvis! Mamaya na natin intindihin ang mga bruhang tangang panda na yan!"si Clint na lumabas na sa pinagtataguan nila. Sumunod naman si Scott at...

"Oh? Look who's here? SCOTT MOFFATT and CLINT MOFFATT! Good to see you both here guys?! Kumusta naman ang buhay ng isang sikat at pasikat?"si Gil Ofarim siyang ikinagulat ni Scott at Clint.

"And who give you the authority to insult us? In our own school?"si Scott na hinarap si Gil na nakapameywang.

"Well, its because nalaman ko na nasali sa gulo niyo ang baby sister ko. That's why I'm here?! I think there's nothing wrong with that?! So, bakit nga ba nasali ang kapatid kong si Rebecca sa gulo ninyo? Pero hindi na rin ako magtataka dahil kahit kailan you're such a war freak dude as before!"ang panghahamong tugon ni Gil kay Scott.

"Kasi naman yang kapatid mo mahilig makisawsaw sa sawsawang hindi naman siya kasali!"pagbabara naman ni Clint kay Gil.

"Isa ka pa! Ang hambog mo din Tomas! Kaya hindi na ako magtataka isang araw maging brand ka din ng sawsawan! Kasi sa pagkakaalam ko ang kapatid kong si Rebecca ay hindi mahilig makisawsaw! Gaya ng ginagawa mo ngayon! Si Scott ang kinakausap ko at hindi ikaw!"pagdidiin ni Gil kay Clint. Akma na sana siyang sasapakin ni Clint. Pero hinarang ni Scott ang kaliwang braso niya kay Clint. Hinarap si Gil.

"Kung ang kapatid ko maging brand ng sawsawan.. Ikaw naman magiging brand ng paminta! Alam mo hindi na rin ako magtataka kung bakit nasali ang kapatid mo. Dahil may Kuyang pinagmanahan! Mahilig magsindi ng apoy! At isa pa blame it to your cheater friend Melissa! Na hindi marunong makuntento sa isa!"ganti pa ni Scott kay Gil. Kaya akma na sanang sasapakin Gil si Scott. Pero pinigilan ito ni Clint. Nahawakan agad niya ang kaliwang braso ni Gil.

"Sige! Isuntok mo yan! Nang makasuhan kita! At ma suspended yung kapatid mo dito at ma banned sa mga eskwelahan dito! At nasisiguro ko na boung buhay ng kapatid mong si Rebecca ay pagsisisihan niya na ikaw ang naging Kuya niya! Kuya na sisira sa kinabukasan at pangarap niya!"panghahamon at babala ni Scott kay Gil at dahan-dahan niyang binaba ang mga braso niya.

"Scott Moffatt, I will do this for my sister's good! Pero hindi pa ito ang huli nating pagkikita!"babala ni Gil kay Scott at nag 'I'm Watching You' gesture si Gil kay Scott. Bago umalis. Si Scott naman inayos ang sarili niya.

"Wala pa rin palang binatbat yun sayo Elvis?! Tiklop agad ang tuhod nung tinakot mo eh?!"si Clint na napaakbay kay Scott. Pero hindi pa naman sila nakakalayo ay may biglang...

"Pag may mangyaring masama sa Kuya ko! Kayong dalawa ang sisisihin ko!"sigaw at babala naman ni Rebecca sa magkapatid.

"Kaya sabihin mo sa Kuya mo Rebecca na mag-iingat siya sa mga pinagsasabi niya baka hindi namin siya matantya!"babalang tugon ni Clint kay Rebecca.

"I swear! Hinding-hindi ko din kayo sasantuhin kung may ginawa kayo sa Kuya ko! I warned you both! Hindi niyo ako kilala! Huwag niyo akong maliitin! Dahil hindi niyo alam kung anong pwede kong gawin kung sakaling may mangyaring masama sa Kuya ko at malalaman ko na kagagawan niyo!"dagdag pa ni Rebecca kay Clint at pumasok na sa classroom nila. Habang yung magkapatid tumawa na lang at binalewala na lang ang sinabi ni Rebecca kay Clint. Napailing na lang sila at pumunta na sa Music Lab kung saan naghihintay sina Dave at Bob kasama si Mrs. Brakely para pag usapan yung tungkol sa Music Class Grade Contest sa subject niya.
...itutuloy
A/N:
Puro kayo sawsawan ng sawsawan! Wala man lang kayong sinasawsaw!? Haisstt.. -_- Lol!
Don't forget to VOTE or COMMENT! ;)
Thank you! ^_^
Take care and Stay Safe! :*
Love always,
ryen_princess414

Dear Great Pretender (The Moffatts Fan Fiction Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon