(Next Day)
Exam day na nila Scott at Clint.FAST FORWARD...
Nang matapos na sila Clint at Scott na mag-exam ay nalaman din nila agad ang resulta ng exam nila. Laking tuwa nila ng makapasa sila.
"Yes! Nakapasa ako!" Scott and Clint exclaimed happily in chorus.
"Uy! Congrats mga Bro! *ngumiti* mukhang nagbunga din ang pagsisikap niyong dalawa sa pag-aaral ahh?" Bati ni Dave kina Clint at Scott.
"Oo nga mga Bro!" May ngiting pag-sang ayon naman ni Bob kay Dave.
"Oo nga pala! *may biglang naisip* pwede niyo ba kaming samahan ni Bob sa library sa school natin? I mean.. Sa school na pagmamay-ari mismo ng pamilya natin?!"tanong ni Dave kina Scott at Clint.
"Pwede naman. Anong oras na ba?" Tanong ni Clint.
Napatingin si Bob sa wristwatch niya.
"Ala una na!" Tugon ni Bob.
"Sige! Tara na! At ng makapag-rehearse na ulit tayo! Namimiss ko na gitara ko ehh. At nakakamiss din kayong kasama sa rehearsal sa Music Lab." Aya ni Scott sa triplets.At The Moffatts Family High School...
(1:30 p.m.)Nang makarating sila sa mismong school na pagmamay-ari nila. Balak sana nilang pumunta na muna sa may library, pero may napansin silang may pamilyar na tunog sa may Music Lab ng Grade 10.
"Pamilyar ba kayo sa tugtog?" Tanong ni Dave sa mga kapatid niya.
"Hindi? Bakit?!" Tanong ni Scott.
"Parang Miss You Like Crazy by Natalie Cole?" Sabat ni Bob.
"Talaga? Parang hindi naman? Parang wala naman sa tuno 'yung pagkatugtog ng kung sino man 'yung tumutugtog!" Pagsusungit ni Clint.
"Well.. Tingnan natin!" Aya ni Dave sa mga kapatid niya.
Napasilip si Scott sa glass window ng Music Lab ng Grade 10.
"Clint! Look! Who's here?!" Sabi ni Scott kay Clint.
"Bakit?" Tanong ni Clint.
"That Rebecca? That sister of Gil Ofarim??!" Seryosong sabi ni Scott kay Clint.
"Talaga?" Gulat na sabi ni Clint.
Kumatok si Dave sa pinto ng Grade 10 Music Lab at pinagbuksan naman ito ng Music Teacher ng Grade 10 na si Madame Sylvia.
"Ohh?! Mga nagagwapuhang Moffatts Brothers pala ang nandidito? Sige lang.. Pasok kayo!" Mainit na pagsalubong ni Madame Sylvia sa Moffatts Brothers.
"...bakit nga pala kayo naparito? Magrerehearse ba kayo?" Dagdag na sabi pa ni Madame Sylvia.
"Opo sana. Pero ang totoo, dadaan lang po muna kami sana sa may library. Kaso, may pamilyar po kasi na tugtog na nagmumula dito na narinig at pumukaw sa pandinig namin." Paliwanag ni Dave kay Madame Sylvia.
Napatigil si Racquel sa pagpa-piano. At napansin 'yun ni Rebecca.🎻🎹
"Oh? Bes? Bakit napatigil ka?" Tanong ni Rebecca na napatigil din sa pagba-violin.
"Narinig mo ba 'yung boses na 'yun?" Tanong ni Racquel kay Rebecca.
"Wait!" Sabi ni Rebecca na napalingon sa direksyon kung saan si Madame Sylvia at kung sinu-sino ang mga kausap nito.
"Ohh? My?!! Tingnan mo kung sinu-sino 'yung nakikita ko!" Sabi ni Rebecca at itinuturo niya kay Racquel kung sinu-sino ang mga nakikita niya.
"Ohh? My? Si Dave at ang mga kapatid niya! Oo, kita ko nga sila!" Tugon ni Racquel kay Rebecca.
"Kilig ka naman bes?" Pang-aasar ni Rebecca kay Racquel.
"Naku! Kunwari ka pa! Ehh.. Ikaw nga kinilig ka nu'ng matanawan mo si Clint!" Pambawi ni Racquel.
"Oo na! *napatawa* Ssssshhh.. Ka lang bes.. Baka marinig ka ng mga 'yun!" Pagpapatigil ni Rebecca kay Racquel sa kanya.
Maya-maya ay may ibang mga babaeng nagdadagsaan sa may Music Lab ng Grade 10. Nu'ng makita nila ang The Moffatts.
"I love you, Scott!" Sabi ng isang babae.
"I love you, Clint!" Sabi ng isa pang babae.
At ng iba pang babaeng nakakatanaw sa kanila sa may glass window ng Music Lab.
"Ano ba 'tong mga babae na 'to? Puro mga nakairit at naghihiyawan?!" Iritang sabi ni Scott.
"Gano'n talaga! Heartthrob ehh! Kahit pa itong si CT!" Pagpaparinig ni Bob sa dalawa.
"Oo nga?!" Sang-ayon ni Dave kay Bob na bahagya pang natawa.
Lumapit sa kanila si Madame Sylvia.
"Naiiingayan ba kayo? Pasensya na ha? Wait! Papaalisin ko muna 'yung mga babaeng 'yan!" Sabi ni Madame Sylvia.
Pinaalis ni Madame Sylvia ang mga babaeng nakasilip sa glass window ng Music Lab. Sinara niya ito at tinakpan ng kurtina. Ini-locked niya ring mabuti ang pinto para walang ibang makapasok.
"Okay boys?! Wala na sila! Pinalayas ko na!" Ngiting sabi ni Madame Sylvia.
"Mabuti naman po kung gano'n." Sabi ni Clint.
Tinawag ni Madame Sylvia sina Racquel at Rebecca at lumapit naman ang dalawa sa kanya.
"Bakit po Madame?" Tanong ni Rebecca.
"Well, siguro naman kilala niyo na ang mga nagagwapuhang binatang ito na magkakapatid?" Sabi ni Madame Sylvia.
"Opo! Madame!" Sabay na sabi nila Racquel at Rebecca.
"Okay? Magaling! Hindi ko na sila kailangan pang i-introduce sa inyo." Ani Madame Sylvia.
"Madame, actually.. Kilala po talaga namin sila at kilala din nila kami." Si Racquel kay Madame Sylvia.
"Oo nga po Madame!" Sang-ayon naman ni Rebecca.
"Ehh, 'di mas lalong magaling?!" Hangang tugon ni Madame Sylvia kina Racquel at Rebecca.
"Racquel, nagpa-piano ka pala? Marunong ka pala niyan ehh?! Parehas pala tayo! Keyboard nga lang ang sa akin. Pero maalam din ako sa pagdating sa pagpa-piano." Sabat ni Dave nang lumapit siya kay Racquel.
"Hindi naman. Slight lang." Nahihiyang sagot ni Racquel kay Dave.
"...kailangan ko pang i-develop ang skill ko sa pagpa-piano. Since I was a kid piano na ang nakahiligan kong tugtugin. Music and Arts Teacher din kasi ang mommy ko sa Elementarya bonding moment namin 'yung mag-ina kapag wala siyang ibang ginagawa. Well, sa boses wala naman akong problema pero dito sa pagpa-piano ko kailangan pa ng gabay." Dagdag at salaysay naman ni Racquel sa sinabi niya kay Dave.
"Ahh? Gano'n ba? Nasa lahi niyo pala 'yung pagkahilig mo sa piano at music noh?!" Manghang sabi ni Dave kay Racquel.
"Yung gumagamit ng violin.. Medyo wala sa tono ang tunog ng pagtugtog niya. Kaya 'di ko agad matukoy kung anong kanta ang tinutugtog nila kanina!" Sabat ni Clint.
"I heard, Miss You Like Crazy by Natalie Cole?" Sabat din ni Bob.
"Sige nga girls?! Pwede bang tugtugin niyo ulit 'yung Miss You Like Crazy ni Natalie Cole?" Pakiusap ni Madame Sylvia sa dalawang dalagang Racquel at Rebecca.
"Sige po! Madame!" Sagot ni Racquel.
Habang si Rebecca naman ay 'di niya mahawakan man lang ang violin na tinutugtog niya kanina. At dahil sa narinig niya mula sa sinabi ni Clint. Napansin naman agad ito ni Racquel.
"Uy? Bes? Anong nangyayari sa'yo? Bakit hindi mo pa hawakan 'yang violin? Tara na't tumugtog na tayo! At nakakahiya sa magkakapatid!" Si Racquel to Rebecca.
"Bes.. Nakakahiya kay Clint ehh?! Wala daw sa tono 'yung pagtugtog ko ng violin." Si Rebecca na nagtatampo.
Napansin din ito ni Madame Sylvia.
"Ms. Ofarim? Anong problema? Bakit ayaw tumugtog?" Alalang tanong ni Madame Sylvia kay Rebecca.
"Madame, kasi po parang nakakahiya ng tumugtog ng violin na wala sa tono ehh.. Wala daw sa tono 'yung pagtugtog ko."malungkot na tugon ni Rebecca kay Madame Sylvia.
"Bakit hindi mo subukan?" Pagpapalakas ng loob na tugon ni Madame Sylvia kay Rebecca.
"Oo nga naman bes? Walang masamang mag try ulit." Pagsang-ayon ni Racquel kay Madame Sylvia.
At pagpapagaan naman ng loob kay Rebecca.
Habang...
"Naku! CT! Mukhang gawa mo yata kaya ayaw niyang tumugtog ulit." Pangongonsensya ni Bob kay Clint.
"Bakit? Totoo naman ah?" Tugon ni Clint kay Bob.
"Bakit? 'Di mo siya pasubukin ulit?" Suhestiyon ni Dave kay Clint.
"Bahala kayo diyan! Basta't dito lang ako uupo sa tabi." Si Scott na umupo sa may arm chair.
------
"Okay sige! Tutugtog na ako." Si Rebecca na tumingin muna kay Clint bago kunin ang violin.
Habang si Clint ay nakatingin pati ang dalawang ka-triplets nito kina Rebecca at Racquel.
Medyo nanginginig ang kamay ni Rebecca pero pinipilit niyang labanan para makatugtog ng violin.
Nu'ng kumalma na si Rebecca ay tinugtog na ulit ni Racquel ang Miss You Like Crazy ni Natalie Cole.
Pumalakpak sina Dave at Bob.
Samantalang si Clint....
"Okay na rin?" Sabi ni Clint na parang hindi pa rin satisfied sa performance nina Rebecca at Racquel.
Pinaupo muna ni Madame Sylvia sina Racquel at Rebecca sa isang tabi at kinausap niya muna ang mga magkakapatid tungkol sa performance ng dalawang dalaga.
"Tingin ko nga. Parang kulang ang pagtuturo ko sa kanila. Kasi hindi ko sila masyadong matutukan sa pagtotutor ko. Madami rin kasi akong ginagawa at Music Instrument Tutorials na hinahandle ehh?! Hindi naman pweding sila na lang ang tutukan ko?!" Sabi ni Madame Sylvia.
"....ano kaya? Ang dalawa sa inyo ang magturo ng violin at piano? Naisip ko na...ikaw Mr. Clint at Mr. Dave Moffatt ang magtuturo kina Ms. Ofarim at Ms. Crow.." Suhestiyon ni Madame Sylvia sa magkapatid.
"Ha?!! Bakit ako?" Gulat at reklamong tugon ni Clint kay Madame Sylvia.
"Bakit? Ayaw niyo ba? Suhestiyon lang naman 'yun. Parang tulong niyo na rin sa akin 'yun." Sabi ni Madame Sylvia nang mapansin niyang may pag-aalinlangan sa mukha ni Clint.
"Bakit CT? Sa akin, okay na okay lang naman!" Ngiting sabi ni Dave.
"Oo nga naman?" Sang-ayon naman ni Bob kay Dave.
"...pagbigyan mo na. Magtuturo ka lang naman ehh?! At saka kasama mo naman si Dave. Parehas kayong magtuturo. 'Di ba may alam ka sa violin? Ikaw at ikaw lang din ang makakapagturo nu'n! Hindi naman kami pwede ni Kuya Elvis kasi *sabay turo kay Scott na wala sa huwisyo* Tingnan mo naman? Makakapagturo ba 'yang ganyan? Hindi naman kami maalam. *medyo napatawa* At saka, kayo ang napili ni Madame Sylvia para magturo kina Rebecca at Racquel." Paliwanag ni Bob na habang nakaakbay kay Clint sa isang tabi.
"Oh.. Sige na nga?! Hindi talaga ako makatanggi kapag ikaw na nakikiusap sa akin ehh?!" Napilitang tugon ni Clint kay Bob.
"Yeah! *tuwang-tuwa* Okay! Madame, okay na po! Payag na si CT!" tuwang sabi ni Bob kay Madame Sylvia.
"Parang 'di lang 'yan makatanggi sa'yo?!" Ani Dave.
"Oo nga ehh?" Nahihiyang tugon ni Bob na napahawak pa sa batok niya.
Tinawag ni Madame Sylvia sina Racquel at Rebecca na nakaupo lang sa arm chair. At lumapit na rin agad sila kay Madame Sylvia.
"Okay? Since, okay na sa dalawa na magtutor sa inyong dalawa. Ms. Crow, *baling kay Dave* si Mr. Dave Moffatt ang magtuturo sa'yo sa piano. At sa'yo naman Ms. Ofarim, *baling kay Clint* si Mr. Clint Moffatt ang magtuturo sa'yo sa violin. Hindi naman pweding bass kasi, walang available na bass pa dito. Well, baka nagtataka kayo kung bakit wala 'yung bass? May nakasira kasi nu'n. Ngayon ko lang nasabi sa inyo. Pasensya na. *sabay baling kay Clint* Okay lang ba Mr. Clint? Kahit 'yung violin? Atsaka, ang gustong tugtugin ni Rebecca ay violin. Pero balita ko, maalam kang tumugtog ng violin?" Pahayag kina Racquel at Rebecca at tanong kina Clint at Dave.
"Oo nga po Madame! 'Yung tungkol po sa bass, kami na pong bahala du'n, bibili na lang ulit ng bago. Basta't ingatan na lang sa susunod." May ngiting sabi ni Clint kay Madame Sylvia.
"Salamat naman kung ganu'n." Pagpapasalamat ni Madame Sylvia kay Clint.
Ngumiti si Dave kay Racquel at siniko naman ni Racquel si Rebecca.
"Bes, pagkakataon mo na 'to magpaturo kay Clint.." Si Racquel kay Rebecca.
"Oo nga ehh??!" Sang-ayon naman ni Rebecca na nakayuko at napansin ito ni Racquel.
"Bakit nakayuko ka diyan?" Si Racquel na bahagyang iniangat ang ulo nito sa pagkakayuko.
"Ano ba, Bes? Nahihiya akong tumingin sa kanila. Lalo na kay Clint." Si Rebecca na nahihiya pang tumingin kay Clint.
------
"Well, dahil may gagamit ng Music Lab na ito ngayon. Magpapa-schedule ulit ako mamayang alas kwatro para sa tutorial ninyong apat. Okay lang ba?" Tanong ni Madame Sylvia.
"Okay po!" Si Dave.
Alas tres na nu'ng nagsialisan sila sa Music Lab ng Grade 10. Magkakasama sila Scott, Clint, Bob at Dave na umalis.
At sumunod naman sina Rebecca at Racquel sa kanila ng mapadaan sila sa may room ng Grade 9 Soprano, na mismong classroom din nila Racquel at Rebecca.
(Grade 9 Soprano classroom)
Pagkalabas nina Ren at Rona sa classroom...
"Beshie, punta muna tayo sa library para sa mga hahanapin nating libro na pag-aaralan pa natin." Sabi ni Ren kay Rona.
"Okay sige beshie!" Sang-ayon ni Rona.
Sabay baling ng dalawa ang tingin kina Racquel at Rebecca.
"Uy.. Racquel at Rebecca? Kumusta sa Music Lab? Tapos na kayo sa Piano at Violin Tutorial niyo?" Usisa ni Ren sa dalawa.
"Ahh?! Hindi pa nga ehh?!" Tugon ni Racquel.
Biglang sumingit si Clint at Scott sa usapan ng apat. Biglang lumapit si Scott kay Rona at niyakap niya ito.
At gano'n din si Clint kay Ren.
"Yes! Nakapasa ako!"tuwang-tuwang sabi ni Scott habang yakap niya si Rona.
"Wow! Congrats! Pero bakit may yakap?" Tanong ni Rona kay Scott.
May mga nakakakita sa kanilang ibang estudyante.
"Ahh! Sorry? Oo nga pala! 'Yung pinag-usapan natin?" Inalis ni Scott ang braso niya sa pagkakayakap kay Rona.
Inilahad ni Scott ang kamay niya kay Rona dahil may kukunin siya dito.
"Ohh? Heto na! *habang natatawa*." Inilabas ni Rona ang bungi picture ni Scott.
"Akin na! *kinuha sa kamay ni Rona* Huwag mo ng ibulgar! At saka, natatawa ka pa talaga ha?" Si Scott na medyo napalakas ang boses.
"Okay, Sige na! Masaya ako na nakapasa ka at mabuti naman, nag review ka ng husto ng mga itinuro ko sa'yo." Ani Rona.
"Sige. Salamat!" May ngiting tugon ni Scott kay Rona.
Habang si Clint naman ay nakayakap pa rin kay Ren. Halatang nagulat si Ren sa ginawa ni Clint sa kanya. Biglang umeksena si Bob kina Ren at Clint.
"Ohh! Tama na 'yan! Napapatagal na 'yang yakapan niyo ehh?! Pinagtitinginan na kayo ng ibang mga estudyante ehh?!" Si Bob na inalis ang pagkakayakap ni Clint kay Ren.
"..at saka, *sabay turo ng mata ni Bob sa kinaroroonan nina Rebecca at Racquel* may Violin Tutorial ka pa mamaya kay Rebecca?!" Dagdag na sabi ni Bob kay Clint.
"Ahh.. Oo nga pala! Wait lang! Saglit lang 'to." Tugon ni Clint kay Bob.
Sabay baling ng tingin kay Ren.
"Ms. Panda. Este, Ms. Zieschang! Salamat sa pagtuturo sa akin, kung hindi dahil sa'yo, hindi ako makakapasa sa exam." Pagpapasalamat ni Clint kay Ren.
"Ahh?! Okay? Walang anuman 'yun!" Ngiting tugon ni Ren kay Clint. At napatingin siya kina Rebecca at Racquel.
"Sige na! Mauuna na kami at may hahanapin pa kaming mga books sa may library. May tutorial pala kayo kina Racquel at Rebecca. *sabay bulong* 'Wag niyong aawayin 'yang dalawang 'yan ha? Kung hindi, kami ni beshie Rona ang makakalaban niyo?!" Dagdag at paalala ni Ren kay Clint.
"Tara na nga beshie! Sige bye!" Paalam ni Ren kina Racquel at Rebecca pati sa mga Moffatts Brothers.
"Mauuna na rin kami ni beshie sa pag-uwi mamaya, kasi mukhang gagabihin kayo sa pag-uwi niyo mamaya." Sabi ni Rona kina Rebecca at Racquel.
Tumango at ngiti na lang ang tugon nina Racquel at Rebecca kay Rona at Ren.
Umalis na sina Rona at Ren papunta sa library. Sinusundan naman nila Scott at Bob ng tingin ang dalawa. Hanggang sa maalis na sa paningin nila ang mga ito.
"Oyy!!" Sina Dave at Clint na kinakawayan ang mukha nina Scott at Bob.
"Natulala kayong parehas diyan?" Si Dave kina Scott at Bob.
"Ahh!! Ww-wala 'to!" Nauutal na sabi ni Bob kay Dave.
"Okay? Sabi niyo ehh." Si Dave kina Bob.
(Makalipas ang isang oras)
Nag chime bell na ng alas kwatro. At nagsilabasan na ang mga estudyante sa iba't-ibang classroom. At pati na rin sa Grade 9 Soprano.
"Tara na, Bes! May Piano at Violin Tutorial pa tayo!" Aya ni Racquel kay Rebecca.
"Paano sina Rona at Ren?" Tanong ni Rebecca.
"Di ba nagpaalam na sila sa atin kanina? Napatagal sa library o baka umuwi na rin 'yun pagkatapos magpunta sa library." Sabi ni Racquel kay Rebecca.
"Ayy? Oo nga pala! Sorry bes ha? Nawala sa isip ko. Kinakabahan kasi ako ehh!" Si Rebecca kay Racquel.
"Kinakabahan? Bakit ka naman kakabahan? Dahil ba kay Clint?" Tanong ni Racquel kay Rebecca.
"Hindi naman sa gano'n!" Depensa ni Rebecca kay Racquel.
"Ohh? Hindi naman pala si Clint ehh?! Pero bakit ka nagkakaganyan?" Takang sabi ni Racquel kay Rebecca.
"...okay? Ganito na lang. Mag inhale at exhale ka."dagdag pa ni Racquel.
Nag inhale at exhale nga si Rebecca.
Maya-maya ay kinamusta ni Racquel ang pakiramdam ni Rebecca.
"Ohh? Ano? Ayos na pakiramdam mo? Ganyan lang ang gawin mo kapag kinakabahan ka. Inhale at exhale. Nakakaayos ng pakiramdam 'yun at nakakatanggal ng kaba." Si Racquel sabay kindat kay Rebecca.
"Oo nga noh? Medyo umaayos-ayos na ang pakiramdam ko. Pero siguro mamaya ay maaalis na rin 'tong kaba ko. Salamat bes! Lagi kang nandiyan para sa akin." Sabi ni Rebecca sabay yakap kay Racquel.
Pumunta sila Racquel at Rebecca sa Music Lab ng Grade 10. Nadatnan nila si Madame Sylvia at ang apat na magkakapatid na Moffatts.
"Okay! Racquel, kaya mo 'to! 'Wag kang kabahan." Sabi ni Racquel sa sarili niya at napabuntong-hininga siya ng malalim. At gano'n din ang ginawa ni Rebecca.
"Okay girls! Maiwan ko muna kayo. It's two hours only ang pagtuturo nila sa inyo ha? Okay? Babalik ako dito mamayang alas sais para isarado 'tong Music Lab. Marami lang kasi akong inaasikaso, kaya sila lang talaga ang pweding magturo sa inyo. At saka, tinawagan ko na ang mga parents niyo tungkol dito sa tutorial na 'to. Pati ang parents ng Moffatts Brothers, tinawagan ko na rin para 'di sila mag-alala sa inyo. *baling kay Rebecca* By the way, Rebecca, ang Kuya Gil mo ang nakausap ko tungkol sa tutorial na ito. Ayaw niya pa nga sanang pumayag kasi nalaman niyang si Clint ang magtuturo sa'yo. Pero kinausap ko siya ng maayos para mapapayag siya. But don't worry! Pumayag din siya." May ngiting paliwanag ni Madame Sylvia kina Rebecca, Racquel at sa apat na magkakapatid.
"Salamat po Madame!" Sabay na sabi nina Rebecca at Racquel.
"Ayy siya! Mauna na ako para maaga kayong matapos. Hanggang alas sais lang kayo dito ha? Paalala ko lang." Paalam at paalala ni Madame Sylvia sa kanila.
"...since, anim lang kayo dito sa Music Lab, *sabay tingin sa magkakapatid* Boys? Behave lang kayo ha?!" Paalala ulit ni Madame Sylvia sa Moffatts Brothers.
"Opo, Madame!" Sagot ni Dave
At umalis na si Madame Sylvia.
******
Lumapit si Clint kay Dave at...
"Anong ibig sabihin ni Madame Sylvia du'n sa sinabi niya?" Tanong ni Clint.
"Wala 'yun! Sige na, start na tayo." Sabi ni Dave.
"Oo nga naman. Mag start na kayo. *biglang baling ang tingin kay Rebecca at Racquel* Girls! 'Wav na kayong mahiya diyan kina Dave at Clint. Mukha lang 'yang masungit pero mababait talaga 'yang mga 'yan." Sabi ni Bob na sabay tingin kina Dave at Clint na may kasamang kindat.
"Dito lang kami ni Kuya Elvis sa tabi uupo at manonood sa inyo *sabay tingin kay Scott* 'di ba Kuya?" Dagdag pa ni Bob.
"H-ha?" Sagot ni Scott.
"Anong ha? Bakit ka ganyan? Parang lutang ka yata Kuya Elvis? Anong nangyayari sa'yo?" Sunod-sunod na pagtatakang tanong ni Bob kay Scott.
"W-wala.. Wala 'to?! 'Wag niyo akong intindihin." Ani Scott na tila malalim ang iniisip.
"Para kasing ang lalim ng iniisip mo eh?!" Pagtataka pa ring tanong ni Bob kay Scott.
"Sige na! 'Di ba sabi ko, 'wag niyo na akong intindihin?" Sagot ni Scott sa malumanay na boses.
"Okay! *pumalakpak ng dalawang beses* Simulan niyo na 'yung pagtuturo. Manonood lang kami ni Kuya Elvis dito." Pahayag ni Bob sa ka-triplets niya.
BINABASA MO ANG
Dear Great Pretender (The Moffatts Fan Fiction Story)
De TodoAng pagkakaibigang nabuo, pinaglayo at pinagbuklod ng musika.