Kabanata 3: Si Mister Ice Candy at si Miss Cotton Candy

20 2 3
                                    


******
Nandito yung triplets ngayon sa sala ng condo unit nila.

"Clint at Bob.. Nasaan na si Kuya Elvis?"si Dave na kakatapos lang mag shower at magbihis ng pangbahay niya mula sa kwarto niya. Habang nagtitimpla siya ng tsaa.

"Ewan ko? Wala ba sa kwarto niya?"si Clint na nanonood ng TV.

"Baka may pinuntahan lang? Alam mo naman yung si Kuya Elvis bigla-bigla na lang nawawala na parang bula at sumusulpot na parang kabute!"si Bob na bahagyang tumawa sa sinabi niya.

"Kayo naman kasi iniiwan niyo lage yang si Kuya Elvis eh? Yan tuloy nasanay nang laging hindi nagpapaalam sa atin?! Tsk tsk tsk!"iling na tugon naman ni Clint sa dalawa.

"Asus! Nagsalita ang hindi nang iiwan?!"panunukso pa ni Bob habang sinasamahan niyang mag kape si Dave."Kayong dalawa! Nang-aasar na naman kayo hah?! Kasalanan ko ba na hindi ako komportable pag may kasama ako habang may ginagawa ako hah?!"inis na tugon ni Clint sa dalawa.

"Chill ka lang ka-triplet namin. Huwag kang pikon okay?"si Bob na pinapahupa ang inis ni Clint sa kanilang dalawa ni Dave.

"Oh? Ano na naman ba ang nangyari sa inyong tatlo? Hanggang doon sa elevator dinig na dinig ko ang pagsisigawan ninyo? Ano na naman ba ang problema ng barangay niyo hah?"si Scott na kakarating lang at umupo sa tabi ni Clint na nanonood ng TV.

"Kuya Elvis inum tayo! Ipagtitimpla kita."aya at offer ni Dave kay Scott.

"No need.. Dave. Magluluto na lang ako ng chicken curry para sa dinner natin mamaya."si Scott na tumayo at pumasok na sa kwarto niya para magpalit ng damit.

"Saan ka ba nagtungo Kuya Scott?"tanong ni Bob kay Scott.

"May pinuntahan lang na importante. Pinasa ko na rin yung mga sinagutan nating modules sa Head Teacher natin sa Grade 8 at 9."sagot naman ni Scott mula sa kwarto niya.

"Ehemm.. Ehemm.. Si Melissa na naman ba ang pinuntahan mo? Kuya Elvis?"panunukso ni Dave kay Scott."Aaminin ko babae ang pinuntahan ko. Piro hindi si Melissa yun! Pagkatapos ng ginawa niya? Ako pa talaga ang unang mag reach out sa kanya?!"si Scott na lumabas ng kwarto niya at pumunta sa kusina para magluto ng dinner nila.

"Uyy.. Ang bilis makapag move on ah?! May babae agad-agad ah?"si Clint na ngumiwi ng bahagya kay Scott.

"Oo nga? Sino yan Kuya? Ipakilala mo naman sa amin?"sabay na tanong ni Bob at Dave na may halong panunukso.

"Kapag ako nainis sa inyong tatlo tutoktukan ko kayo nito serving spoon na dala ko!"inis na tugon ni Scott sa triplets.

"Pero hindi na din ako magtataka kung bakit may babae agad-agad si Kuya Elvis. Habulin kasi ng babae eh?!"hirit pa ni Bob.

"Tong dalawang 'to kanina pa 'to eh?!'Wag nga kayong ganyan pwede? Hindi ako makapag focus sa panonood ng NBA eh?! Ang iingay niyong dalawa!"pinandilatan ni Clint sina Dave at Bob.

"Ssshh.."si Scott na naka silence sign sa dalawa. Lumapit naman sina Dave at Bob kay Scott na nagluluto. Dala ang mug na may lamang kape at tsaa nila.

"Itong si Clint hindi ko maintindihan ang ugali. Parang isang malamig na ice candy lang? Pag nawawala yung tamis naging singlamig na ng yelo na natutunaw?!"bulong ni Dave kay Scott at Bob.

"Kayo naman kasi parang hindi niyo pa kilala yang ka-triplet niyo? Ayaw naman niyan ng maingay pag may importante siyang ginagawa eh?!"tugon naman ni Scott kay Dave.

"Alam ko naman yun Kuya. Piro hindi naman siya ganyan dati nung mga bata pa tayo hindi ba? Nakikisabay pa nga yan sa atin pagnagbibiruan tayo eh?!"si Dave na naguguluhan.

Dear Great Pretender (The Moffatts Fan Fiction Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon