At the Moffatts Residence..
(6:04pm)Nasa sala ngayon ang magkakapatid kaharap ang Daddy Frank nila at Mommy Darlana nila.
"Ano na naman 'yung gulong kinasangkutan niyo? Scott?" Maawtoridad na pahayag ni Frank sa panganay niya.
"At ikaw naman David, ano 'yung sinasabi mo sa mga taga-media kanina? Na liligawan mo si Ms. Crow? You two are very vocal in your feelings! What now? Ano na lang ang sasabihin ng mga fans ninyo? And are you both aware na makakaapekto ito sa iHeartRadio Awards Night niyo ngayong darating na Martes?! Hindi na kayo nahiya sa mga fans niyo na nagnominate sa inyo?!" Paninermon ni Frank sa dalawang anak niya.
"Dad, I'm just telling the truth to the media. That I do like Racquel a lot. Masama bang magpakatotoo? And I'm aware na walang boyfriend si Racquel. At kailan ko pa ipagmalaki sa buong mundo si Racquel? Kapag wala na kaming chance sa isa't isa? Ganu'n ba ang gusto mong mangyari Dad?!" Pangangatwiran ni Dave sa Daddy Frank niya.
"Yes, Dave was right Dad. Pinagtanggol ko lang naman si Ms. Campo kay Kimberly kanina. And I think wala namang masama na ipagtanggol ko si Ms. Campo 'di ba? Alangan namang hahayaan ko lang na ipahiya siya ni Kimberly sa harap ng maraming tao? Konsensya ko 'yun Dad?! Dahil hindi naman masasangkot sa gulo si Ms. Campo kung hindi ko siya pinapunta du'n sa Shangri La Hotel para ihatid 'yung reviewers ko." Paliwanag naman ni Scott at napabuntong-hininga.
"Talaga lang ha? Hindi kayo basta-basta lang?! Baka nakalimutan niyo na may kasikatan at reputasyon kayong pinoprotektahan? At isa pa hindi kayo mga super hero! At alam niyo hindi na ako magtataka na this issue could affect your whole career specially to the upcoming awards night!"panenermon ni Frank kina Scott at Dave.
"Mga anak.. Walang masama kung ipagtanggol niyo ang isang tao.. Pero sa ginawa mo Scott.. halata naman na ipinagtanggol mo si Ms. Campo, dahil sa may gusto ka sa kanya.. At ikaw naman iho Dave, aware ka pa ba na minsan ka ng napahamak dahil kay Ms. Crow? You're still in trouble with Mr. Galasso of Dream Street. As long as hindi pa secured at settled ang issue ninyong dalawa ni Mr. Galasso, wala ka pang karapatan na ipagsigawan sana 'yung nararamdaman mo kay Ms. Crow. Anak, David hindi pa ito ang tamang panahon. At alam ko Frankie will find ways para siraan ka sa media. And what's worse? Baka pati career at 'yung mga kapatid mo madadamay pa sa isyung ito?!" Malumanay naman na pahayag ni Darlana kina Scott at Dave.
"I'm sorry mom and dad. I just can't help it. Pero I will make sure na ihahanda ko na ang sarili ko sa pweding mangyari pagkatapos ng mga nasabi ko sa media kanina. I can't undo what I said pero pwede ko naman po itong paghandaan. Kilala ko na po ang ugali ni Frankie. May kahinaan din siya. Kaya doon ko siya babawian kung sakaling may gagawin siya laban sa akin at sa amin. Lalo na din po kay Ms. Crow." Paghingi ng paumanhin ni Dave at paliwanag niya sa mommy niya.
"I'm sorry din po dad and mom. Sa totoo lang po marami na pong nagbago sa akin simula nu'ng dumating si Ms. Campo sa buhay ko. Sa mga bagay na dati wala akong pakialam pero nu'ng dumating si Ms. Campo sa buhay ko na realise ko that I was so dumb and blind enough not to see the importance of that thing to me. Kaya kung may mali man sa ginawa kong pagtatanggol kay Ms. Campo kanina, patawarin niyo po sana ako. At aware naman po ako sa ginawa ko kanina and how I could redeem it to the media. That it was just an incident. And I'm just protecting Ms. Ronalyn Iris Campo." Scott explain himself to his parents and apologises to them.
"Sorry to interrupt. But I guess they just do on what they think was right mom and dad. Kung ako din po 'yung nasa posisyon ni Dave at Kuya Elvis ganu'n din po ang gagawin ko." Pahayag at pagsang-ayon ni Bob kina Dave at Scott sa parents nila.
"Ako? Maybe, ganu'n din 'yung gagawin ko. To show some kindness. Hindi din magandang tingnan na kahit may awayan ng nagaganap sa harapan mo habang ikaw ay nagbubulagbulagan lang?! Lalo na kapag kilala mo at mga importanting tao sa buhay mo ang involve sa awayang nagaganap." Pahayag naman ni Clint sa parents niya habang naalala niya 'yung pagsugod sana niya kanina kay Luke. Pero pinigilan nga lang siya ni Bob.
"Okay.. Okay.. Sige, magpahinga na muna kayo sa kwarto niyo. Pagkatapos maya-maya ay kakain na tayo ng hapunan." Si Frank na napabuntong-hininga na lang at napailing bago pumunta sa kwarto nila ni Darlana.
"Sige, ipaghanda ko na kina Manang Cely 'yung hapunan natin." Paalam naman ni Darlana sa mga anak niya. Pumunta na ito sa kitchen.
Naiwan ang magkakapatid sa living room.
Ito 'yung set up nila:
BINABASA MO ANG
Dear Great Pretender (The Moffatts Fan Fiction Story)
RandomAng pagkakaibigang nabuo, pinaglayo at pinagbuklod ng musika.