KABANATA - 6 Si The Flash at Electroschock Girl

11 3 2
                                    

******
"Rona? Bakit mo ginawa yun kay Scott girl? Alam mo ba ang possible na mangyari sa ginawa mo?"alalang wika ni Rebecca kay Rona.
Nang mapaupo na sila sa tagpuan nila ni Ren. Kapag nag-aaral sila at gusto nilang magkaroon ng moment sa isa't isa bilang mag beshie.

"Girls.. Ano ba talaga ang nangyari? Bakit nag-aaway kayo ni Scott Moffatt? Hanggang doon sa hallway dinig na dinig namin ni Dave ang sagutan ninyo sa isa't isa?"si Racquel na naguguluhan.

"Kayo naman kasing dalawang mag bes masyado niyong inuuna yung kalandian niyo kina Dave at Clint! Kaya ayan? Sobrang nga-nga kayo ngayon!"sermon ni Ren sa mag bes.

"Parang na late lang ako? At nagkataon din na nandun si Dave sa labas at nagkabanggaan kami? Landi na agad ang tawag mo dun?"pangangatwiran naman ni Racquel kay Ren.

"Tapos? Kalandian din ba ang tawag sa nakatingin lang kay Clint ha? At sinabi ba namin kay Rona na makikipag-away siya kay Scott? At ikaw kay Clint? Hindi naman 'di ba?"pangangatwiran din ni Rebecca kay Ren.

"Tama na nga yan! Huwag niyo nang dagdagan ang iniisip ko?! Rebecca wala akong pakialam! Una sa lahat wala naman akong kasalanan ehh.. Siya yung pumasok sa Music Lab. Kaya pumasok ako dun sa Music Lab kasi ayaw ko siyang makita okay? Kasi nung makita ko sils sa personal nakakadiri pala silang tingnan! Sinigurado ko naman na isinara ko ng mabuti yun bago umupo dun malapit sa mga music instruments. At yun sinundan ako ni Ren. At siguro hindi na locked ng mabuti ni Ren yung pintuan. Kaya narinig ng payatot na yun yung mga sinasabi ko kay Ren tungkol sa kanila. Kaya yun ang simula ng argumento namin ng dalawang payatot na magkapatid na yun!"pahayag at salaysay ni Rona sa mga kasama.

"So, ngayon kasalanan ko pa beshie? Malay ko ba kung pumasok pala yung mga mokong na yun sa Music Lab? At pupunta sila kay Mrs. Brakely sa room natin?"pangangatwiran naman ni Ren sa kaibigan.

"You know what? Kung isinara mo sana ang pintuan ng maayos e 'di sana hindi nila narinig yung mga sinasabi ko? Aware naman siguro tayong lahat?! Na lahat ng dingding at pintuan dito sa school nila ay sound proof 'di ba? Kung isinara mo yun ng maayos e 'di sana nilagpasan nila tayo? At walang gulong nangyari?!"pangangatwiran pa din ni Rona kay Ren.

"So? Paano na yan ngayon? Kung i-kick-out tayo ni Scott Moffatt, saan na tayo pupulutin? Kaka-transfer lang namin ni Racquel dito taz ma kick-out na agad kami?! Baka ito na yung karma sa akin ni Kuya Gil eh?!"nag aalalang tugon ni Rebecca sa sinabi ni Rona at Ren.

"Kick-out? Hala? Hindi naman ako kasali sa gulo niyo ah? Na late nga lang ako 'di ba? At alam ni Dave yun! Kasi sabay kaming dumating sa Music Lab."sabi naman ni Racquel.

"Walang ma-kick-out sa ating tatlo Rebecca! Kung ano man yung gagawin ng Scott Moffatt at Clint Moffatt na yan sa ating tatlo haharapin natin yun ng taas noo. Kahit sabihin nating sila pa ang may-ari ng school na ito! Wala silang karapatan na i-kick out nila tayo dito. Kasi hindi naman tayo ang nagsimula ng away kundi sila lang naman!"paniniguro naman ni Rona kay Rebecca.

"At ako na din yung bahalang magpaliwanag kung ano talaga yung totoong nangyari. Makabawi man lang ako kay Rona. Hindi ko hahayaang mapahamak ang beshie ko sa kanila. Lalo na sa Scott na yun."si Ren na nakahawak sa balikat ni Rona.

"Hoy! Mga bruhang panda! Nandito lang pala kayo?! Pinapatawag nga pala kayo ng Guidance Counselor natin. Ipaliwanag niyo daw yung ginawa niyo kay bebe Scott at Clint kanina sa Music Lab. Kung hindi i-kick out daw kayo ni bebe Scott sa school na ito!"tawag ng isang babae kina Rona. Tumayo na agad sila at tinapunan ng masamang tingin yung babae bago sila umalis at pumunta sa Guidance Office.Pagdating nila dun ay..

"Ms. Ronalyn Campo at Ms. Renchelle Zieschang buti at nandito na kayo. Maupo kayo at kanina pa kayo hinihintay ng magkakapatid."bungad ng Guidance Counselor kina Rona pagdating nila. Umupo sila sa may living room ng Guidance Office. Kasama sina Racquel at Rebecca paharap sa The Moffatts. Suminyas pa si Scott kay Rona ng 'I'm watching you'. Inirapan lang siya ni Rona.

Dear Great Pretender (The Moffatts Fan Fiction Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon